Chapter 4

3K 127 4
                                    

Muntik na akong tanghaliin sa pag-gising.

Paano ba naman kasi diba? Yung lalaki sa Mall ang iniisip ko buong magdamag.

Kaya pala pamilyar ang mukha niya, Kaya pala parang nakita ko na siya.

Siya yun! Siya yung lalaki sa coffee shop, Siya yung lalaking ang yabang yabang!

Hindi ako makatulog kasi, Hindi ko nabayadan yung mga pinamili ko sa NBS.

Nagkataon lang bang magkita kami?

Andito na ako sa Room namin. Hindi na siguro ako nahintay ni James.

Tanghali na kasi ako kung gumising.

Wala kasi duon si mama, Nagpaalam siya saakin nung gabi na maaga siya aalis.

Ito ang araw na ililipat na ako sa Section 13.

Hindi ko pa nasasabi kay James.

Hinanap ng mata ko si James, Pero wala siya.

Nag tanong-tanong rin ako sa mga classmates ko kung nakita ba nila si James.

Pero, pare-pareho ang mga sagot nila.

Mukhang Absent ata siya, Pero bakit hindi man lang siya nag-text? May sakit ba siya?

"HA-HA-HA!!" Habang tumitipak ng mabagal si Angel.

"Hinahanap mo ba si James?" Ang tanong nito saakin.

Tumango lang ako.

"Kawawang Crystal, Siguro nag-sawa na siya sayo.. at, Ayaw ng makita ang pagmumukha mo. Kawawang Crystal" Ang sabi nito saakin na parang naaawa.

"Dapat kasi, Ako talaga ang girlfriend niya" Narinig kong bulong niya.

"Mang-aagaw ka kasi!" Galit na sabi niya at itinulak ako.

"Good morning ma'am" Sabay-sabay na bati ng mga classmates ko.

At bumalik na sakanilang mga upuan.

Tumayo narin ako at umupo sa upuan ko.

Palibhasa kasi, Ingit yang Angel na yan!

Hindi ko naman siya ina-ano.
Kasalanan ba namin ni James na mahalin ang isa't-isa?

"Good Morning Students" Ang bati rin ni Ma'am Edellson saamin.

"Ngayong araw na ito, Mababawasan kayo. Ang mga studyante kong 40, ay magiging 39 nalang." Ang sabi ni ma'am. Alam ko namang ako yung ililipat nila. Kaya hindi na ako nagulat.

"So, Ibig sabihin nun. Isa ang maaalis dito sa Section 1 at sa Section 13 siya ililipat ." Pag-papatuloy nito.

"Awwwwww" Narinig kong nalulungkot na emosyon ng mga Classmates ko.

Nalulungkot ba kayong maalis ako dito? O nalulungkot kayo dahil mababawasan tayo/kayo ng isa?

"Miss Sarsumedo" Pagtawag saakin ni Ma'am Edellson at pinatayo na ako sa harap. Dala-dala ko narin ang mga gamit ko.

"Miss Sarsumedo, Are you ready?" Tanong nito saakin.

Nagbulungan na ang mga classmates ko.

Asan kaya si James? Bat wala pa siya?

"Okay Class, si Miss Sarsumedo o si Crystal Sarsumedo ang malilipat sa Section 13. Section 1 - Section 13" Ang sabi niya sa mga Classmates ko.

Pagkasabing-pagkasabi nun, Biglang pumasok si Mark. Ang bestfriend ni James.

"Good morning ma'am, Good morning classmates. Im sorry, Im late." Ang sabi ni Mark.

Bakit siya late? Asan si James? Bakit hindi niya kasama?

Section 1 - Section 13Where stories live. Discover now