Chapter 5

2.7K 115 6
                                    

Tatlong araw, Tatlong araw na ang nakalipas ng mailipat ako sa Section 13.

At tatlong araw ko na ding hindi nakikita o nakakausap man si James.

Hindi ko alam kung bakit, TiniText at tinatawagan ko siya. Pero, wala namang reply.

Minsan nga, Pumunta ako sa Mansyon nila, Kaso puro katulong ang nanduon.

Oo, Tinanong ko kung asan si James.
Ang sabi nila, Kasama niya ang Papa niya--Si Tito Benji.

At hindi daw nila alam kung saan sila nagpunta.

Nag-simula na din ako sa Misyon ko dito sa Section 13.

Nagiging close na din kami ni Francisco.

Kahit na ang yabang niya talaga, Tinitiis ko lang.

Kasama siya sa Grupo namin. May Program kasi kami Next week. At naka base dun ang Grades namin. Kumbaga, Practicum namin ito sa Mapeh.

At sasayaw kami. Bale, 8 kaming lahat.

Sabi nila, Dancer din daw siya. Kaya siya ang bubuo ng Steps namin.

Andito na kami sa Plaza, Dito kami mag pra-practice.

Andito na kami lahat ng members ko, At si Francisco wala pa siya! Halos 15 minutes na kaming nag hihintay dito.

8 am ang usapan namin. At mag 8:30 na wala pa siya.

Sa paghihintay namin, Nag plano na kami. Kung sino-sino ang mag kaka Partners. Ball room kasi yung sasayawin namin.

"Jolina, Sino gusto mong ka partner?" Ang tanong ko sakaniya.

"Sino pa ba Crys? Edi ang boyfriend niya!" Ang sabi naman ni Charles.

"Okay okay, Jolina and Stephen kayo ang mag-kaPartner" Yun di naman talaga siguro ang gusto nila. Kaya sila nalang.

Inakbayan ni Stephen si Jolina at hinalikan ito sa noo.

Naalala ko bigla si James. James, Asan kana ba? Miss na kita.

"Naku! Was porebs. Wag dito, Mahiya kayo sa mga single" Ang sabi ni Charles. Napaka Bitter talaga nito.

"Aaron? Sinong gusto mong ka partner?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto mo talagang sagutin ko yan Crys?" Patanong niyang sagot sa itinatanong ko sakaniya.

"Malamang naman! Kaya nga nagtatanong siya diba? Tanga lang ron?" Sumbat ni Drea

"I---"

"Ayan na pala si poging Francis" Sabay turo ni Jolina kay Francis.

"Tch" nagseselos ata tong si Stephen. Haha

Tsk. Anong oras na? At bakit ngayon lang siya!? Mukhang wala ata kaming ma-prapractice ah.

"Bakit ngayon ka lang!? Diba ang usapan 8!?" Inis kong sabi sakaniya.

"It's better to be late than to be absent" Kumindat pa ang ogag na to.

"Better better ka pang nalalaman! Tara, Mag start na tayo. Ng may nagawa naman tayong maganda sa sinira mong araw ko!" Inis ko ulit na sabi.

Napakayabang ng lalaking yan! Tanggihan ko nalang kaya yung offer ni Miss Edellson?

Joke lang. Kailangan kong magtiis.

"Okay tara na. So, Ballroom diba? Alam niyo na ba kung sino ang partners? Tanong niya saamin.

Nag-usap usap na kami about sa magiging partners namin.

Stephen at Jolina
Aaron at Drea
Xander at Zicacy
Ako at si Francis

Bat ako pa diba? Bwisit! Bwibwisitin lang ata ako ng lalaking ito ah!

"CRYSTAL SARSUMEDO! KANINA PA KITA TINATAWAG. GUSTO MO BANG SUMAYAW NG WALANG KA PARTNER!?" Nagulat ako sa lakas ng sigaw na umalingawngaw dito sa kinaroroonan namin.

Bwisit kang Kiko!

Itinuro na nga niya kung paano ang gagawin namin.

Ang paghawak sa bewang, balikat at kamay.

Pag-ikot, steps at kung ano-anong sumasayad sa utak niya.

Habang pinrapractice namin ng sabay-sabay, sinasadya niya atang tapakan ang paa ko!

"Aray! Aray naman!" Sumusobra na ata tong lalaking impakto na to!

"Hahaha. Ang lampa mo! Yan lang naman? Aray agad? Kasalanan mo rin yan, mali kasi ang steps na sinasayaw mo. Kanina ka pa wala sa isip. Hindi ka naka focus. HAHAHA Buti yan saiyo" Tsk. Bwisit. Pagod na ko.

Panong di ako makaka focus? Andaming sumisiksik sa utak ko.

Nagsisiksikan lahat. Arrrgh.

Si James? Asan kana ba James? Iiwan mo na ba ako? Kung wala ka dito sa lugar na to. At kung nasa ibang lugar ka man, Bat hindi ka nag-paalam man lang saakin?

"Mauna na muna ako, Ipagpatuloy niyo lang ang pagpra-practice. May gagawin pa ako." Pagpapaalam ko.

Kukunin ko na ang bag ko ng hilain ni Francisco ang braso ko.

"Saan ka naman pupunta ha? Paano ko sila maprapractice kung wala akong ka partner?" Sumbat niya.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tuluyang kinuha ang aking bag.

"Kaya mo yan. May importante pa akong gagawin"

Section 1 - Section 13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon