Chapter 7

2.4K 107 14
                                    

Napatitig nalang ako sa kung sino ang may hawak ng payong.

"Ki-Kiko?!?" Gulat na pagkakasabi ko.
"Anong gi-ginagawa mo dito" Pahabol kong sabi.

Bat ako nabubulol? Anong nangyayari?

Nabigla ka lang Crys, Nabigla lang.

"Ikaw? Anong ginagawa mo? Bat ka nag papaulan?"

....

JAMES POV

Aish Crystal, Bat ba gustong-gusto niyang nakatingala habang pumapatak sa mukha niya ang ulan?

Gusto niya bang magkasakit!? Nako talaga.

Lalapit na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko.

Daddy...

Not this time Dad, Gusto ko ng makausap si Crystal. Nangungulila na talaga ako.

Irereject ko na sana yung tawag ni Dad ng bigla itong namatay.

Lalakad na sana ako papunta kay Crystal. Binuksan ko na ang payong ko.

Ng biglang...

Wth!? Sino yun? Sino yung lalakeng 'yon!?

Inakbayan nito si Crystal. Habang may hawak na payong...

Dapat ako yun. Dapat ako yung may hawak ng payong. Dapat ako yung kasama niya.

Crys, Im sorry. Kung sino man yan, Sana hindi tama yung nasa isip ko ngayon.

Sinundan ko silang dalawa. Kahit masakit na makita na may kasama siyang iba. Sinundan ko parin ito.

"Ano ba kasing nasa isip mo at nag papaulan ka!?" Hindi ko malaman kung sino ang lalaking ito. At mukhang concern siya sa girlfriend ko ha.

"E ikaw? Ano din bang pakealam mo!? Pano ka napunta dun!? Diba dapat nasa practice ka!?" Pasigaw na sagot ni Crystal sa lalaking kausap niya.

"Well, Paano kami makakapagpractice kung wala ka? Paano nila matutunan agad ang steps kung wala akong partner? Sige nga!? Ikaw ang leader, Diba?" Pagmamayabang na sagot ng lalaki.

Ginaganyan niya yung girlfriend!? Hindi naman niya kailangang mag mayabang. At anong partner!? Hays. Diko na kayang magpigil!

Pero hindi pa ito ang tamang oras para kausapin ka, Crys.

"Sorry Kiko, Sobrang dami na kasing pumapasok sa isip ko. Hindi ko na ata kaya mga problem---"

Natigilan si Crystal sa pagsasalita ng may mag ring na phone.

Wtf! Phone ko pala. Dali-dali ko itong kinuha at inayos ko ang sumbrero ko saka tumakbo.

Muntik na akong makita. Muntikan na talaga! Why so stupid James?

"James! Hinahanap ka ng Dad mo. Dalian mo, Galit na galit siya!" Oh? Si Mark pala ang tumatawag.

"Hayaan mo siya Mark." Walang gana kong sagot. Kahit na alam kong galit na galit na si Dad.

"Icheck mo text ng dad mo. May kailangan kang malaman James. Umuwi kana, Puntahan mo si Tito" Pagkatapos niyang sabihin iyon, Pinatay niya na ang linya.

Wtf dad, Nagsasaya pa akong pagmasdan mukha ni Crystal.

Ano naman kayang sasabihin ng magaling kong tatay!? Ano nanaman ba ito!? Problema nanaman ba!?

Mukhang hindi ko na kayang magtiis, Nangungulila na ako kay Crystal.

Bigla nalang akong napatakbo sa may likod ng street light ng dumaan si Crystal kasama yung lalaki kanina.

Umaakbay pa siya!? Subukan lang talaga niyang agawin saakin si Crystal.

Nang mawala na sila sa paningin ko. Tumungo na ako sa sasakyan ko at nagpunta sa Opisina ni Dad.

Nang makarating ako, Hinanap ko na agad si Dad para malaman kung ano man yung sasabihin niya.

Binuksan ko ang pintuan ng office ni Dad.
Nakaharap siya sa bintana at mukhang malalim ang nasa isip niya.

"Dad?" Mahina kong tawag sakaniya habang nasa pintuan parin.

Hindi ito sumagot. Kaya pumasok na ako at pumunta sa gilid niya.

Malalim nga ata ang nasa isip niya. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Dad?" Muling tawag ko.

Humarap naman ito saakin, At yung kaninang Malalim ang iniisip. Galit na ngayon.

"Kanina pa ako tumatawag sayo James. Saan ka nagpunta?" Alam kong pinipigilan ni Daddy ang galit niya. Pero dama kong galit siya.

Mula nung hindi ko na nakakasama si Crystal. Ganito nalang lagi. Kailangang nakikita ako lagi ni Dad.

May mga nagbabantay rin saakin kung saan ako pupunta. At hindi narin ako pumapasok ng school. Nilipat na pala ako ni Daddy ng school sa ibang bansa.

Ang galing ni Dad diba? Isang buwan nalang at papupuntahin na ako sa ibang bansa.

Hindi ko na rin inalam kong saang bansa ito. Ang alam ko, Masasaktan ko si Crystal.

"Tinatanong kita James. Wala ka bang balak sumagot?" Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang lahat. Kung bakit kailangan akong bantayan ni Daddy minu-minuto.

"Hiwalayan mo na si Crystal." Wtf!? Seryoso? HAHAHAHA

"HAHAHAHAHA Dad? Are you out of your mind!?"

---------

Hi guys. Sorry kung late ang update ko. Sobrang busy kasi sa school.

And sinabi ko na mag Update ako pag 1k na ang readers para ganahan akong mag update. Minsan kasi limot ko na kung paano yung takbo ng story.

Pagpasensyahan niyo na po. First time ko lang din naman po gumawa ng story.

THANK YOU SA LAHAT NG SUMUSUPORTA SA STORY NA 'TO! :> Comment lang kayo guys.

Section 1 - Section 13Where stories live. Discover now