Chapter 6

3.5K 84 12
                                    

Chapter 6 - Rambol

Aya's POV

Sabado.

Ilang araw ko or mag-iisang linggo nang hindi nakikita si Ian. Tae! Bakit ko ba siya hinahanap.

Tse! Do I miss him? Duh! Asa!

Kumuha ako ng chips sa kusina saka ini-on ang TV.

"Aya, Hija, gusto mo bang mag-almusal?"

Nilingon ko si Yaya Melba na may dalang mga tools. Mahilig siyang maghalaman kaya naman ng magtayo ng garden si Mamam ay siya ang pinakamasaya.

"Wala akong gana yaya eh."

"Ay nakung bata ka. Cheese curls na naman ang kakainin mo?"

"Hindi naman po kayo magsusumbong diba po?" I give he my very sweet smile. Ngumiti lang din siya sa akin.

"Magsusumbong."

"Ehh. Yaya naman eh."

"Hindi ako magsusumbong kung kakain ka."

"Wala po talaga akong gana eh."

"Tara sa kusina." sabi niya saka nagpatiuna na papuntang kusina.

"Yaya, ayoko kumain." sigaw ko saka binuksan na 'yung chips na kinuha ko kanina.

"Saan na ba dito 'yung telepono? Tatawagan ko muna ang mama--" Agad akong napatalon sa sofa dahil sa sinabi niya.

"Oo na po. Kakain na po." Naabutan ko siyang ngumingiti sa kusina.

"Yaya creepy." sabi ko saka umupo na sa upuan.

"Parehas talaga kayo ng papa mo. Takot masumbong." tumatawa siya habang nilalagyan ng hotdog ang pinggan ko.

"Don't tell me ginagawa nyo din po to kay papa noon?"

Tumango lang siya sa akin na nakangiti.

"Yaya pakibuksan nga po ng TV."

"Isa ang patay sa rambolang naganap kaninang hapon. Ayun sa mga nakakita, dalawang grupo ng mga kalalakihan ang nagpang-abot kanina sa isang eskinita. Hinihilang mga nasa high school pa lamang ang mga kabataan."

Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang balita. Si Ian ang agad na pumasok sa isip ko. Baka isa siya sa mga.. OMG!

Hindi ko mabigilang magpanic. Kaya ba hindi ko na siya nakikita dahil.. My God!

"Hija, okay ka lang ba?"

"Ah. Opo. Tapos na po akong kumain."

Tumakbo na ako papuntang sala at agad kong kinuha ang cellphone ko saka idinayal ang number ni Aries.

Nakailang dial na ako pero hindi pa rin niya sinasagot. Mas lalo pa akong kinakabahan.

"Bwesit Aries!! Sagutin mo!!" Okay! Nagpapanic na ako. Ayoko mang isipin pero aano kung..Shit! Paano kung..

"Aya?"

"Deym Aries!!! San ka ba? Bakit ang tagal mong sumagot?! Kanina pa ako tumatawag!"

"Kasi.. Aya.."

"What? May nangyari ba Aries?"

"May problema eh.. Si Ian kasi.."

Nangingilid na ang luha ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Huwag sana bad news. Sana naman hindi..

"A-anong.. anong nangyari kay Ian?"

"Hindi ko maipaliwang sa tawag eh. Punta ka na lang. Dito sa hospital."

That BadboyWhere stories live. Discover now