Chapter 3

14.8K 391 7
                                    

Sekreto





Wala pang tao sa bahay kaya naglinis nalang ako at inayos ang aming kwarto.Maglalaba ako bukas dahil walang pasok.

Nagdesisyon akong pumunta sa palengke.Tutulongan ko ang nanay sa pagtitinda.Ang maingay at malansang amoy ng isda ang sumalubong pagdating ko sa palengke.Nasa kabilang kanto ang pwesto ni nanay at malapit ang pwesto ng pinapasukan ng ate dito.

Kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa parteng yun pero walang tao.Nagtataka kong sinuyod ang mga mata ko doon.Tapos na ang breaktime at mag aalas kwatro na kaya bakit walang tao dito? Bahagyang nakaangat ang pintuan,yung tipong hindi nasara ng maayos.Tinulak ko yun at pumasok.Madalas na akong pumapasok dito pag nadadaan dito kaya walang problema kung papasok ako.Baka nakatulog ang ate sa maliit na silid at nakalimutan ikandado ang pinto.

Tatawagin ko na sana sya ng may narinig akong boses na kakaiba.Baka binabangungot ang ate? Dahan dahan ko rin tinulak ang pinto at agad akong napatakip sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko.Mabilis akong tumalikod at sinarado ang pintuan ng pabalibag.Mabilis ang takbo ko paalis sa lugar na yun.Bumalik ako ng bahay na umiiyak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon para sa kapatid ko.Nandun ang pagka dismaya,at galit.Wala ba syang respeto sa kanyang sarili at nagawa nya ang bagay na yun? Bakit di nalang sya mag asawa kaysa ang gumagawa ng ganoong bagay? Wala ba silang delikadeza na pwede nilang gawin yun sa kahit saang lugar at anumang oras? Hindi sila nag alala na baka makita ng iba.

Nilanghap ko ang sariwang hangin at kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko.Hindi ko maalis sa isip ko ang eksenang nakita ko.Hindi pa man ako nagka nobyo,hindi ako ganun ka inosente para hindi malaman kung paano nabuo ang bata.May sex education kami sa eskwelahan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa bagay na yun.

Malapit sa tabing dagat ang bahay namin kaya napag desisyonan kong maglakad lakad.Tanaw ko ang papalubog na araw,ang mga ibong na naglalaro sa himpapawid,ang nag aagawang kulay bughaw at kahel na langit,ang mga bangka sa laot na umaasang maraming mahuli ngayong gabi.

Matanda na ang mga magulang ko,ang tatay ko na mula pagkabata ay pangingisda ang kinakabuhay at hindi nakapagtapos ng high school dahil sa sobrang kahirapan,ang nanay ko naman ay paglalako ng isda ang hanap buhay at hindi rin nakapag tapos ng pag aaral.Gusto ko sanang maranasan nila ang maginhawang buhay.Pero marami pa akong kakainin na bigas ika nga.Apat na taon pa bago ako makapag trabaho ng maayos na trabaho.Naisipan ko rin na dalawang taon na kurso ang kukunin ko pag naka graduate ako ngayong marso para mabilis akong makapag tapos ng kolehiyo.

Natigilan ako ng malayo na ang narating ko sa paglalakad.Hindi ko namalayan na halos narating ko na ang dulo ng tabing dagat.Ang dulo nun ay ang mga bato na pinagpatong patong at sinimento para hindi mabuwag.Ang alam ko ay pag aari yun ng mayaman na pamilya dito sa amin - ang sabi nila ay may malaking bahay ang parteng yun na may mga nakahilera na mga palm trees at mataas na bakod ng pader at ang dulo ng parte na yun na malapit sa dagat ay pinagdausan ng mga okasyon.Doon pumipirmi ang mga bisita siguro ay dahil sa sariwang hangin mula sa dagat.

Tumalikod ako para bumalik sa pinanggalingan ko.Madilim na.Baka nasa bahay na ang nanay...o ang ate.Napailing ako ng maalala ang kapatid ko.Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan pagkatapos ng lahat,kung magkukunwari ba ako na walang nakita o sasabihin sa nanay ang nakita.Pero pag ginawa ko yun ay malaking gulo yun.


"Kanina ka pa nakauwi Dionne? Bakit hindi ka nagsaing?"
Naghihiwa ng gulay ang nanay ng abutan ko. At lumabas ng kwarto ang ate.Tinitigan nya ako na para bang may ideya na sya na ako yung nandun kanina sa pwesto ng tindahan nila.Nag tiimbagang ako at umiwas ng tingin.

"Naglakad lakad lang po ako sa dalampasigan nay at hindi ko namalayan ang oras.Kanina pa po kayo?"

"Bago dumilim.Bakit pala maaga kayong umuwi ngayon?"

"May prom po kasi mamayang gabi nay kaya pinauwi ng maaga ang mga estudyante para makapag handa."

Natigilan ang nanay ko sa kanyang hiniwa at tumingin sa akin."Prom? Bakit hindi mo sinabi? At ngayong gabi na at wala ka pang damit."

Umiling ako."Hindi importante yun nay.Ayokong gumastos pa tayo ng malaki para lang sa ilang oras na gagamitin na damit."

"Pero isang beses lang yun mangyayari sa buhay mo Dionne at sana maranasan mo yun.Kung sinabi mo agad ay napaghandaan ko."

"May mga bagay na mas importante nay at hindi yun mahalaga sa akin.Ang importante sa akin ay maka graduate ako ngayong taon,makapasok sa kolehiyo,makapag tapos at makahanap ng trabaho at makatulong sa inyo ni tatay."

Huminga ng malalim ang nanay."Pasensya na anak at hindi ko naibibigay ang gusto nyo ng ate mo.Nag iipon kasi kami ng tatay nyo para sa pag aaral nyo ng ate mo sa susunod na pasukan.Para matapos ng ate mo yung kolehiyo nya."

Hindi umimik ang ate ko.Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya.

Naghapunan kami na halos ayaw kong lingunin ang kapatid ko.Tinitingnan nya ako pero hindi ko ito pinapansin.Alam kong alam nya may alam ako sa pinaggagawa nya.

Maagang umalis ang mga magulang namin para ilako ang mga nahuling isda ng tatay.Nakapaglaba na ako at nakapag linis na rin ng bumaba ang ate ko.

"Dionne..."

Natigilan ako sa pagsusulat at nilingon ito.Umiwas naman ito ng tingin ng titigan ko ito.

"Ikaw ba ang ----"

"Oo ate."
Pag amin ko.Anong silbi pa ng paglilihim kung nag iba na ang timpla ko sa kanya."Hindi ko alam na nawalan ka na ng respeto sa sarili mo.Ang gumawa ng ganoong bagay ng hindi inaalala kung may ibang tao ba na makakakita ay isang katangahan."

Nasa baba ang kanyang mga mata.Hindi ba nito ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga akusasyon ko kahit pa totoo yun?

"Bakit di ka nalang mag asawa para magawa nyo ang ganoong bagay,bakit hindi mo pinakilala ang nobyo mo sa mga magulang natin? Hanggang kilan mo to itatago?"

Sunod sunod ang kanyang iling kaya hindi ko sya maintindihan.

"Hindi ko sya maipakilala kina Tatay.Pero mahal na mahal ko sya Dionne."
At ngayon ay umiiyak sya.

Anong klaseng pagmamahal ang meron sya sa lalaking yun na kailangan nilang itago ang kanilang relasyon at anong klaseng pagmamahal meron ang lalaking yun sa kapatid ko na hindi nya kami maharap ng maayos at hingin ang kamay ng kapatid ko? Naguguluhan ako sa bagay na yun.


"Yun ang parte na hindi ko maintindihan.Wala akong sasabihin sa kanila dahil ayaw kitang pangunahan at alam mong hindi mo habang panahon maitatago ang isang sikreto."


Hindi ito kumibo.

Ipinagpatuloy ko ang project na hiningi ko kapalit ng hindi ko pagpunta sa prom.Kailangan ko itong ipasa sa lunes.

Hindi ko alam kung bakit hindi maiharap ng kapatid ko ang nobyo nito,hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang ganoong klaseng pagmamahal,at hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon ng mga magulang namin oras na malaman nila ang tungkol sa bagay na to.

Heartless LoveWhere stories live. Discover now