Chapter 21

43 14 1
                                    

Foundation Day (( Field Demonstration )) Part 1

Jash's POV

Araw ngayon ng field demo at kabang kaba ako di dahil sa sayaw namin na walang kakwenta kundi sa magulang ni Bryan! Kasi Papakilala nya ako sa mga magulang nya well, sa mama at ate nya lang. Eh dun palang kabang kaba na ako umaga pala lang sa bahay. Pati habang kumakain. Di ako makakain ng maayos.

Sina Mama paalis na ng bahay para asikasuhin si Zach sa field demo nila. Well, at always laging magaling yung section ni Zach at lagi silang nanalo. Pero ngayon, sa tingin ko kahit new student sya sa bagong school namin, panalo na toh dahil magaling sumayaw, magaling gumawa ng props at costume ang kapatid ko kaya sure to win na toh. Ako same lang rin kami kaso may mga hadlang lng sa tabi tabi kaya di ko nalalabas. So Mahiyain ako. Masyado kasi makakapal ang mukha ng mga hadlang eh kaya yun di na lang ako umiimik. Cosplayer kasi kami magkapatid kaya yun minsan nagkakasundo kami ni Zach. Haist! Pero minsan nagaaway din kami pagmali yung ganun or what. Kaya minsan naiinis si mama sa amin. Like we're cat and dog fighting. Hahaha wtf!

Nandito ako ngayon sa bahay pinagmamasdan ang pagkain ko. Kinakabahan talaga ako eh. Di ko alam kung magwowalkout ako pagpinakilala nya ako or di na lang ako magsasalita eh. Jash you have to do something, ani ko sa isip.

" Jash! Ubusin mo na yan! Malalate ka na! " ani ni Mama. " Nga pala, aalis na ako. Pupuntahan ko na si Zach sa school. Kita na lang tayo dun. Lock mo yung pinto at gate pagaalis ka na. Okiee? "

" Opo ma! " sagot ko.

" Osige na aalis na ako. Byee! " sabay halik sa akin sa noo at alis ng bahay.

Ako na lang ngayon magisa sa bahay. Pupunta ba ako sa school or di na ? Haistt.. Kailangan mo Jash dahil sa Field demo. Grades yun! Ani ko sa isip ko.

Pumunta na ako sa kwarto at dumiretso sa cr para magtoothbrush. Dali dali ko namang kinuha yung phone ko para makachat si Bry.

Messenger..

[ Nasa school ka na Baby? ]

[ Wla pa po. ]

[ Ahh Okie. Message mo na lang ako pagpapunta ka na ha? :* ]

[ Di ako pupunta ]

[ Whyy Baby? ]

[ Nakakatamad ]

[ Nakakatamad? Baka kinakabahan ka na naman ha? ]

[ T^T ]

[ Nako Babyy! Pumunta ka na! Kasi papunta na din ako. Ha? ]

[ FINE! ]

[ Sige na! Punta ka na. Byee . Ilysm ]

[ Byeee. Ilytsm ]

Kinuha ko na lahat ng gamit ko para sa field demo at umalis na ng bahay. Dumiretso ako sa may sakayan ng mga tricycle.

" Kuya! Papunta nga pong CLSU. " tumango lang si manong tricycle driver at dumiretso na sa CLSU. Habang nasa byahe pinapakinggan ko yung kanta ng BTS na "Save Me". Lagi pinakikinggan sa akin ni Angel ito.

I'm Urs! Ur Mine ( UNDER EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon