Chapter 1

37.2K 582 9
                                    

Hey you!



"Dionne! Sandali!"

Humahangos si Patrick na lumapit sa akin.Kaklase ko sya sa huling taon ng high school.Excited ang lahat dahil mag uumpisa kami sa panibagong yugto ng buhay sa kolehiyo.Pero walang kasiguruhan kung makapag aral ako sa kolehiyo.

"Pwede...ka bang maging date sa prom?"
Nagkakamot pa ito sa kanyang batok na tila ba nahihiya.Lahat ng estudyante ay sa amin ang mga mata.Sinong hindi? Matalino at gwapo si Patrick at mula sa may kayang pamilya,sikat sa eskwelahan dahil kasama ito sa team ng basketball.

"Sorry Patrick.Hindi ako aattend ng prom kaya iba nalang ang yayain mo?"

"Huh? Bakit hindi ka dadalo? May problema ba?"

Umiling ako."Iba nalang ang yayain mo.Si Krys,may crush yun sayo at maganda yun!"

"Ikaw ang gusto ko eh."

"Seryosong usapan Patrick.Magka klase tayo,magkaibigan.Alam mo ang opinyon ko tungkol sa bagay na yan.Masyado pa tayong mga bata para dyan.Sana maintindihan mo lalo pa at alam mo ang sitwasyon ng pamilya ko."

Tumango tango ito."Naintindihan ko.Siguro sa future?"

Ngumiti ako at nag paalam na uuwi.

Hindi ba nagbabago ang nararamdaman ng tao sa paglipas ng panahon? Ang pagkakagusto,oo pero ang pag ibig? Isa si Patrick sa nagpapahiwatig na may gusto sa akin pero hindi yun ang priority ko.Ayokong pasukin ang isang bagay na walang kasiguruhan.

Wala akong pera na pambili ng gown sa prom at kahit na compulsory ang pagdalo ay mas pipiliin ko ang gumawa ng school papers bilang parusa.Ayokong problemahin yun ni nanay kung pwede naman na hindi ako aattend.

Hindi lihim ang status ng pamilya ko sa lugar na to.Madalas kaming kinukutya pero nagbingi bingihan kami.Sanay na rin kami sa naririnig naming hindi maganda sa ibang tao.Basta ang importante ay wala kaming inaagrabyado na ibang tao.

Tindera ng isda ang nanay ko sa palengke,mangingisda ang tatay ko at ang nakakatanda kong kapatid na si Lizza ay hindi nakatapos ng kolehiyo dahil gipit sa pera kaya nag tindera ito ng damitan sa palengke.Mababa lang din ang sahod pero okay na rin yun kaysa tambay sa bahay at walang perang umaakyat araw araw.

Nagmano ako kay nanay pagkarating ko.Abala ito sa pagluluto ng biko na inorder ng suki namin.Alam kong pagod na sa maghapon sa palengke si Nanay pero kung may magpapaluto sa kanya ay tinatanggap nya para dagdag kita.

"Ang ate mo wala pa ba?"

Kumunot ang aking noo sa pagtataka.Ilang araw ng umuuwi si Ate Lizza na malalim na ang gabi.Madalas kasi noon ay nauna itong umuwi kaysa sa akin.

"Hindi ko po alam Nay.Hindi rin ako dumaan sa palengke."

Gabi na pero wala pa ang ate.Tanghali hanggang alas siete ng gabi ang oras ng pasok ko sa ekwelahan.Yun ang pinili kong oras para gawin ang mga gawaing bahay na nakatoka sa akin bago papasok ng eskwelahan.

Nakatulog na nga ang mga magulang ko pero hindi pa rin dumating si Ate kaya nagdesisyon akong matulog nalang kaysa hintayin sya pagkatapos kong gawin ang homework ko.

Nagising ako sa tahol ng aso at kaluskos.Bumangon ako at sinilip si Nanay at Tatay na natutulog sa kabilang kwarto.Wala pa rin akong katabi,ibig sabihin ay hindi pa umuwi ang Ate?

Inangat ko ang bintanang gawa sa kahoy para sumilip doon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang Ate na may...kahalikang lalaki.Hindi ko alam na may nobyo ang ate? Wala syang sinabi sa amin ni Nanay.Tsaka bakit sila naghahalikan sa labas at ganitong oras? Tiningnan ko ang maliit na orasan sa aking tabi at mahigit alas diyes na.Narinig ko pa ang hagikhik ng ate ko at hindi ko nagustuhan yun.Hindi ko man naiintindihan ang kanyang pinag gagawa ay hindi ko yun nagustuhan.

Nagkunwari akong tulog ng pumasok ito sa aming kwarto ng dahan dahan at tumabi sa akin.Mariin akong napapikit.Alam kong may ginagawang hindi maganda ang ate ng palihim.Maraming mga tanong ang pumasok sa isip ko sa aking nakita.Marami na akong nakitang ganoong eksena sa eskwelahan at nakakakilabot yun.Pero ang makita ang sarili kong kapatid na may kahalikan na lalaki sa dilim ay ibang usapan na yun.Pakiramdam ko ay niloloko nya kami na sarili nyang pamilya at nagsisinungaling sya.

Ako ang unang gumising sa amin dahil ako ang magsasaing at mag iinit ng tubig.Maya maya pa ay bumaba ang Nanay.

"Ang ate mo anong oras umuwi kagabi? Hindi ko na namalayan kagabi."

Natigilan ako sa paghalo ng kanyang kape.Isa lang naman sa dalawa,ang magsabi ng totoo o pagtakpan si Ate.

"Hindi ko po alam Nay.Nakatulog na rin ako."
Pagtakpan...muna.

"Ganun ba? Sya nga pala baka late akong uuwi mamaya dahil magluluto ako sa malaking bahay diyan.Malaki ang ibabayad kaya wag nyo na akong hintayin sa hapunan."

Matapos mag iwan ng pera para sa akin mamaya at magbilin ay umalis na ito para pumunta ng palengke.

Halos hindi ko matingnan ang kapatid ko ng bumaba ito para maligo at nung kumain na kami ay hindi ako sumabay.Nagkunwari akong tapos na kahit hindi pa.

Naglinis ako bahay at naglaba ng marumi naming damit sa araw na yun ng umalis ito kasabay ang tatay.

Sana nga ay walang mangyayari na hindi ko magugustuhan sa huli dahil kung hindi ay sasabihin ko na kay nanay kahit magagalit pa ito sa akin.

Pumasok ako sa ekwelahan na yun ang iniisip. Hindi ako makapaniwala na magagawa yun ni ate ng makipag relasyon at magharutan sa dilim.Madalas sinasabi ni tatay na kung seryoso at mahal ka ng isang lalaki ay haharap yun sa mga magulang ng babae,pormal na makikipag usap tungkol sa kanyang hangarin para anak na babae at kung may lakad may sila o date,ipagpaalam ka ng lalaki sa mga magulang mo bilang respeto sa babaeng mahal mo at sa mga magulang.Pero anong ginagawa ng ate? Bakit ayaw humarap ang lalaki sa amin?

"Hoy Dionne! Totoo ba na niyaya kang ka-date ni Patrick sa prom?"
Taas ang isang kilay ni Krys sa akin.Kasama nya pa ang kanyang mga alipores.

"Oo.Pero tinanggihan ko.Sinabi kong ikaw ang yayain nya."

Nakaawang ang kanyang bibig sa aking sinabi."Sinabi mo? Bakit?"

"Kasi bagay kayo sa isa't isa.Excuse me,pupunta pa akong faculty room."

Pinakiusapan ko ang adviser ko na bigyan nya nalang ako ng project o kahit ano bilang parusa sa hindi ko pagpunta sa prom.Nung una ay ayaw nyang pumayag pero nung sinabi ko ang tungkol sa nanay ko,napilitan itong pumayag.Laking pasalamat ko at pumayag sa huli.

Tanaw ko ang maraming estudyante na may pinapanood sa soccer field.Maging ang mga estudyante mula sa mataas na parte ng gusali ng eskwelahan ay nakadungaw.Dahil sa mataas na grado ko mula elementarya at nag graduate bilang valedictorian ay nabigyan ako ng scholarship sa eskwelahan na to.Puro kasi mayayaman ang pumapasok dito,ang iba ay anak ng pulitiko,exchange students mula sa iba't ibang bansa at ang mga scholar.May grade school,high school,at college ang paaralang to at kung papalarin baka dito rin ako mag college pag valedictorian ako sa darating na Marso.

May mga lalaking naka polo shirt,itim na sapatos at slacks na naglalaro ng soccer habang nagtatawanan.Lahat sila ay mga gwapo,matipuno ang katawan at halatang galing sa may kayang pamilya.

Nagtilian sila ng tumalbog ang bola...malapit sa akin at lahat ng mga mata nila ay sa kinaroroonan ng bola.

"Hey you! Throw the ball here!"

Maang kong tiningnan ang mayabang na lalaki na nag utos sa akin.Kung maka 'hey you' parang wala sa Pinas.

Hindi ko ito pinansin at tumalikod sa lugar na yun para pumunta sa klase ko.Wala akong panahon para pulutin ang bola na yun.Pwede itong lumapit sa kinaroroonan ng bola at ito mismo ang kumuha.Sadyang dumadami ang mga taong walang modo sa mundong ito.

Heartless LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora