sabay

138 4 0
                                    

isayaw mo ako sa saliw
ng iyong patawad;
ako'y itawid sa mala-pising nipis
ng aking pasensya.

'pagka't ako'y isang nagbabagang kawa
ng poot at galit;
kailangan kita — kailangan ko ang iyong kamay
at ang hinahon nitong taglay.

turuan mo yaring pusong sumabay
sa iyong pusong malumanay sa pagtibok;
at kung ang bagyo sa'king damdamin ay
sadyang manahimik na,
salamat sa pananatili,
salamat, sinta.

— A. P.

Accidents: A Collection of PoetryWhere stories live. Discover now