Chapter 1

69.3K 1.2K 19
                                    

Chapter 1

"Bro, malaki nga yang problema mo. Abnoy ka rin kasi eh. Ilang beses na kitang sinabihan na huwag mo nang isyota yang si Paloma dahil may something ang babaeng yon. Yan, ngayon, ano na, nabaliw na sayo. Di mo na matakasan ngayon. Tsk tsk tsk," si Cedric matalik, na kaibigan ni Adam.

Maraming kaibigan si Adam, pero si Cedric lang ang maituturing nyang "tunay na kaibigan sa lahat," kumbaga eh ang kanyang best buddy, BFF at utol. Mga bata pa lamang ay silang dalawa na ang magka-ututang dila nito. Palibhasa ay sabay lumaki dahil dati silang magkapitbahay, kaya ito na ang naging palagi nyang kasa-kasama. Mula elementarya hanggang high school ay perehas din ang paaralan na kanilang pinasukan. Nagkalayo lamang sila nang lumipat ito ng bahay dahil doon na nanirahan sa tiyahin na nag-paaral dito ng kolehiyo. Sya naman ay sa ibang bansa na nagpatuloy ng pag-aaral. Ngunit di naman naputol ang kanilang komunikasyon at tila mas dumalas pa ata ang pag-uusap nilang dalawa sa telepono. Nang makatapos ay bumalik rin sya ng Pilipinas upang dito na lamang ipagpatuloy ang buhay. Karamihan din naman kasi sa kanyang mga kamag-anak ay naririto.

Ngayon nga ay ito ang kanyang tinakbuhan sa kanyang problema. Ito kasing "Paloma" ay di nya naman akalaing mas matindi pa pala sa linta kung makakapit. Hindi nya masasabing nobya ang babae, ngunit nag-assume na lamang ito nang minsang may mangyari sa kanila na naulit pa nang naulit. Pero sawa na sya. May ugali kasi itong si Paloma, pakialamera at sobrang selosa. Ang pinakaiinis nya sa lahat ay ang pagiging nagger nito. Ngayon nga ay kung anu-anong banta ang pinagsasasabi nito sa kanya, kesyo mag-papakamatay daw ito kapag hiniwalayan nya.

Kung tutuusin ay wala namang maipipintas kay Paloma. "Pantasya ng bayan" kung ito ay tawagin sa kanilang lugar. Maganda kasi ang tindig nito at nagtataglay din ng makinis na balat. Paborito nyang parte ng katawan nito ay ang legs at dibdib. Dahil sa naisip ay di nya maiwasang mapangisi.

"Pota yang ngisi na yan, alam ko na tumatakbo sa isip mo kapag ganyan ang mukha mo eh. Yan ang bunga ng pagkamanyak mo," si Cedric ulit habang nagsasalin ng alak sa baso nya. Kilalang-kilala na sya nito. Hindi lang iilang babae ang nasaksihan na nitong dumaan sa kanyang buhay at bahay. Haha.

"Ano tol, matutulungan mo ba ko? Eh kung ipabaranggay ko kaya o mag-file ako ng TRO?" suhestyon nya.

"Bakit kasi di mo na lang pakasalan, tutal natirada mo naman na," ngingisi-ngising sabi ni Cedric.

No way! Hindi sya makakapayag na matali sa ganoong klase ng babae. Sanay syang sya ang tumatali sa mga babae... sa kama.

"Ulogs! Wala pa sa isip ko ang mag-asawa noh. Mag-eenjoy muna ko."

"Ang tanda mo na pre, trentay dos ka na, wala ka na sa kalendaryo, feeling bagets ka pa rin."

"Tol, baka naman may kilala kang pwedeng magpanggap na GF ko o kaya asawa. Babayaran ko na lang. Sige na. Desperado na ko eh. Basta dapat yung di magkakagusto sakin, tsaka may alam sa martial arts para pag sinugod kami ni Paloma, makakarate nya."

"Magbabayad ka naman pala, eh di kumuha ka ng sundalong babae. Gahaha. Yun, ewan ko na lang pag di pa bumahag ang buntot ni Paloma dun."

"Seryoso ako, tol." Itinukod pa nya ang siko sa magkabilang tuhod at umakto na sobrang problemado.

"Seryoso ka na nyan, pero sa mga babae di mo magawang magseryoso. Tignan ko kung may kakilala akong meron ang mga hinahanap mong qualities. Pero syempre, kailangan ko ng pangpadulas," sabi pa ni Cedric habang pinagkikiskis ang mga palad.

Sya namang tunog ng telepono nito. Hindi na rin ito nag-abala pang tumayo at doon na mismo kinausap ang nasa kabilang linya.

"Hello. Oh, George, napatawag ka. Mabuti naman. Kung di ka pa nasuspende wala ka pang balak umuwi ah. Miss na miss ka na ni tita. Laging nagmumukmok sa kwarto." Sandali itong huminto. "Geh, sa lunes. Oo. Oo. Mabuti yon nang malinis ko muna ang kwarto mo. Oo nga. Kulit. Geh, bye."

"Sino yon?" wala sa loob nyang tanong, sabay tungga ng alak.

"Si George, anak ni tita." Ang tinutukoy nitong tiyahin ay ang kumupkop dito at nagpaaral sa kolehiyo. "Nasuspende sa trabaho, kaya uuwi na raw muna dito."

"Ano raw bang trabaho nun?"

"Pulis."

Nagkandaubo naman si Adam nang masamid sa iniinom na beer. "Haha! Bakit, nangotong?"

"Hindi. Initlugan yung kabaro nya." Napasipol pa sya sa sagot ng kaibigan.

Sa pagtataka ni Adam ay bigla na lamang syang tinitigan ng matagal ni Cedric. Medyo kinilabutan pa sya dahil base sa tingin nito ay parang kakainin sya ng buhay. Lalo pa syang kinilabutan nang ngumisi ito ng parang demonyo.

"Tado ka ah. Anong mukha yan ha? Nababakla ka na ba ha?" pasimple syang lumipat ng kabilang upuan.

"Gago. Si George ang sagot sa mabigat mong problema."

Baliw ata 'tong si Cedric eh, ginawa pa kong bakla. Pinsan nyang pulis! Baka mas macho pa sakin yon. Initlugan nga yong kabaro nya eh. Malamang iitlugan din ako non.

"Lasing ka na ata, bro! Ipapares mo ko sa kapwa ko lalaki! Baka bayagan din ako non."

Napahalakhak naman nang malakas si Cedric sa sinabi nya.

"Georgina! Pare, babae yung pinsan kong yon. May pagka-maton nga lang yon, pero magkakasundo kayo non. Wag kang mag-alala, itatawag ko sa kanya yang problema mo at baka sakaling mapapayag natin. Yon, sigurado ka don na di magkakagusto sayo yon. Tibo ata yong lintik na batang yon eh!" napapailing pang litanya ni Cedric.

"Ganon? Ano ba hitsura ng pinsan mo?" Bigla syang naging interesado sa George na yon.

"Ikaw na lang ang humusga. Noong huling alis kasi non dito, two-by-three pa gupit non eh. Saka ubod ng itim katre-training. Ikaw, kung magugustuhan mo."

Parang gusto nyang sabihin sa kaibigan na di bale na lang. Marami na syang kinuntsaba na mga ex nya. Kung hindi sampal at tadyak ang natatamo nya, eh may mga sumasang-ayon din naman. Ang kaso, walang makapantay sa mga sumang-ayon na yon sa kagandahan at tindig ni Paloma. Ang ending tuloy, kapag nakita sya ni Paloma na may kasamang ibang babae ay aawayin sya, kakaladkarin sa kanila at boom, nauuwi sa mainit na tagpo ang pagbabangayan nila.

"Basta tol, isa lang masasabi ko. Huwag mong paiiyakin ang pinsan ko, dahil ako ang makakalaban mo!"


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ARRESTED LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon