Chapter 16

2.6K 81 1
                                    

Chapter 16 -

AYA'S POV

Agad kong iminulat ang aking mga mata at lihim na napamura ng maramdaman ko ang kanyang presensiya na parang nakatingin sa akin.

"Why are you here?"

"Grabe. Alam na alam mong ako ah. By any chance, are you expecting for me?"

Kinuha ko ang unan sa aking tabi at malakas na binato iyon sa kanya.

"Sino ba namang tanga ang papasok sa isang air-conditioned room na halos ipaligo na anh pabango? Hindi naman siguro si yaya."

"Fine. Fine. Huwag ka nang magalit."

"Hindi ako galit. Pak yu gago!" Sabay taas ng middle finger ko pero narinig ko siyang tumawa. As hagalpak talaga.

"Uh-uhh my dear Ayabelle. I'm on the other side. Wala ako diyan." Sabi niyang tumatawa parin kaya ginamit ko ang kabilang kamay ko saka nagdirty finger.

Narinig ko parin siyang tumatawa.

"What the hell, Ian!! Lumayas ka na nga dito!!"

"I'm just--"

"Why do you keep on coming here?"

"Ayabelle, gusto ko lang--"

"Ano na namang kailangan mo?"

"Pwede ba?!! Pagsalitain mo muna ako?"

"Fine! Go ahead!!"

"Let's talk."

"You're talking."

Narinig ko siyang bumuntong huminga saka umupo sa kama ko.

"Aaw! Ian! Naupuan mo paa ko!!"

Agad ko naman siyang kinapa at tinulak. Nahulog ata kasi may narinig akong kalabog.

"Aray! Grabe ka talagang babae ka! Mamamatay ka ba kapag hindi mo ko napipisikal?!"

"Eh sino ba naman kasi may sabing umupo ka sa kama? Wala bang mga upusan diyan?"

"Tsk!"

"San ka nakaupo?"

"Sa upuan malamang! Bakit gusto mo bang upuan kita?"

"Bastos ka! Manyakis! Pasalamat ka talaga!"

"Whatever, Ayabelle. Anyways, mag-usap tayo."

"Nag-uusap na tayo. Kanina pa. Ang you only have 5 minutes to leave my room."

"Makinig ka nga muna sa akin! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?"

"Eh bakit? Diba nga sabi mo ayaw mo na akong makita? Na kasalanan kong lahat ang mga nangyari. Tae Ian, gusto ko lang makatulong. Kung hindi ako pumunta ng bahay nyo noon, for sure baka pati si Jazztine nadamay!"

Hindi ko alam pero I started to feel emotional.

"Nagsorry na ako diba? Okay, I'm sorry, Ayabelle. I was really blinded back then. To think na pati ang bestfriend ko, Si Aries ay niloloko ako. It was really a hard times for me. Sana naman naiintindihan mo ako." 

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang tumulo ang luha ko.

"Don't cry, Ayabelle." Naramdaman ko ang kamay ni Ian sa aking pisngi. "Let's forget everything, okay? Kalimutan na natin ang mga nangyari. Mas gusto kong lagi mo akong minumura, laging sinisigawan. Kaysa sa ganito ka. Let's fight everyday, okay? Tahan na."

Pinunasan ko ang mga luha ko habang tumatawa. I feel better now.

"Ayan, nakangiti kana. Mukha ka nang kambing ulit."

"Kambing mukha mo!" Nakatawa kong sabi saka binato ulit siya ng unan.

"Stop it, Aybelle! Nakakapagod maging tagapulit mo!"

"Ah right! Ano nga pala pag-uusapan natin?"

Naramdaman kong inilagay ni Ian ang unan sa tabi ko saka umupo sa kama. This time inusog niya ng kaunti ang paa ko para hindi niya ito maupuan."

"About our marriage."

Natigilan ako sa sinabi niya. Yeah right. Inarange marriage pala kaming dalawa.

"Titira tayo sa iisang bahay."

"W-What? Pero ang sabi ni Mommy--"

"Ang sabi niya, dapat daw titira tayo sa iisang bahay. Ako lang ang umayaw. I said, magsasama lang tayo pagkatapos natin sa college."

"So, si Mommy ang may sabing magsama na tayo?"

"Yes. So, as an obedient son of my parents, susundin ko ang sabi ni Mommy Samantha."

"Mommy Samantha? Tsk! Excuse me?"

"See this?"

"Tang Ina Ian! Nang-aasar kaba? Oo, nakikita ko. Nakikita ko pati kaluluwa mo!"

"Aaw. Sorry naman! Uhm. Susi 'to ng bahay natin."

"Bahay natin?"

"Yes, maam. Kahit ako nagulat nga din eh. Nakabili na pala sila ng bahay."

"Ian, sumasakit ulo ko eh. Pakipaliwanag ng maayos."

"Okay, listen. Noong nasa emergency room ka, nakapag-usap kami. Si Mommy Sam, si Mom at ako. Sinabi ni mommy na magpapakasal daw ako sa anak ni Mommy Sam. Hindi ko alam na ikaw pala 'yun. Kasi c'mon. Tomboy ka kaya--aww!"

Binato ko na naman siya ng unan dahil sa sinabi niya. "Ina mo ah! Hindi ako tomboy!"

"Okay fine! Hindi na kung hindi! So ayun na nga, sa una syempre umayaw ako. It was like a nightmare at para na din akong nagsuicide kapag pinakasalan ko ang anak ni mommy Sam. So I did my best na umayaw. Until nga noong nalaman kong ikaw 'yung batang 'yun hindi ko nalaman kung paano ako napapayag nila mommy. Hanggang sa ayon na nga. Okay na daw. Pumayag kana at pumayag na ako. Then they made conditions and decisions behind my back. And here we are."

Literal na napanganga ako dahil sa mahabang sinabi ni Ian.

"No way.."

"Yes way. At sa akin ka pinagbilin ni Mommy Sam. Kakatawag lang niya kanina at sinabi kong doon na tayo titira sa bahay na binili nila. And she said yes."

"Pinamimigay na talaga nila ako."

"Pero Ayabelle, may pikaimportanteng condition."

"What is it?"

"Kapag wala parin daw development sa relationship natin hanggang sa grumaduate tayo, the arrangement will be void. Hindi na tayo pwedeng magpakasal."

"Wow! That's great. Sigurado naman akong kahit anong mangyari, hindi ako magkakagusto sayo!" I proudly said. Totoo naman kasi. Kahit siya na lang ang nag-iisang tao sa mundo, hinding hindi ako magkakagusto sa lampang 'to.

"Pero syempre joke lang 'yun. Walang ganong condition--"

"Napakawalang hiya mo talaga." Binato ko ulit siya ng unan.

Narinig ko naman siyang tumatawa. "Wala, Ayabelle eh. Ganoon talaga. Sa akin ka parin babagsak. It's payback time baby."

"Pak yu ka!!

"Grabe ka naman. Bawas bawasan mong magmura, pwede? Si Yaya nga pala pinagbakasyon ko na muna. Matanda na kasi kailangang--"

"You did what? My God Ian! Bakit mo ginawa 'yun? I can't leave without her."

"Yes, you can live without her but you can't live without me."

That Badboyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें