Chapter 9

10.8K 380 34
                                    

Friends





There goes my week,lagi kong hinahabol ang oras at pinipilit na pagkasyahin yun.I did my homework during my breaktime at work para hindi ko na kailangan gawin sa condo,i have school and work and time is really making me insane.Pero kung hindi ako magsusumikap ay walang mangyayari sa buhay ko.Working hard is worth it at the end.I hope so.




At kahit na lagi akong puyat dahil sa sunod sunod na project ay hindi ko kinaligtaan ang mag review para sa darating na exam.I was good at school and was on top pero ngayong nasa college na ako at nagtatrabaho din,hindi ko na inasam na makamit ang latin honors.Basta ba makapag tapos ako sa aking pag aaral at magawa ang trabaho ko ng maayos.



"Damn girl...you should go to school than working in here."
Umiiling si Rianne na tiningnan akong may hawak na mga reviewer.Katatapos lang namin mag practice para sa PFW at imbes makipag utuan o makipag plastikan sa kanila,ang isasagot ko sa exam ang inatupag ko.Hindi ko ito pinansin.People like her who never been in your shoes would never understand you.They maybe understand you by words but not by feelings.




I inhaled my irritation.Ayoko syang patulan at may klase pa ako mamaya.



People in the campus look at me like i'm some kind of a zombie.Napatingin naman ako sa sarili ko.I wear a gray tshirt,white rubber shoes at jeans na shorts.Hindi ko nalang pinansin.I think this is their first time seeing me wearing like this.Madalas ay nakapantalon ako o di kaya ay sweatpants.




Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa klase ko.I'm almost late.At ayokong mangyari yun dahil ayokong mabaling sa akin ang atensyon ng iba.But still...i'm late when i reached the room.Binati ko nalang ang professor namin at naghanap ng bakanteng upuan.



"Late ka yata D?"

Nilingon ko ang lagi kong ka seatmate."Traffic."


Krys is the only person i remember her name.Marami naman ang nakikipagkilala pero hindi ko natatandaan ang mga pangalan pagkatapos.Sa ilang buwan ko dito sa unibersidad ay sya lang ang nakakausap ko ng maayos at nakikipag usap ng maayos.



Nakahinga ako ng maluwag ng sumapit ang breaktime at imbes sa canteen bumili at tumambay para kumain,Krys and i choose to eat outside the campus.Hindi ako makapaniwala nung una na kumakain ng pagkain na natatagpuan sa tabi-tabi si Krys since she's one of those rich kids who do nothing but burn some cash their parents worked hard just to give them what they want.




"This exam is giving me a hardtime.Sino ba naman ang hindi mabaliw lalo na kung Math ang pag uusapan?"
She keep complaining about algebra,and all about number in every subject we have.Napapailing nalang ako.At least sya yun lang ang pino-problema nya.Eh ako? Except what happened in my life back them,i'm always chasing the time in front of me.





"Makakapasa ka nyan,sipag at tyaga lang ang kailangan mo."



Umirap ito bago kinagat ang bananacue at sumagot."Palibhasa matalino ka sa math kaya sisiw lang yan sayo.Ano ba ang pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw? Madalang ka sumasagot sa mga message ko,busy ba?"




Krys didn't know about my life.At wala akong balak na ikwento yun kahit kanino.For what? I don't need their pity.I still have pride for myself noh.



"I am working while studying Krys.I have to.Ulila na ako na kailangan kong gawin pareho ang pag aaral at pagtatrabaho."



Bahagya itong nagulat."Oh? Hindi mo nakwento.Anong part time job mo?"




Hindi ako nakaimik.I am in doubt if i should tell her or lie.But why would i lie anyway.


Hinila ko ito papunta sa puno ng mahoganny at seryoso itong tiningnan."Promise me you won't tell anyone?"



Tumango tango ito at namilog pa ang kanyang mga mata."Why? Are you working in a club? Kaya ayaw mong malaman ng iba?"


"Hindi no! What makes you think i work like that?"


"Sorry i didn't mean anything.Kasi some college girls,na uso dito...they work in a club like dancing half naked in front of old men and some were called a stripper."




"Hindi ganun."
Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang mga picture sa photoshoot ng mga tvc at ibang project na nakagawa ko previously and now the PFW.



Nalaglag ang kanyang panga sa mga nakita at tila hindi makapaniwala."Oh my god! You're a freaking model? Bakit di ko alam? Bakit hindi mo sinabi? Wait,bakit ayaw mong malaman ng iba?"



"Ayoko lang.Hindi ako komportable na malaman nila.Ayokong makipagkaibigan sila dahil lang sa rason na yun.Diba ganun ang iba natin na classmate? Kinakaibigan ng mga mayayaman na yun ang iba kasi anak ng pulitiko,anak ng mayaman na negosyante,sikat o popular na artista.Tapos pag nakatalikod ay iba pala ang sinasabi.It's better to be unknown."




"Tama ka.Maraming mga sosyalera at oportunista sa paligid natin.Mas okay nga na walang nakakaalam tungkol dito.Pero paano pag nalaman nila?"



"Deadma? Basta ba hindi galing sayo o sa akin.Ang labas kasi nun na pag sinabi ko eh ang yabang ng dating ko.Okay na ako sa ganito."



Tumango tango ito.Pinag usapan namin kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon,kung saan ako galing at iba pa.




"Oh? You're from there? My brother live there at kaga-graduate nya lang last year.Yun nga yung tinext ko sayo na pumunta ka sa birthday party."




"Di ako sure.My schedule is hectic.Kilan ba yun?"


"This weekend."


I sighed."Not sure.I'll try."
Kinuha ko ang ipad ko at tiningnan ang skedyul ko.I pouted and show to her my sked.
"I can't.Sorry."



"Okay lang yan.Work is work.Kailangan mong maging responsable sa mga bagay na pinasukan mo.Di bale,may next time pa naman."



Yup.


"Oh...you can come to that event.Mahilig ka bang manood ng mga fashion shows?"


She nodded."Sa tv lang.Hindi live."


"I'll give you an access to that event.I'll text you the details,okay?"



She nodded excitedly.And that's how my frienship with her started.Hindi ko alam na magki-click kami.I was too busy working my asses out that i forgot to have fun sometimes or making friends.It's hard to trust others too.Kaya hindi ako nakikipag kaibigan sa mga taong nakakasalamuha ko dito sa campus o sa trabaho.

Heartless LoveWhere stories live. Discover now