Chapter 6

2.6K 123 6
                                    

Gulong gulo ang utak ko. Kaya iniwan ko sila. Madali naman akong matuto sa mga steps. Pero, Wala talaga ako sa isip ko.

James? Asan ka na ba? Galit ba siya saakin?

Sinubukan kong itext at tawagan si James. Pero wala pa rin. Iniiwasan niya ba ako? Dati naman nagpapaalam siya sa mga gagawin niya.

Pero bakit ngayon? Hindi ko alam kung ayos ba siya. Kung anong nangyayare sakanya. HINDI KO ALAM!!

Papunta ako ngayon sa coffe shop. Ng mag-isa. Hays. Habang naglalakad. Si Jame lang talaga nasa isip ko.

Papasok na sana ako sa coffe shop ng makita ko si Mark na naglalakad papunta rin sa patutunguhan ko.

"Mark!" Masigla kong tawag sakaniya.

"Oh? Crys? Akala ko nasa Plaza ka? Nakita kita kanina dun." Ang sabi niya.

"Ah oo e. Nag prapractice kami para sa Mapeh" Sagot ko naman. "Tara, Order na tayo?" Yaya ko sakanya ng makapasok kami sa loob ng coffee shop.

"Ako na, Hanap ka nalang ng table" Nakangiting sabi nito.

Humanap ako ng table na pwedeng upuan namin.

Buti nalang at nakita ko si Mark. May mga tanong rin ako sakaniya. Teka, Wala bang kasama yun? Baka naman may date siya.

Hays, Chineck ko ang aking phone baka nag reply si James. Pero wala.

James? Ano ng nangyayari sayo? Mababaliw na ata ako kaiisip.

Dumating si Mark dala ang inoerder niya.

"Mark? Wala ka bang kasama?" Tanong ko sakaniya.

"Wala, Magpapalamig lang sana ako dito." Mukhang may problema ata ito.

"Hmm, May problema ka ba? Share mo naman saakin. Baka matulungan kita. Tutal, Bestfriend ka naman ng boyfriend ko" Nakangiti na may halong lungkot kong sabi.

"Ahh, Wala. Wala naman akong problema." Pilit na ngiti ang nasilayan ko matapos niyang sabihin ito.

Hindi ko nalang siya pipilitin. Baka isipin niyang nangengealam ako.

Sandaling natahimik nalang kaming dalawa.

Hanggang sa nabuo ang lakas na loob kong magtanong sakaniya.

"Mark? Kamusta si James?" Tanong ko.

"Si James? Ayun, Kasama parin si Tito Benji. May inaayos pa sila sa ibang bansa." Malungkot nitong sabi. "Bakit? Hindi mo ba siya nakakausap?" tanong nito.

Baka nga siguro hindi natatanggap ni James mga text ko sakaniya kasi nasa ibang bansa siya. Pero bakit hindi siya nag paalam?

"Hindi e" Malungkot kong sagot.

"Wag ka ng malungkot. Malapit narin naman silang umuwi." Ang sabi nito.

Pinilit ko nalang rin ngumiti.

"Mark, Pwedeng pag nakausap mo si James paki sabi namimiss ko na siya. Paki sabi rin na magparamdam siya ha. Salamat!" Pilit na ngiti parin ang ginawa ko habang sinasabi sakaniya ang mga ito.

"Sige." Ang tanging sagot nito.

Kahit na nakangiti si Mark. Kita sa mata niya na malungkot siya. Ano kayang problema nito? Hays, Baka nag-away sila ng girlfriend niya.

Nagulat ako ng biglang may nag ring. Akala ko phone ko. Pero phone pala ni Mark. Hays, Umasa pa naman ako na baka si James na yun.

Sinagot ni Mark yung tumatawag sakaniya. Kaya hinayaan ko lang muna. Mukhang galit ata yung kausap niya sa phone.

"Ahh, Crys. Mauna na ako ha. Ingat sa pag-uwi" Sabi nito sabay tayo at humarap na sa labasan ng coffe shop.

Hays. Napag-iiwanan talaga ako.

Hindi ko naman siguro kailangang problemahin si James. Sabi nga ni Mark, Medyo busy talaga sila ni Tito Benji.

Mag-iisip nalang ako ng paraan kung paano ko gagawin yung Misyon ko para kay Francis.

Nadamay pa tuloy ang relasyon namin. Dahil kay Francis. Tanga ko naman kasi e, Bat pa ako pumayag.

Napag desisyunan ko nalang na umuwi ng maaga.

Naglakad nalang ako. Ayoko muna sa bahay. Gusto ko munang maglakad lakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Biglang umulan. At kung minamalas pa, Wala akong dalang payong kasi maaraw naman kanina.

Nasa kalagitnaan ako ng field. At walang masilungan. Naligo nalang ako sa ulan. Bahala na kung magkasakit.

Tumingin ako sa langit at ipinikit ang mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam na pumapatak ang mga ulan sa mukha ko.

Ilang minuto rin akong ganun. Nakapikit lang. Ng bigla kong naramdaman na bat parang tumila na ang ulan. Pero dinig ko parin ang mga patak nito sa lupa.

Iminulat ko ang aking mga mata at imbes na langit ang makita ko ay payong.

Umayos ako ng tayo. At tinignan kung sino ang may hawak ng payong na 'to...

- - - - -

Mag UD ako pag naka 1k readers na. Hihihi. Medyo late nga lang kasi busy pa sa school. Thanks sa support guys! 💖 Love love.

Section 1 - Section 13Where stories live. Discover now