Si Miss Clumsy: Chapter 4 - The Perfect Couple

5.2K 67 19
  • Dedicated to Leeyahleen Garcia
                                    

(A/N: Sana po you like the characters so far. Pacomment ng reactions niyo. Kung nagustuhan niyo pa, kindly vote. Pampa-inspire lang. Pero don't worry. I'll still work on this no matter what! Hehe)

Rin’s POV.

“Ang yabang talaga nung katabi ko kuya!” Sabi ko sa kanilang dalawa habang nagdidinner kami.

“Di ba yun yung sumalo sa’yo at nagdala sa’yo sa clinic?” tanong ni Kuya Kyle. “Uyyy… Baka mainlove dun ang sister ko.

Tumawa silang dalawa.

Sarap pag-untugin eh.

“Ang yabang niya nga diba?! Ang mean niya.”

“Paano mo nasabing mean?” Tanong ni Kuya Vincent.

“Kasi… kasi ang yabang niya magsalita! Yun na yun. Tapos nung magpapakilala naman sa klase, feeling naman niya ang gwapo gwapo niya! Nagpapacute pa siya dun sa mga girls!”

 

 

“Eh, sa’yo? Hindi siya nagpapacute?” tanong ni Kuya Kyle na nakangiti. Yung nakakaasar ng ngiti. “Galing ako dun sa room nila. Kilig din lahat ng babae sa akin dun eh.”

“Eh kahit naman magpacute siya sa akin walang effect nuh! He’s not that good-looking eh.” Sabi ko sa kanila at wala na akong balak magsalita pa.

“Hindi naman ah. Ang sweet pa nga niya sa’yo sa clinic eh. Nakahawak siya sa cheeks mo.” Kwento ni Kuya Kyle.

Nakahawak sa cheeks ko? Yung pangit na yun? Oh my gawd! O baka bumubuo na naman ng kwento si Kuya Kyle. Mahilig din siya sa ganun eh. Bahala na nga eh. Kahit ginawa niya yun, wala naman akong malay. Parang wala din.

Binilisan ko ang pagkain at dumiretso na sa kwarto ko. Binagalan ko ang pagbasa dun sa novel kasi kapag natapos, wala na akong babasahin.

DAY 2.

Nagising na naman ako sa tunog ng alarm clock. Ako na magseset nito next time. Gagawin kong 6.30.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Where stories live. Discover now