Chapter 29

26 11 0
                                    


Angel's POV

Nandito kami nila Bianca sa Bahay nila Jash. Alam naman namin na wala sila Jash dito pero uuwi daw muna si Bryan dito dahil may kukunin sya sa bahay nila mismo. Isang month na ang nakalipas simula nung nagkasakit si Jash. Di na namin sya magiging kaklase dahil lilipat na kami ng school ni Bianca. Si Bianca babalik ng sa school nila . Ako naman sa Letran ako magaaral. Pero bibisita parin ako sa luma kong school para kay Jash syempre.

Kasama namin sina Zach at yung mga pinsan nya pati pamangkin. Pumunta kasi sila Dito para bisitahin si Jash.

" Hoy Zach! " ani ko. " Ano naman yang kagaguhan na gagawin mo? " dagdag ko pa.

" Luh Minura ba kita? Ate Angel, chill ka lang, watch and learn! " naglalaro kasi kami sa labas ng dodgeball kasama mga pinsan nya at si Bianca. Ang magkakampi, Ako, si Zach, Miggy, at Hannah. Si Bianca, Drake, Gabriel at Reena naman ang magkakampi. Tapos yung mga pinsan naman nila Jash na si Ate Margaret, Ate Louise , Ate Carmela at Ate Vikky inaalagaan ang mga pamangkin nila nasi Althea at Francisco.

" Ang Yabang netoh! " sabat ko agad. " Kahit kailan Brother-in-law mo talaga si Bryan. Kaparehas kayo ng ugali eh! " dagdag ko pa.

" Di naman kami magkadugo ha pano kami magiging kaparehas ng ugali?! " sabay bato ng bola sa mga kalaban namin.

" Diba Brother-in-law mo sya?! " ani ko.

" Ate Angel! Saluhin mo yung bola! " ani nya. Sinalo ko naman yung bola na binato ni hannah pabalik sa amin. Binato ko naman toh kay Reena para matanggal na sya. Buti nalang sakto syang natamaan kaya tatlo na lang ang natitira sa gitna.

" Ate Angel! Let me explain yung Brother-in-law thingy na yan. " ani nya sabay salo nung bola na binato ni Miggy. " Ang Brother-in-law na yan ay pagiging Kapatid na hindi kadugo dahil asawa toh ng kapatid ko. Basta ayoko na magexplain nakakashunga lang! " sabay bato ng bola.

Di ko na lang sya pinansin at nagfocus na sa laro.

---

Ngayon naman kami naman ang nasa gitna ang grupo nila Bianca naman ang babato ng bola para matanggal kami.

" REENA! " ani ni Drake sabay turo kay Zach para sya yung unang target kaso pagkabato ni Reena , nakaiwas agad si Zach. Putek ang gagaling maglaro ng magpipinsan na toh. Akala mo mga batang kalye eh. Siguro ganito rin si Jash. Kaya sobrang saya nya kapag kasama ang mga pinsan nya eh. Marami rin sila alam na mga laro kagaya ng patintero at tumbang preso at marami pang iba. Masaya sila kalaro dahil minsan may biro at minsan seryosong seryoso sila. At kahit mga teenager na tong mga toh nagfefeeling bata parin. Diba? Cousin Goals!

---

Pagkatapos namin maglaro ng dodge ball, saktong sakto dumating na ang mga parents ni Jash kasama si Bryan.

" Yow! Bryan kamusta ka? " ani ko sa kanya.

" Yun okay naman. Ichechemo na si Jash eh. Mamayang gabi pa kami babalik para i check sya. " explain nya.

" Sure ka na okay ka lang Bry? Mukhang ang lungkot mo... " umupo sya sa may balcony ng bahay nila Jash at yumuko saglit.

" Wala lang okay lang talaga ako... pero nung nakita ko sya nagmamakaawa sa mama nya para itigil ang paginject ng treatment sa kanya. naawa ako sobra.. " ani nya. " Atsaka iba na rin itsura nya Angel, ibang iba, akala mo parang sinasakal ka pagnakita mo sya. Sobrang putla nya sobrang payat at sobrang luha ang mata... Ganun ba ang side effects ng Chemo Treatment? " dagdag nya pa. Naiimagine ko yung pag describe ni Bryan kay Jash. Parang patay tignan si Jash pero kailangan nya magchemo para gumaling. Gusto pa kasi namin makasama si Jash kahit isang year lang kami magkaklase pero ang friendship namin hindi namin ititigil! Hanggang pagtanda namin kami parin magkakasama. Napaluha ako habang kinakausap ko si Bryan. Si Bianca naman umiiyak dahil hindi nya aakalain na magiging ganun ang sakit ni Jash kasi nung pasukan sobrang saya nya. Feeling mo wala talaga syang sakit nun. Pinakita ni Brya yung picture ni Jash habang dinadala sa surgery room para operahan kasi ininject na sya ng gamot pangchemo kaso tumigas lang ang bukol nitoh at hindi lumiit, kaya ooperahan si Jash para matanggal yun. Sobrang naawa na kami kay Jash.

I'm Urs! Ur Mine ( UNDER EDITING )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora