Si Miss Clumsy: Chapter 29 - Collage

3.8K 40 13
                                    

Picture on the right is Cristine Ann and Lester.


 Dedicated to my sissy Zei!!! Labadoo ko yan. Nyahahahaha. DOn't forget to check out her works! 

_____________________________________________________________________________

Lester’s POV

Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong hindi ko binalak na humantong sa ganito ang mga pangyayari? Maniniwala ba kayo kung sinabi kong ayokong saktan si Rin? I care for her pero I guess… that’s not enough dahil mahal na mahal ko si Cristine at sana maipaliwanag ko sa kanya yun sa paraan na hindi siya masasaktan.

Last week, magkasama kami ni Cristine sa Miami. Nandun lang ako sa ospital, hindi ko kayang iwan si Dad na naghihingalo. Tinigil na niya ang pagpapachemo dahil wala daw kwenta. Bumabalik balik si Cristine araw araw para magdala ng mga damit ko.

Lagi ko ring inaalala si Rin. Baka nagaalala na siya sa akin. Hindi man lang nakapagpaalam sa kanya.

Napagtanto ni Dad na gusto niya nang umuwi ng Pilipinas at dun na maglagi. Pumayag kami at eto, pinilit niya akong pumasok kahit ayaw ko. Inayos na rin namin ang mga papers para makatransfer sa Milton Academy si C-Ann.

Hindi ko pa alam kung anong dapat kong sabihin kay Rin.

Pero may alam kong pinupuntahan niya minsan dahil nabanggit ni Alice. Sa rooftop.

Pumunta ako dun hoping na makakausap ko na siya.

Pero iba ang scene na nakita ko eh…

She was crying…

And hugging that guy from the Film Makers Club.

“Looks like you don’t need me anymore Rin. Madami ka namang lalakeng masasandalan diba? First si Luke then this nerd. We’re over.

Tsk. Umalis na ako. I don’t need to see that crap. Makipaglandian siya sa lahat ng gusto niya. Basta ang alam ko, patas na kami.

Hinanap ko si C-Ann. Nakita ko siyang nakaupo malapit sa bench kung saan ko siya iniwan kanina.

“Hey.” Sabi niya at tumayo na kaagad.

“Let’s go to the room na?” Aya ko.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Where stories live. Discover now