Chapter 1

13.3K 281 14
                                    

Hindi ako ang nang liligaw, pero ang saya ko noong araw na sagutin ko si James, ang aking nobyo ngayon.

Mag dadalawang taon na kami. At sa pagsasama namin, may mga pagsubok na kinahaharap at masasabi kong napapasaya niya ako. Happy and thankful kami sa relasyon namin.

Hatid-sundo rin ako nito mula noong naging kami. Hindi kailan man ako nakaramdam na nag sasawa na saakin si James.

Masasabi kong swerte ako kay James. Marami man kaming pinagdadaanan, sinisugurado namin na sabay namin itong lalagpasan. Dahil nga, sigurado na kami sa isa't-isa.

"Crystal, Are you okay? Sobrang pagod kana oh. Pawis na pawis ka" Tanong ni James na alalang-ala.

Itong nobyo ko, hindi talaga nagbabago. Caring parin talaga.

Nandito kami ngayon sa library, Pareho kaming nasa iisang section ni James, Star Section minsan kung tawagin ang Section namin. Mag kaklase kami, Ngunit hindi kami pareho ng subject tuwing last period.

"Im fine. Nakakapagod lang sa last subject namin. Nabuntunan ako ng paper works. James, pakiramdam ko mawawala ako list ng Top 5" Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"No, Baby. Think positive" Sambit nito saakin. This man never failed to cheer me up.

"A-at, Kinausap ako ng A-adviser natin" Dugtong ko sa sinabi ko.

Kinausap ako ng adviser namin.
At hindi ko nagustuhan ang pabor na hinihingi nito.

"Ano namang sabi?" Siguro iniisip niya ngayon na tungkol sa grades ko ito.

"K-kasi.." Nauutal ako sa kaba. Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin ito.

"Hmm. Baby, please tell me." Kalmadong pupumilit nito habang nakatitig diretso saaking mata.

"K-kasi, A-ayoko mang pumayag p-pero, P-pero tatlong subjects ko ang bumagsak. A-ayaw din ni ma'am na mawala ako sa TOP 5"

Bumagsak ang tatlong subjects ko dahil halos isang buwan akong hindi pumapasok. Bukod sa nagkasakit ako, dahil na rin sa problema sa bahay.

"Kaya humingi siya ng favor. At kapag nagawa ko ito, Tutulungan niya ako sa tatlong subjects ko." Mabilis kong sabi.

"James. Sorry, But I need to do it."

"A-anong favor yan?" Tanong niya saakin ng may pag-aalala.

Shhh Crys, you can do it.

"B-babe, Sabi ni ma'am. Malilipat ako sa Section 13."

"Ipapalabas nila na this grading babagsak ako. Para hindi halata."

"Hindi man ako makapasok sa list of Top 5 this grading, Pero yung average ko hanggang 4th Grading is tataas." Pagpapatuloy ko.

"J-james. Sana maintindihan mo ako." Hinawakan ko ang kamay nito.

"Crystal..." Bigla itong tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit sa section 13 pa?" Tanong nito na pilit ang maging kalmado.

"There's a lot of opportunities para maayos ang grades mo. Sabihin nalang natin kay Tita." Kalmado paring sabi nito.

"No James, kilala mo si mama. The expectations? Remember? Kahit pressured ako, I don't want to disappoint her." Pagdadahilan ko.

"Kahit alam niyang halos isang buwan akong hindi pumasok, mataas parin ang expectation niya saakin." Nag pipigil ako ng iyak habang nag papaliwanag sakaniya.

Hinawakan nito ang aking kamay at sumandal sa balikat ko.

"Anong gagawin mo sa section 13? Halos lalake lahat dun. Mga bastos pa. Mga walang kwenta. Tss." Ang lambing talaga nitong nobyo ko tuwing nagseselos o may bagay akong gagawin na ayaw niya.

"May isang lalakeng na kailangan kong tulungan. Kailangan ko siyang mapilit pumasok." Panimulang sagot ko sa tanong niya.

"Sabi ni ma'am sobra raw siyang nasaktan sa naging dahilan ng girlfriend niya kung bakit ito nakipaghiwalay."

"Kaya't magpapanggap ako na gusto ko siya, Na para maging inspirasyon niya ako para pumasok. At ang lalaking iyon ang only son ng Adviser natin. Nag makaawa siya saakin na tulungan siya. At tulungan ang anak niya. Ayaw niyang mapariwala ang buhay ng anak niya dahil lang sa babaeng iyon. " Pagpapaliwanag ko sakaniya.

"Ha!? Ano? Pano pag tuluyan ka na ngang mag ka gusto sa kaniya!? Magkaka inspirasyon nga siya, Ako naman mawawalan ng inspirasyon. Kung pinipilit mong ipaintindi saakin. Sana maintindihan mo rin yung nararamdaman ko. Mahal kita! Mahal na mahal kita Crystal. Alam mo yan" Halatang halata sa mukha niya na nahihirapan siyang tanggapin ang sinabi ko.

"J-james, Tayo pa naman. Y-yun nga lang, Patago yung relasyon natin. Para hindi malaman nung boy. Para mag success ako, mag success tayo."

Matapos kung sabihin yun. Bigla nalang siyang umalis. Iniwan niya ako sa library.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umuwi nalang din ako. Nag kulong ako sa kwarto ko. Habang umiiyak ako, Pinag iisipan kong mabuti kung tama ba yung naging disisyon ko.

Kung mahal talaga ako ni James, Maiintindihan niya ako. Alam kong mahirap ito para sakaniya, Mahirap rin naman ito para saakin. Sobrang hirap nito para saakin. Pero, kailangan kong gawin 'ito. Ayoko rin na may isiping mali sina mama saakin. Kaya't ang tanging ginawa ko nalang ay ang magdasal na sana maiintindihan niya ako.

Ilang oras na akong naghihintay sa reply ni James. Tinext ko siya na mag usap kami.

Sa bawat pag hihintay ko ng reply na galing sakaniya, kasabay ng pag patak ng mga luha ko.

James, Sana maintindihan mo ang desisyon ko, Mahal kita. Mahal na mahal kita. At patuloy parin kitang mamahalin kahit anong mangyari. Bulong ko.

James POV

Ayokong magalit kay Crystal, Tama naman yung ginawa niya. Para rin naman sa grades niya. At para sa future niya. Kaso, Ang hirap! Ang sakit.

Ipasok ko nga lang sa isip ko na may kasama siyang iba, Naninikip na yung dibdib ko!

Hindi ko rin naman masisi ang Adviser namin, Gusto lang din niyang makatulong at nagkataon na kailangan niya rin ng tulong.

Kanina pa nag tetext si Crys saakin, Pero hindi ko muna nirereplyan.

Ayokong bigla nalang iinit yung ulo ko at magagalit sakaniya. Ayokong nasasaktan si Crystal.

Bago namatay ang Papa niya, Ibinilin na siya saakin.

Mahal na mahal ko siya. Hindi ko maipaliwanag kung paanong pag mamahal ito.

Iintindihin ko nalang siya.
Bukas na bukas, Kakausapin ko siya.

"Dad, Do you still remember Crystal Sarsumedo?" Tanong ko kay Daddy.

Sinabayan ko siyang uminom dito sa Garden. Hindi ko gawaing uminom. Pero, Kailagan ko ito ngayon.

"Yes, Yung girlfriend mo, right? May problema ba kayo anak? Tell me." Pagtatanong ni dad.

Ikniwento ko ang mga nangyari kanina sa library. At tingin ko pati si Dad, Nahihirapan sa sitwasyon ko.

Ngunit, Tama siya na magdasal ako, at intindihin si Crystal.

Dahil kung mahal ko talaga siya, Iintindihan ko siya. Kahit anong mangyari.

Mahal na mahal kita Crystal Sarsumedo ng buhay ko. Mamahalin kita kahit anong mangyari, At patuloy parin kitang mamahalin.

Section 1 - Section 13Where stories live. Discover now