Chapter 3

41.8K 948 43
                                    


"May tissue ka, tol? Tangna! Di maampat yong dugo sa ilong ko, eh." Kasalanan ba nyang mangudngod sya sa melon ni George? Kung anong lambot ng dibdib nito ay siya namang tigas ng kamao. Sapak sa ilong ang inabot nya sa babae nang maramdaman nito na mas inginudngod nya pang lalo ang mukha nya sa dibdib nito, with matching salat-salat gamit ang ilong. At hindi sya maaring magkamali, tumugon ang mga korona sa tuktok ng melon. Nakiliti sa ginawa nyang pagsinghot? Maybe? Bahagya nya na lamang nakita ang pagbakat ng utong nito sa blusa dahil agad na tinakpan ng bag.

"Masakit pa ba?" si Georgina na hindi naman kababakasan ng pag-aalala ang mukha.

Kasalukuyan silang nasa mall ngayon. Iyon na kasi ang nakita nilang pinakamalapit na pwedeng makainan. Pinili nila ang kumain sa walang masyadong tao, kaya nauwi sila sa... ~take me to Tokyo Tokyo ohhh~. Mag-isa sya sa upuan, habang ang magpinsan naman ang magkatabi. Gusto na nyang sapakin si Cedric dahil hindi na naka-move on. Hanggang ngayon ay yumuyugyog pa rin ang balikat sa katatawa. Lahat nang napapadaan ay napapatingin sa kanya, hindi dahil sa kagwapuhan nya, kung hindi dahil sa dalawang tissue na nakapasak sa magkabilang butas ng ilong nya. Barong at ataul na lamang ang kulang at mapagkakamalan na syang bangkay na umahon sa hukay. Bumaling ang paningin nya kay George. Ang focus sana na pagtingin nya sa mukha nito ay nabaling sa blouse nitong natanggal ang pagkakabutones, dahilan upang kumaway sa kanya ang pisngi ng dibdib nito. Tila nanghihimok ng kahit isang haplos lang. Mukha namang hindi aware si George dahil doon lamang ito nakatingin sa iniinom na iced tea.

Sasabihin ko ba... o pagsasawaan ko munang tignan? Pervert!

"Ah... aherm! Geo-" hindi na nya natapos ang sasabihin. Sayang, sasabihin na sana nyang bukas ang damit nito. Pero mukhang sign na yon na pagsawaan daw muna nyang titigan.

"Pasensya na, nabigla lang ako kanina," hinging paumanhin nito na ikinagulat nya. Tumayo naman na si Cedric upang umorder ng kakainin nila. Ngayon ay sila na lamang dalawa ni George ang nasa mesa.

Gusto na lamang ni George na lamunin na ng lupa mula pa kanina sa sasakyan. Hiyang-hiya sya kay Adam, hindi dahil sa sinapak nya ito, kundi dahil 101% syang sure na nakita nito ang tugon ng kanyang katawan sa nangyari. Bwiset na utong 'to, talandi! Ngayon naman ay hindi sya makatingin nang diretso sa lalaki. Ang bawat tingin nito sa kanya ay parang humihigop sa kanyang sistema. Tingin na parang kahit anong sandali ay bigla na lamang syang ibabalya sa kama at tsaka aangkinin nang bigay todo! Ganern!

Isang sulyap, tungo. Sulyap ulit, sabay tungo. "Shit. Tinititigan nya talaga ko," sambit nya sa sarili. Parang gusto nyang pasimpleng hagurin ang buhok gamit ang kanyang daliri. Hindi nya ini-expect na diyos pala ng mga Griyego itong si Adam. Sa suot nitong fitted shirt at cargo shorts, hindi mapagkakailang yayamanin ang hudas. Taob naman sya sa kutis nito. Ang pinapangarap nyang kaputian eh ito yata halos ang nakasalo lahat nang magpaulan si Belo ng glutathione. Balbon ang braso, malamang balbon din ang dibdib. Whooo! Erase. Erase. Ano bang ginagawa sa kanya ng lalaking ito? Isang sulyap na lang mahabaging puno ng kamatsile. Dahan-dahan at muli nyang sinulyapan ang binata. Sakto, may nilingunan si Adam. Ang panga, pamatay... ang ilong, perfect ang hulma... ang kilay at pilik mata, parehas malago... at ang mga labi... mga labing... nakangisi? Bakit kaya? Sinundan nya ang tinutumbok ng mata ng binata. Agad syang tumungo. Ayon oh, nakikita pala ang di dapat magpakita!

"Ganyan ka ba talaga?" sinimplihan nya ang pag-butones ng kanyang blusa na hindi nya alam kung gaano katagal nang nag-eeskandalo.

"Na ano?" kunot noong tanong ni Adam.

Bakit pati pagkunot ng noo, bagay sa kanya? Hustisya naman oh!

"Manyak, manyakis?"

"What? Anong ginawa ko?" Maang-maangan pa more.

"Imbes na sabihin mo na bukas ang butones ng damit ko, eh pinakatitigan mo lang. Wag kang mag-alala ganon din ang hitsura nyan, gaya ng ibang mga nakita mo na."

"Feeling ko hindi. Sa pakiramdam ko mas maganda ang nagtatago dyan sa damit na yan kesa sa mga nakita ko na."

Hanuraw?

"Ewan ko sayo! Kailan ako mag-uumpisa sayo?" tumitig sya sa mukha ng lalaki at pinag-igi ang ekspresyong bagot, kahit ang totoo ay nagkakagulo na ang kanyang mga arteries, capillaries, ovaries, lahat na ng may "ries" sa kanyang buong katawan. Gusto nyang iuntog ang sariling ulo sa mesa na nasa kanyang harapan. Isa ito sa ikinaiinis nya sa kanyang sarili. Kahinaan nya kasi talaga ang mga lalaking may mapupungay na mga mata. Ang mga mata pa naman ni Adam ay mahihiya ang mga muta na manirahan.

Noong high school sya ay lihim syang nagkagusto sa kanyang gurong lalaki. Nasa mid-twenties ang kanyang guro, samantalang sya naman ay fourth year high school. Ang kanyang guro noon ay nabiyayaan ng mapupungay at parang parating nang-aakit na mga mata. Ngunit matinding pasakit at sugat sa puso ang sinapit nya sa guro nang malaman nitong may lihim syang pagtingin rito. Tinawanan lang sya nito at pahapyaw na nilait dala na rin ng hitsura nya noon. Ang chaka daw kasi nya, payat na matangkad sabay maiitim. Yon pala, ang gago, lalaki rin ang gusto! At ito ngang huli, sa kabaro nya naman na traffic enforcer sya na-fall. Lintik naman kasi ang isang yon, ang tindi magpakilig. Ultimo bagang nya ay nanginginig sa kilig. Again, na-attract kasi sya sa mata nitong mapupungay dala ng pagiging half bumbay nito. Hulog na hulog na sya nang malaman nyang may asawa pala ang lintik na bumbay na yon. Ngali-ngali nyang batuhin ng DVD at hampasin ng payong, ibalot sa kumot, tsaka itapon sa ilog! Kaya naman hindi na rin sya umalma nang suspendihin sya. Ang mahalaga na lang sa kanya nang mga oras na yon ay ang maitlugan ang gunggung. Makaganti man lang ba. Ang dating mapungay nitong mata ay nagkandaduling sa sakit.

Malayo-layo na ata ang nilakbay ng kanyang pag-iisip dahil namalayan na lamang nyang halos yakap na pala sya ni Adam... Adam? Teka paano 'to nakalipat sa tabi nya nang di nya namamalayan? Kinibot-kibot nya ang kanyang balikat.

"Ano ba?! Papaanong napadpad ka dyan sa tabi ko? Umalis ka nga! Di pa naman umpisa ng trabaho ko sayo ah." Ang hudas pahalik-halik pa sa puno ng kanyang tenga.

"Umpisa na. Nasa likod si Paloma."

Sa gulat nya ay hinawi pa nito ang kanyang buhok at hinalikan sya...

... sa noo. Sa noo? Ano ko lola?!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ARRESTED LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon