Chapter 9

47 13 0
                                    

Jash's Pov

Ngayon ay Araw ng MathComScie Event kung saan may camping, relays, at mga simultaneous activities. Expectations are open xD

Nasa Gym kami ngayon para sa Living Rosary para kay Mama Mary. Mahaba haba sya ng konti pero kailangan tiisin. Hindi pa nagsastart yung program dahil hinihintay namin yung mga iba pang ka schoolmate namin. Katabi ko si na Thea, Angel, Bea , Ella at Nika. Btw, Si Nika Or Nathalia Kathleen Tan, ay bago naming kaibigan, well, long story ang nangyari sa mga kaibigan nya dati kay no need to mention.

Tahimik lang kami nagkukwentuhan, nang may lumapit sa Kaichou namin na isang CAT officers.

" Okay Guys! Boy - Girl ang sitting arrangement. So Bawal ang Kj ha. " explain ni Leira.

" Eh Leira, Paano yung mga ibang babae eh, 16 lang yung boys , 21 yung girls paano yun? " tanong ni Thea.

" Okay lang yun na magkakatabi yung mga ibang girls. "

" Okay! Jash at Angel, dito tayo! " ani ni Thea.

" Gege! " ani ko, kaso biglang sumabat si Mia.

" Jash, dito ka oh sa tabi ni Bryan. "

Eh?

" Ayyyiieee! Magkatabi yung couple. " asar ni Gab.

Susundin ko sana si Mia kaso napansin ko si Helliane nakatingin sa aming dalawa ni Bryan. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya pagtumabi ako kay Bryan . Hindi ko rin alam kung alam nya na may gusto si Bryan sa kanya eh kasi naman hindi kami magkaparehas ng iniisip. Palibhasa different person kami.

Uupo na sana ako sa tabi ni Thea kaso bigla akong hinila ni Mia sa tabi ni Bryan.

" Ay putcha! " sabi ko.

" Dyan ka! Wag kang aalis dyan hanggang't hindi tapos ang Living Rosary. Tandaan mo yan! " ani ni Mia.

" Edi wews... " sabi ko ng mahina.

Maya maya nagsimula na yung Living Rosary. Medyo boring kasi paulit ulit lang yung sasabihin. Eh ganun talaga Jash walang magagawa. Haist!

***

Pagkatapos nun, bumalik lahat sa classroom para sa konting announcement kaso pagpunta namin sa classroom, wala ang adviser namen. Hay nako! Lagi na lang ganyan yung adviser namin laging wala.

Pumunta na lang kami sa kanyang kanya pupuntahan, sila Angel, Bianca, Aliza and Ella , pupunta Library para sa  Art Attack tapos si Thea at Nika sa Photomon Go! , Well, sa amin ako lang magisa na mahihiwalay kasi sa Aha! Science ako pupunta dibale nandun naman si Gab, Chris , at Daniella.

***

Pagkatapos ng Simultaneous Activities, nagsipag lunch na kami. Tapos pumunta sa may Stage kung saan magsisimula ang MathComScie Relay.
By Section yung laban so kalaban namin yung kabilang section, kaso hindi kasama si Gab, Cj at Apo dahil members sila ng MathComScie club. Haist! Daya, dapat sumali pala ako noh. Awww Gara!

***

Naging masaya naman kami kahit natalo kami. May konting hindi pagkakaintindihan, Okay naman ang lahat. Pagkatapos nun, nagset up ba kami ng tent kahit maaga pa, tapos sina Ella pumunta sa classroom para bihisan sya dahil kasali sya CSLU King and Queen of Nature. Syempre kaming magkakaibigan todo support sa kanya , well, hindi lang kami , buong batch namin todo support.

***

Pagkatapos ng Coronation Night ng CSLU King and Queen, Prince and Princess of Nature, nagsibalikan na lahat sa tent para matulog kaso kaming lahat sinundan si Ella sa may classroom para ayusan at syempre picture picture rin pagmay time hehehehehe.

Hindi na namin nagawa yung Teasure hunt dahil late na kami, tapos may nakakuha na nung price. Okay lang naman yun dahil yung price ay marshmallow lang. Corneh eh! Akala ko naman Pera kung pera talaga yun, ako mangunguna sa paghahanap hahahahha deh joke lang !

***

Morning 8:00 am

Pagkatapos kumain ng Breakfast, magzumba at magjogging, nagready na kami para umuwi. Tapos nagkonting picture picture bago umuwi. Kasama ko ngayon si Bryan sa Service.

" Oh kamusta ka? " tanong nya.

" Yun masaya naman kaso gutom ako eh. " ani ko

" Oh ito kainin mo. " tapos inabot nya sa akin yung can ng century tuna.

" Baliw ka ba? Paano ko yan kakainin? Atsaka walang kanin noh! "

" Hahahaha Sorna! Oh ito na lang oh. " inabot naman nya sa akin yung Piatos.

" Thanks Bry! "

Hay buhay! Sa wakas tapos na rin yung Camping, Long Vacation dahil magNonovember 1 na yay! At malapit na birthday ko woooh!

Hahahaha

Dear Diary,

Naging masaya ako ngayon dahil nga sa event na toh kahit na magulo okay lang. Hahahahah Buti na lang Happy Life pa ^^^^^

October 28,2016

---------- Author's Note ----------
Sorry kung late update ^^^ Thank you sa lahat na nagbabasa nito ^^^ Feel free to vote, comment and share ^^^^

Love you GUYS!!!!!!!!

I'm Urs! Ur Mine ( UNDER EDITING )Where stories live. Discover now