Chapter 55

822 22 0
                                    

sorry sa napakatagal na update guys, nagkaproblema kasi sa phone ko kaya di ako nakapag update nitong mga nakaraan pero ito na, basahin na :)


Third person's point of view.

Sa gitna ng paglalakbay ng mga Alérial at Alerio sa kagubatan na halos hindi mo sila makita sa bilis na ginagawang takbo ni Kage at si Quirsten na wangis Kage ay bigla bigla silang huminto.

"M-malayo pa ba tayo, Kage?" Hingal na tanong ni Quirsten-na nasa anyong Kage ngayon-binaba ni Quirsten ang kanyang kapatid na buhat buhat nya. "Hindi na ganun kalayo pero mga 1/4 nalang ng tinakbo natin mula Frantíco hanggang dito." Tugon ni Kage.

"Ang ibig mong sabihin, ang kuta ng mga Althexico ay malapit sa bundok na yon?" Turo ni Xaviel sa natatanaw nilang bundok na nasisinagan ng maliwanag na bilog ng bwan. "Yun ay ayon sa mapa na to, hindi ko rin sigurado kung tama ba tong mapa." Sabi ni Kage habang nilalabas ang mapa na nakaipit sa kanyang bewang.

"Kung napapagod na kayo o nauuhaw, meron pala ditong sobrang lapit lang na batis dito, at ang alam ko, napakalinis at napakalamig ng tubig sa batis," pahayag ni Kage, "kung gusto nyo lang naman ng water break." Dagdag nya, napakamot nalang sya sa kanyang ulo at ngumiti ng awkward, halos mawala na rin ang mata nya sa sobrang ngiti.

Dahil sa pagod na si Quirsten dahil halos kalahating oras na silang tumatakbo ng walang hinto. "Siguro kung wala tayong Kage ngayon, siguro wala pa tayo sa kalahati ng tinakbo namin." Hingal na sabi ni Quirsten habang lumalagok sa tubig sa batis.

"Ah! Napakalamig at napakalinis nga ng tubig na toh, nakakawala ng uhaw." sabi ni Quirsten at halatang halata na nasasarapan sya sa iniinom na tubig mula sa batis.

"uhm, kuya Kage?" tawag ni Gwen kay Kage na nakaupo at nakasandal sa puno na malapit lang sa batis katabi ang ibang Alérial. "Ito lang po ba ang pinaka malapit na batis sa Frantíco?" tanong ni Gwen sa Alerio'ng nagpapahinga.

"Hmm." Sabi ni Kage habang tumatango pa sa batang Alérial. "Edi ang ibig sabihin ito po yung tinatawag nilang batis ng kahilingan po ba yun?" Nagtatakang tanong ng bata sa Alerio, "oo, ito nga yun, pero teka? Pano mo nalaman ang tungkol sa ilog na yun?" Tanong ng Alerio sa Alérial.

Napalingon na rin ang ibang Alérial sa Batang Alérial at Alerio na naguusap. "Madalas po kasi kami ni Zoe sa library kaya may nabasa na po akong konti tungkol sa mga bagay bagay sa Altheria." Nakangiting sabi ni Gwen.

"Kaya pala parati kayong wala dalawa sa dorm, sa library lang pala kayo pumupunta." Singit ni Xaviel sa dalawang naguusap na Altherian, natawa nalang si Gwen dahil kay Xaviel.

"Tara na guys, sure akong nandun na sila Raiviel sa kuta ng mga Althexico." Bungad Ng Alérial ng Buhay pagtapos
nyang uminom sa batis. Agad silang naghanda sa pagpapatuloy ng paglalakbay nila.

Sa harap ng isang magara ngunit nakakatakot na isang kaharian na kulay itim, sumulpot ang anino na naging si Shadie, aninong kulay puti na napapaligiran ng puting kapangyarihan na naging si Glito, buhanging may nakapalibot na berdeng kapangyarihan na naging si Earah, usok na kulay abo na naging si Airis, tubig na paikot na may nakapalibot na kulay asul na naging si Raiviel, at ang Apoy na naging si Pyrel.

"Narito na tayo sa kuta nila." Paunang sabi ni Glito habang nakatingin ng seryoso sa gusali na kuta ng mga taksil na Altherian, napansin nila na may salitang nakaukit sa pinakatuktok ng gusali.

"Anveria..." bulong ni Raiviel sa sarili. "Binigyan pala ng pangalan ni Zerto ang initayo nilang kaharian." Bulong naman ni Earah. "Pasukin na natin ang kuta nila, nangsago'y mapasakamay na muli ang mga Alérial." saad ni Airis saka inilagay sa ulo ang hood ng kanyang kulay abong cloak, ganun din ang ginawa ng mga pinuno saka sila nagsimulang naglakad papasok sa kaharian ng mga Althexico.

The Keepers (AlérialSeries#1) (Complete)Where stories live. Discover now