last note

260 6 1
                                    

HAHAHAHA bale ayon nga, tapos ko na 'tong kwento na 'to (The Keepers (Alérial Series#1)) sa hinaba haba ng panahon. Nakita ko sa description ng kwento na sinimulan ko 'to noong October 28, 2016!! Tapos ngayon, July 2019 na. Halos tatlong taon na sinulat?

Boi, kung ako din reader neto tinamad na ako magpatuloy mag-antay, isang kwento tatlong taon sinulat?! Kaya naiintindihan ko 'yong mga hindi na tinuloy pagbabasa nito dahil liban sa hindi naman ganon kaganda 'yong kwentong 'to eh ang tagal din ng update kada chapter.

Pero masaya pa rin ako dahil may nakikita pa rin akong iilan pang nagbabasa nito hanggang ngayon. Kaya kung umabot kayo dito sa parteng ito, salamat!

Sa totoo lang di ko naman inaasahan na ganito kalalabasan nung kwento eh. Tignan nyo...

March 9,2017 (yup, 2017) palang tapos ko na talaga 'yong kwentong 'to, malayong malayo sa ending na nangyari ngayon sa mga Alérial

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

March 9,2017 (yup, 2017) palang tapos ko na talaga 'yong kwentong 'to, malayong malayo sa ending na nangyari ngayon sa mga Alérial. Kaya nga sumobra yung haba kasi masyado akong natuwa lol

Trip ko lang talaga magsulat noong sinimulan ko 'to non, sa totoo nga nung 2016 kinilig ako nung pagbukas ko ng wattpad account ko na may 1,000 reads na to eh. HAHAHAHA

Like paanong nagkaron ng 1,000 reads 'tong kwento na 'to? Di ba?

Noon kasi hindi ko naman inaasahan na magkakaron ng readers 'tong sinusulat ko, liban sa di naman ako kilalang manunulat hindi rin ganon kaayos 'yong plot nung kwento ko.

Pero dahil sainyong mga nagbabasa pinagpatuloy ko kahit matagal.

Pero ang importante sa ngayon, nakatapos na ako ng isang kwento (kahit na magulo). Sobrang saya ko talaga, may sinusulat nga din pala ako ngayon na bagong kwento. Sana abangan nyo 'yon, hindi sya connected dito ibang story.

At isa pa, i-follow nyo ko sa Twitter!!! @/Supremoeljay_WP
#TheKeepersAlerialSeries
#AlerialSeries

.

Kung may tanong kayo, pwedeng nyong i-comment dito para masagot ko ganon.

Muli, salamat sainyong lahat!

The Keepers (AlérialSeries#1) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon