Chapter 28

1.2K 39 3
                                    

QUIRSTEN'S point of view.

"Bakit ayaw mong magsalita? Anong nangyari sayo? Bakit ka sumisigaw?" Tanong nya, hindi pa rin ako makapagsalita, bakit nya to ginagawa?

Nakita ko na lumapit yung mga kasamahan namin samin, halata ko rin sakanilang mukha yung pagaalala pero hindi ko pa rin maisip kung bakit ako niyakap ni Karl at bat lumabas sa mga bibig nya yung salitang yun.

"Quirsten? Okay ka lang?" Tanong ni Xaviel.

Naramdaman kong nagulat si Karl kaya agad syang kumalas ng yakap nya sakin. "O-oo, okay lang ako." Sabi ko sakanila. "Ano bang nangyari sayo? Bat sumisigaw ka kanina?" Nag-aalalang tanong ni Jasphier sakin.

"H-hindi ko alam." Pagsisinungaling ko sakanila. "Hah? Panong hindi mo alam?" Nagtatakang tanong ni Trevor. "O-oo, hindi ko alam. W-wala akong maalala." Pagsisinungaling ko ulit sakanila.

"Bakit wala kang maalala? Anong huli mong naaalala?" Tanong ni Kean.

Sht, nandito si Kean, baka basahin nya yung iniisip ko't malaman nyang nagsisinungaling ako. Please, Kean kung nababasa mo man ang iniisip ko ngayon wag mong sasabihin sakanila.

Nakita kong tumango si Kean sakin at ngumiti sya sakin. "Ate Quirsten, tinatanong ka po ni kuya Kean, sure ka po bang okay ka lang?" Tanong ni Gwen sakin. "H-hah? O-oo, oo okay lang." Sagot ko sakanila.

"So ano pong huli nyong naaalala?" Tanong ni Odeya sakin.

"Nakahiga ako sa kama ko, pag tapos nun hindi ko na alam." Sagot ko sakanya.

"Sure ka bang okay ka na ate Quirsten?" Tanong ni Zoe, tumango ako sakanya at ngumiti. "Lalabas muna ako, m-magpapahangin lang muna ako sandali sa labas." Sabi ko sakanila.

"Lalabas ka ng Frantíco? delikado sa labas, hindi ka pwede." Paalala ni Kyle.

"H-hindi, hindi naman sa labas ng Frantíco dun lang sa dulo may terrace naman dun eh." Sabi ko sakanila. "Sige, una na ako." Sabi ko sakanila sabay ngiti at lakad palabas ng dorm namin.

Naglakad agad ako papunta dun sa pinaka terrace ng Frantíco na makikita mo yung gate papasok dito sa frantíco.

Pagdating ko dun ay nakita ko agad yung view sa labas, ang ganda. Napapikit ako dahil humangin ng medyo malakas, ang sariwa ng hangin, ang sarap damhin habang tumatama at dumadampi ito saking balat.

"Quirsten." May tumawag sakin, kilala ko yung boses na yun. Dahan dahan kong dinilat yung mga mata ko at humarap sa likuran ko. "Kamusta?" Nakangiti nyang tanong sakin, ang amo talaga ng mukha nya kahit kailan.

"Okay naman ako, ikaw?" Nakangiti kong sagot sakanya, lumapit sya sa tabi ko saka nya ako hinila para humarap sa labas ng Frantíco.

"Okay lang din ako, eh yung paggamit mo sa celestial spirits mo, okay na?" Nakangiti nyang tanong sakin.

Siguro wala pa munang dapat makaalam ng tunay kong kapangyarihan, surpresa nalang siguro sa darating na laban. Wala namang masama kung gagawin ko yun diba? Haha.

"Oo naman, mastered ko na. Kaya ko na, ako pa ba?" Natatawa kong sabi, natawa rin naman sya.

"Uhm. Quirsten?" Tawag sakin ni Jake. Napatingin naman ako sakanya, pero sya ang layo ng tingin. "Umibig ka na ba na parang halos mabaliw ka sa kakaisip sakanya?" Kahit na seryoso nyang tinanong yun parang gusto kong matawa. "Bakit mo naman na tanong yan?" Tanong ko sakanya.

The Keepers (AlérialSeries#1) (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt