bulaklak

145 7 0
                                    

nakalulunod ang tingkad
ng iyong gayak ngayong umaga,
bulaklak,
'di ko pinagsisihan ang
pinustang tulog upang ika'y
muling magisnan.

ang bawat panaginip man
ay sintamis ng unan sa ulunan,
bulaklak,
ang tinig ng iyong
"magandang umaga" ay
mas matamis pa,

alam kong ikaw
ang dapat binibigyang-alaga, ngunit
ikaw ang dumilig
sa puso kong lanta.

— A. P.

Accidents: A Collection of PoetryWhere stories live. Discover now