Rin’s POV
Technically Day 56.
Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa ospital kung saan dinala si Luke. Ang weird ng pakiramdam ko. Hindi ko matandaan ang last na punta ko sa isang ospital dahil kapag nagpapacheck-up ako eh sa mga clinic lang o kaya yung doctor ang pumupunta sa bahay. Ayoko kasi ng mataong lugar noon eh pero ngayon okay na ako.
Bumalik yung matinding pag-aalala ko. Kasalanan ko ang nangyari. Kasalanan ko kung bakit nangyari kay Luke yun at kung kailangan ay pagbabayaran ko buong buhay ko. Kung bakit pa kasi nagpakatanga ako at naniwala sa kanila.
Tumulo ulit luha ko habang nakaupo sa isang bench sa labas ng room kung saan dinala si Luke. Kasama ko din namin si Macky, Liam, Jules at Herbert dito sa labas. Nandun naman sa loob yung parents ni Luke.
Tumunog yung cellphone ko. Pagtingin ko eh naka fifty missed calls na pala. Dali-dali kong sinagot.
“Kuya Vincent!”
“Rin, do you know what time is it na?! It’s 1 AM na. Nasan ka?!”
“Dito po sa hospital kuya. May nangyari kasi…”
“What?! Nandyan ka sa hospital. Ano nangyari sa’yo? Anong hospital yan? Pupuntahan ka namin.”
“Kuyaaa… Hindi ako ang naihospital. Si Luke. Eto, hinihintay na lang namin ang balita.”
“Oh. Okay. Basta umuwi ka rin kaagad. Okay? We were so worried Rin.”
“Sorry kuya. Bye, I love you.”
Maya-maya ay bumukas na yung pintuan. Bumilis tibok ng puso ko. Lumabas ang isang magandang babae na mother siguro ni Luke. Maganda siya kahit medyo matanda na.
“Hi tita.” Sinabi nung apat at yumakap at bumeso sa mother ni Luke.
“Oh, look at the four of you. Ang lalaki niyo na.” Dumapo ang mata niya sa amin ni Lester. “I believe we haven’t met before. I’m Mrs. Beatrice Buenaventura, Luke’s mother.”
YOU ARE READING
Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]
Teen FictionMahirap mag-isa, sabi ng marami. Pero para kay Rin, ito ang pinakamahalagang parte ng araw nya, ang oras kung kailan pwede na uli siyang maging mag-isa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ganun kabait sa kanya si God dahil bigla na lang bubulabugin an...