Kabanata 10

373 25 6
                                    

Natapos na lahat ng class namin sa buong araw, ibig sabihin uwian na ng lahat. Magpapatulong pa kasi si Stephen sakin. Tinext ko siya na andito lang ako sa canteen maghihintay sakanya pero dalawampung minuto na wala pa din akong natanggap na reply sakanya. Kahit na naiinip na kong maghintay, I told myself na konting hintay pa.. dadating din yan. Di katagalan, nakita ko si Aubrey papalapit sakin.

"Oh Nics, bakit hindi ka pa umuwi? Tara na? Sabay na tayo. Naghihintay ang barkada sa gate" Sabi sakin ni Aubrey. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya kasi pag sinabi ko na naghihintay ako kay Stephen, sigurado ako na sesermonan niya nanaman ako.

"Uhmm... May gagawin pa kasi ako.. Magpapatulong pa 'ko kay maam sa mga lessons natin last week, hindi ko kasi nagets" Sagot ko sakanya. Tinignan niya ko ng masakit at umupo sa tabi ko. Nagtaka naman ako sakanya.

"Magpapaturo o maghihintay nanaman kay Stephen?" Biglang tanong niya sakin. Napakagat-labi nalang ako sa tanong niya. Gustuhin ko mang ideny na hindi si Stephen ang hinihintay ko.. pero wala na eh.. nahuli na niya 'ko. Minsan napapaisip ako na isang tingin pa lang ni Aubrey saming magbabarkada parang alam niya na kung ano ang iniisip namin. Siguro may kapangyarihan 'tong si Aubrey na alamin kung ano ang nga nasa utak namin.

"Sige na.. mauna nalang kayo. Dito lang ako. Huwag kayong mag-alala, wala namang mangyayaring masama sakin." Napangiti nalang siya sa sinabi ko at nagsimulang tumayo at naglakad palayo. Pagkaalis ni Aubrey, pinag-aralan ko nalang ang mga past lessons namin during this quarter para pagkaturo ko mamaya kay Stephen, hindi na 'ko mahirapan.

Inuna kong pinag-aralan ang Advanced Algebra. Actually isa din sa favorite subject ko ang Math. Kahit na madaming kumokontra sa subject na 'to, I find it interesting and challenging. For some, naiinis silang sumagot ng mga problems at mag-isip pero ang hindi nila alam, nakakatulong ang math para mas lalo tayong makakapag-isip. Ang pangit naman kasing tignan kung meron nga tayong utak pero hindi naman natin ginagamit.

Second, pinag-aralan ko ang Physics. Sabi ko nga, favorite subject ko ang Physics. Hindi ko alam pero hindi ako nahihirapan o nayayamot kapag nagkaroon ng lessons ang teacher namin. Sabi ng iba, out of biology, chemistry, at physics, ang physics daw ang pinakaboring sa lahat pero I beg to disagree, kasi para sakin nasa sa iyo yan kung magiging boring ang subject o hindi. Its either ieenjoyin mo o magpapadala ka sa antok.

Sa tingin ko eto lang naman yung nahihirapan na subject ni Stephen. Pagkatapos kong pag-aralin ang dalawang subject, tinignan ko ang paligid ko, konti nalang ang tao. Ang iba, gumagawa ng project nila. Ang iba nag-aaral. Tinignan ko ang relo ko, then napagtanto ko na 6PM na pala. Ibig sabihin, isang oras na kong naghihintay dito. Hay Stephen talaga. Tinext ko siya ulit kung asan na siya pero wala pa din akong reply na natatanggap. Sabi ko, 30 minutes nalang...dadating pa yan.

Sa loob ng 30 minutes gumawa ako ng mga poems. Oo, mahilig akong gumawa ng mga poems. Yung tipo na para bang sabaw na sabaw na ang utak mo tapos pag nahawakan mo lang ang ballpen at papel mo, maraming thoughts kaagad ang pumapasok sa isipan mo. After doing 5 poems in just 30 minutes, wala pa ding Stephen na dumadating. Nagdecide ako na umuwi nalang kasi gabi na at baka hinahanap na 'ko ni Mama at Papa.

Habang naglalakad palabas ng school, kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko para itext siya kaso bigla ito nagvibrate. Pagkatingin ko, si Stephen nagtext sakin.

From: Stephen

Nics, I'm sorry hindi ako nakarating. Nagpasama kasi sakin si Alisa at hindi ko namalayan na gabi na pala. Gusto ko pa sanang bumalik diyan kaso nagpahatid pa sakin si Alisa kaya nagabihan ako. Sorry talaga Nics. Promise bukas babawi ako sa'yo. Ako sasagot ng kakainin natin bukas sa tutor.

Napangiti nalang ako sa reply sakin ni Stephen. Haynaku. Kahit kailan talaga. Palagi nalang paliwanag ng paliwanag. Gustuhin ko mang magalit, hindi ko magawa eh. Naglakad nalang ako pauwi. Pagkadating ko sa bahay, as usual natulog-gising-aral-basa. Bago ako mayulog, nagtext sakin si Stephen na sabay daw kami bukas uuwi. Hindi na 'ko nagreply kasi ayoko nang pahabain pa ang pag-uusapan namin

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now