Chapter 80

163 11 4
                                    

Karl's point of view

"K-Karl, ayos ka lang?" Dahan dahan nila akong nilapitan para alalayang tumayo mula sa pagkakabagsak ko kanina. "Anong nangyari sayo? Bakit nasa lapag ka at sumisigaw ka kanina?" Halata sa mukha ni Xaviel ang pag-alala sakin.

Nakaramdam ako ng init sa buo kong katawan, hindi ko maipaliwanag sa sarili ko. Bumalik na ba yung kapangyarihan ko? Ibig sabihin totoo yung sinasabi nung kumausap sakin sa isip ko?

"B-bumalik na," Maikli kong tugon sakanila.

"Bumalik? Ang alin kuya Karl?" Nalilitong tanong ni Odeya, tinignan ko muna sila sandali bago ako sumagot.

"Yung lakas ko, yung kapangyarihan ko." Bakas sa mukha nila ang pagtataka dahil sa sinabi ko. Miski ako hindi makapaniwala na dahil lang sa magic circle na ginawa nung kumausap sakin bumalik na agad lahat. Pero bakit ako lang? Bakit sakin lang?

"T-teka, hindi ko maintindihan, p-pano?" Naguguluhang tanong ni Kyle.

"Hi-hindi ko rin alam, pagkaalis nyo kanina bigla nalang may kumausap sa isip ko at sinabing ibabalik nya ang kapangyarihan ko para tulungan ang lahat..." Paliwanag ko sakanila, napariparito ako dahil sa hanggang ngayon pati ako hindi makapaniwala.

"Si Raiviel ba yung kumausap sayo at nagbalik ng kapangyarihan mo?" Tanong ni Kean, umiling ako bilang tugon.

"Sigurado akong hindi Raiviel yong nilalang na 'yon, kilala ko ang boses nya. Iba, ibang iba."

"Kung hindi si Raiviel, sino?"

"Hindi ko rin alam, bigla nalang sya pumasok sa isip ko at do'n nya ako kinausap." Sagot ko muli, bumuntong hininga muna ako bago muling magsalita. "Pero isa lang ang alam ko...kailangan kong iligtas sina Jasphier. Sating lima ngayon alam kong ako lang ang makakalaban sakanilang lahat." Tinignan ko sila isa isa, alam kong nagulat sila sinabi ko.

"Huwag mong sabihing-"

"Oo," putol ko kay Xaviel. "Gagawin ko 'to para sakanila, sana maintindihan nyo. Kailangan ko ng umalis," Tumalikod na ako sakanila at saka nagsimulang maglakad.

"Karl," Napahinto ako ng tawagin ni Kyle ang pangalan ko. "Sasama ako sayo," Umabante si Kyle.

"T-teka, hindi pwede." Agad kong tugon sakanya.

"Ako rin, sasama akong iligtas sila...ang Altheria." Napalingon kami kay Kean, si Odeya at Xaviel ganon na rin ang naging desisyon.

"Naiintindihan nyo ba yung sitwasyon? Baka kung anong mangyari, baka mas lumala pa lahat."

"Sama sama tayong pumunta dito para maging tagapagligtas ng buong Altheria, sama sama rin tayong lalaban para sa don may kapangyarihan man o wala." Nagkatinginan kaming lahat, walang nagtatangkang magsalita, pinapakiramdaman namin ang paligid.

"Alam kong hindi mo kami pipigilan," Hindi ko na rin alam ang isasagot sakanila, tama naman sila na tagapagligtas kami sa hinaharap pero kapag may nangyari samin ngayon pano nalang ang nakatakda? Maaaring magbago ang nakasulat pero alam kong hindi ko na sila mapipigilan.

Napatango ako sa sinabi ni Xaviel, agad kaming naghandang lima para sa pagpunta namin sa Anveria. Kumuha kami ng sari-sarili naming sandata na alam naming makakatulong samin oras na magkaron ng panganib.

"Ang problema natin, pano tayo makakarating ng mabilis doon?" Tanong ko habang maingat na naglalakad papunta sa lagusan palabas ng kuta namin, napagdesisyunan naming hindi muna sabihin sa iba ang pag-alis namin dahil sigurado kaming hindi nila kami papayagan, lalo na ni Rusen.

"Hindi ko naman magagamit yung kapangyarihan ko para makalipad tayo, sorry po." sagot ni Odeya, naiintindihan naman namin 'yon.

"Gusto ko sana kausapin si Kage para tulungan tayo pero baka madamay pa sya kapag pinagalitan tayo." Suwistyon ni Kyle, may punto rin naman sya sa sinabi nya. Desisyon namin 'to kaya hindi pwede na mangdamay kami ng ibang Alerio.

The Keepers (AlérialSeries#1) (Complete)Where stories live. Discover now