Chapter 27

1.2K 41 7
                                    

QUIRSTEN'S point of view.

"Natatakot ako sa mangyayari, sa tingin ko hindi ko kaya." Sabi ni Odeya samin. "Kagaya ng sabi nila Odeya, Alérial tayo, kaya natin to." Halata sa boses ni Jasphier na excited sya dun sa laban na sinasabi ng mga Head.

Kumakain kami ngayon dito sa loob ng dorm namin, lahat ng usapan namin ay puro tungkol sa laban na magaganap sa pagitan ng mga Alérial at Alerio, sila Odeya ay kinakabahan.

Di ko ikakaila na pati ako ay kinakabahan dahil hindi ako malakas kagaya nila, papano nalang kung hindi gumana yung mga Celestial Keys ko? Pano pag wala yun? Wala akong silbi, hindi ako karapat dapat maging Alérial. Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko.

"May problema ba Quirsten?" Tanong ni Xaviel.

"Wala naman." Nakangiti kong sabi sakanila. "Pasok na muna ako sa kwarto ko." Dagdag ko sabay tayo sa upuan at pasok sa loob ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama ng kwarto ko pagpasok ko, nagbuntong hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Kinapa ko yung lalagyan ng mga susi ko na nakasabit sa shorts ko. Kinuha ko yung mga Celestial Keys ko at tinitigan ko yun.

Buti nandyan kayo noh? Buti kahit papano malakas ako dahil sainyo, kung wala kayo wala akong kwenta. Sobrang hina ko, hindi ako karapat dapat maging Alérial. Alam nyo ba na may labanan na magaganap sa pagitan ng Alérial at Alerio at wala akong choice na gamitin kayo. Ang sama ko, parang gagawin ko kayong shield ko para hindi ako masakatan.

Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko, agad ko tong pinunasan. Ang babaw ko noh? Pero wala eh, pakiramdam ko napaka useless ko pag wala tong mga celestial keys ko.

Pero wag kayong magalala mga kaibigan ko, lalaban ako kasama nyo, hindi ako manonood lang habang kayo nasasaktan dahil pinagtatanggol nyo ko. Lalaban ako kasama nyo.

Bigla nalang umilaw yung mga Celestial Keys ko, anong nangyayari? Bakit ganito? Biglang kumawala yung mga susi ko sa kamay ko at kusa itong tumiwalag sa Key Holder nito. Hindi pa rin tumitigil yung pag ilaw ng mga ito.

"Quirsten." Sabi ng isang nakakahumaling na tinig na galing sa isang babae, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tinig na yun dahil wala namang tao dito sa kwarto ko.

"S-sino ka?" Tanong ko sakanya.

"Anak." Tipid na sabi nung babae, anak? Wag nyang sabihin na sya yan? Agad akong umupo sa kama ko mula sa pagkakahiga.

"I-ina? Ikaw ba si Reyna Cassiopeia?" Tanong ko sakanya, pakiramdam ko ay maluluha na ako kung sya nga yan.

"Oo anak ako nga ito. Gusto't kinakailangan kitang makausap, aking anak." Sabi nya sakin.

The Keepers (AlérialSeries#1) (Complete)Where stories live. Discover now