Chapter 3

4.6K 104 2
                                    

Chapter 3 - It's Ayabelle (Part 1)

Aya's POV

Halos hindi pa din matanggal ang pamumula ng mukha ko. Tae namang Ian 'yan eh. Ano ba pumasok sa makitid niyang utak para buhatin ako? tse!

Pwede ko namang tanggalin yung sapatos ko saka maglakad papunta sa locker eh.

Isa pa, ang lapit lapit lang ng clinic sa locker. I can mange myself. Date? Sa canteen? Seryoso siya? At ako pa ang nagbayad ng pagkain niya. Tae! Treat daw niya. Bwesit na treat 'yan.

Urggh! Kainis siya. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyante ngayon habang naglalakad patungo sa room namin. "Siya si Ayabelle Fuentes?"

"Hindi naman pala maganda."
"Pero binuhat siya niya Ian kanina. Inggit ako."

"At nagdate pa sila."

"Eh ano naman? Kayo nga nagdate din diba? Sa resto pa. Eh siya sa canteen lang."

"Ito pa ha. Nandoon ako kanina sa sa canteen. Balita, siya pa daw ang nagbayad ng pagkain nila."

"What? Eh parang siya rin nag-ayang makipagdate kay Ian eh."

"Malandi talaga." Mas pinili ko na lang na yumuko kaysa naman salubungin ang mga titig nila. Leche naman!

Parang kakaiin ako ng buhay eh. Sa kakayuko ko, hindi ko namalayang may nabunggo na pala ako.

"Ouch!" matinis niyang sigaw.

"Ay. Naku. Sorry. Okay ka lang ba? Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." hingi ko ng paumanhin sa kanya.

Kinuha ko ang panyo ko sa pinunasan ang suot niya pero kumalat lang ang shake na natapon dito.

"Aahh! Look what have you done, you stupid girl."

"Sorry. Hindi ko naman sinasadya--"

"Sorry? Do you think your sorry can solve this? Just OMG! Sa Paris ko pa binili 'tong damit ko. And FYI, nag-iisa lang ito sa buong mundo. Ibig sabihin, ako lang ang matroon nito!" pagwawala nung babae nabangga ko. Takte.

Napakawalang modo naman. Nagsorry na nga ako eh. Besides, nasa school kami. Which means dapat nakauniform siya. Pero ano yang suot nya? Kulang naman maggown siya. Feeling ata nasa Oscar awards.

"Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, edi wag mo! Hindi naman 'to awards night, at lalong lalo na walang nakalatag na red carpet diyan sa tinatayuan mo. Feeling ka masyado 'te. At FYI lang din ha. Madami din akong damit hindi lang galing Paris kundi around the globe. At mga colectibale items pa. Ibig sabihin limited edition lahat. May mga national Dress pa nga eh. Mayroon ding damit ng mga katutubo. Gusto mo? bibigyan kita. Bagay na bagay sa'yo 'yun." sabi ko habang tumatawa. Akala niya ha.

Baka nga mas mayaman pa kami sa kanila eh. Huwag siyang ano diyan!

"Anong sabi mo?!" galit niyang sigaw.

"Hindi mo narinig? Sorry pero masyadong mahal ang laway ko para lang sa isang..." tiningnan ko siya mula ulo hanngang paa. "...tulad mo." tinalikuran ko na siya na tumatawa.

Pero bago pa man ako nakalayo ay, agad niyang hinila ang buhok ko. Pakiramdam ko pati anit ko matatanggal. Pesteng babae 'to.

"Let go of me, you bitch!!" pilit ko pa 'ding tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.

"Ang kapal ng mukha mong pahiyain ako." panay pa din sabunot niya sa akin.

Wala na akong choice kung ang lumaban. Hanggang sa sabay kaming natumba sa sahig. Nakaibabaw siya sa akin habang hawak niya pa din ang buhok ko.

That BadboyWhere stories live. Discover now