Kabanata 6.5

580 40 4
                                    

Ang aga-aga kong nagising ngayong araw. Masyado lang ata akong excited sa mga mangyayari mamaya. Kahit na hindi ko alam kung anong ang mangyayari mamaya, umaasa pa rin ako na sana maging masaya kaming lahat. Pagdilat ko ng mga mata ko, mahimbing pa ang tulog ng lahat. Bumaba ako, -pagkatingin ko sa bintana, madilim pa. Tinignan ko yung relo ko kung anong oras na, pagkatingin ko 3AM pa lang. Napaisip ako na masyado pa talagang maaga 'to.

Nagbihis muna ako ng at nagsimulang bumaba sa resort na tinutuluyan namin. Madalim pa sa labas, at kitang-kita mo pa ang bilugang buwan at mga bituin sa langit. Pagkalabas ko, nadatnan ko kaagad si Stephen, patalikod na nakatayo. Nakajacket siyang kulay itim at nakashorts. Samantala, ako naman giniginaw. Nakalimutan ko kasing suotin ang jacket ko.

Nakatalikod siya, tila yata malalim ang kanyang iniisip. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya kung ano man yung sumasagabal o pumapasok sa isipan niya.

"Parang ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Tumabi ako sakanya. Nagulat naman siya sakin

"Hindi. Nagpaalis lang ng antok. Oh ikaw? Ba't di ka pa natutulog?"

"Natulog ako. Kakagising ko nga lang."

"Tara punta tayo dun" Agad niyang kinuha ang aking mga braso para agad akong sumama sakanya. Napaisip ako kung ano nanamang pakulo ang gagawin ni Stephen.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gusto ko man sanang pumalag sakanya pero hindi ko magawa kasi napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko. May tiwala ako kay Stephen kaya hindi pumasok saking isipan na matakot o magduda sakanya.

Huminto kami sa isang lugar kung saan medyo malapit sa dagat. Madilim pero nasasanagan kami ng liwanag ng buwan at ng mga bituin. Madaming buhangin ang nakapaligid sa lugar at mga maliliit na kahoy na nagkalat.

Nagulat nalang ako ng biglang kunin ni Stephen ang mga nagkalat na kahoy sa paligid. Wala  akong ginawa kundi ang tumayo at obserbahan siya sa kung ano ang mga susunod niyang gagawin. Tinipon niya lahat ng mga maliliit na kahoy na nakuha niya at inilabas sa kanyang bulsa ang isang lighter. Bigla niyang itong sininditan at lumiyab. Nakagawa siya ng isang bonfire. Nung nagliyab na ang apoy, wala akong ibang naramdaman kundi init sa aking paligid. Nawala lahat ng ginaw na aking naramdaman kanina. I feel secured.

Meron ding isang napakalaking bato na malapit sa bonfire na ginawa ni Stephen. Dun namin napagpasyahan na umupo. Napakalaki ng isang bato kaya nagkasya kaming dalawa. Simple lang yung pag-upo ko, nasa ilalim ang dalawang kong paa at medyo nakayakap ako sa sarili ko dahil sa ginaw. Si Stephen naman, nakainat at nakapatong ang isang paa niya sa batong kinauupuan namin at ang isang paa niya naman ay nasa ilalim din.

Nagulat nalang ako sa ginawa niya ng bigla siyang kumuha ng isang sakop ng kanyang kamay na buhangin at agad ibinato ito sa dagat.

"Gawin mo din yung ginawa ko" Dahil natuwa ako sa ginawa niya, hindi na ako nagdalawang isip na sundin din siya. Kagaya nang ginawa niya, kumuha din ako ng mga buhangin at agad na itinapon sa dagat.

"Nakakatuwa 'no?" Sambit niya naman sakin. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. 

Napaisip ako na tila yatang napakafamiliar ng ginawa namin ni Stephen. Hanggang sa naalala ko ang mga pangyayaring nangyari dati.

"Alam ko na. Naaalala ko na yung ganitong pangyayari. Talagang hindi mo pa nakakalimutan yung mga tinuturo ko sa'yo noon 'no?" Matagal ko nang itinuro sakanya 'tong gawain na 'to. Mga tatlong taon nakalipas na ata. Nagkaroon kasi si Stephen ng problema sa kanyang mga magulang. Inisip niya na parang nawawalan na ng oras ang kanyang mga magulang sakanya; na palaging trabaho nalang ang inaasikaso nila.

Merong isang panauhin noon sa paaralan at nakasali si Stephen. Nagkatiyempo noon na andun para magkaroon ng isang linggong bakasyon ang kanyang mga magulang sa kanilang bahay. Gusto nitong manuod sila. Nangako ang kanyang mga magulang na manunuod sila pero sa kasawiang-palad, hindi ito nakarating dahil nagkaroon ng problema sa kompanya at kailangan nilang umalis sa nasabing araw.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now