Si Miss Clumsy: Chapter 24 - Deadline

3.9K 43 8
                                    

DAY 55

 

Luke’s POV

Dumaan ang araw na wala silang ginagawa. Masama ang kutob ko na may mangyayaring masama mamaya. Anong gagawin nila?

Hindi ko mapigilan sarili ko na matakot habang tumitingin kay Rin. Natatakot ako na baka sa kanya ibaling yung galit na nararamdaman ni Drew sa akin lalo ngayon na alam na nila ang totoo. Babantayan ko siya. Hindi ko hahayaang mawalay siya sa paningin ko.Hindi ko hahayaang may gawin silang masama sa kanya kahit ano man ang mangyari.

 


Rin’s POV

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang kanina pa ako binabantayan ni Luke. Hindi ba dapat si Michelle ang binabantayan niya? Hindi ko tuloy magawa ang plano na hanapin si Drew at makipag-usap sa kanya. Kailangan kong makatakas. Pero paano? Andaming matang nakatingin sa akin eh. Sinabi niya sa akin na ilalabas daw niya ang letrato kung hindi ako magpapakita sa kanya. Sinabi ko na rin kay Kuya Kyle na wag niya na akong sunduin.

 

Lester’s POV

This is it. Ano na? Nasaan na yung mga banta nila? Malapit nang matapos ang klase pero wala pa rin silang ginagawa. Kanina pa ako alerto. Hindi ko rin hinayaan na mawala sa paningin ko si Rin. Baka kung anong gawin sa kanya… at baka kung ano ang gawin ko sa kanila.

 

Rin’s POV

“Class dismissed.”

Hayan na. Tapos na ang last class. Bago pa man makatayo si Luke eh tumakbo na ako palabas ng room.

“Rin!” Sigaw niya at tumakbo na din.

Binilisan ko. Hindi niya dapat ako maabutan. Tumakbo ako hanggang gate kung saan may naghihintay na itim na van. Nakabukas ang pintuan at tumalon ako dun. Sinara nila ang pintuan.

Kaharap ko na ngayon ang leader ng 8Force. Si Andrew Millano.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Where stories live. Discover now