Chapter 5

38.4K 939 15
                                    

Do's and Don'ts

Do's:

1. Maging malambing kapag nasa paligid si Paloma.


2. Wag papalag kapag hinalikan.

3. Parating yumakap sa akin.

4. Magsuot palagi ng mga sexing damit/make-up.

5. Palaging maging mabango.

Don'ts:


6. Bawal sumimangot. Palagi akong ngitian at titigan.


7. Wag na wag ako iiwan kapag nasa paligid si Paloma.


8. Huwag akong hahawakan sa kahit anong parte ng katawan ko nang wala akong permiso.


9. Bawal pumunta sa bahay ko hangga't di ko sinasabi.


10. Bawal ma-inlove sa akin.

Kung may mga katanungan ka pa at gustong idagdag, tawagan mo lang ako sa numerong ito. 09xxxxxxxxx.

"Gago p*ta! Ang hangin ng lintik na 'to ah! Sakalin kaya kita nang sampung beses! Hmpf." Halos magkandaduling si Georgina sa inis. Nagkandapunit naman ang papel na listahan ng mga dapat at di nya dapat gawin kapag kasama si Adam. Pagkauwi sa bahay kanina ay iyon agad ang tinuunan nya ng pansin. Pero bago yon eh nagkaroon muna sila ng kanyang ina ng isang napakadramang pagtatagpo. Pang-telenovela ang iyak ni mader kanina, at sya naman ay iyak-iyak na lang ang drama... matapos lang ba. Ang OA din kasi ng mama nya. Para namang di sya umuuwi tuwing rest day nya. Feeling OFW tuloy sila kanina. Itatapon na sana nya ang papel sa basurahan at handang tawagan ang lintik na lalaki nang biglang may umilaw na bumbilya sa kanyang bumbunan. "Aha! Tama. Nang-iisa ka huh, iisahan din kita. Hohoho!" Muli nyang binalikan ang mga nakasulat, inekisan ang mga kinainisan at nilagyan ng karampatang halaga. Tsaka nya dinial ang numero ni Adam. Nagkadangawit sya sa paghihintay na may sumagot. Nang may sumagot naman eh tila galing sa pagtakbo ang lalaki dahil bakas sa boses nito ang hingal na hingal.

"He... he-hello. Aherm. Hello?"

"Si George 'to." Napatingin pa sya sa telepono kung tama ba ang naidial nyang numero. Nakakarinig din kasi sya ng babae sa paligid na tila ba kinikiliti. Nang mapagtanto ang nangyayari ay naipikit nya nang mariin ang kanyang mga mata. Ang tinamaan ng lintik, may kachukchakan! "Ah. Tawag na lang siguro ako next time. Bye!" sabay patay ng telepono. Ngunit isisilid na sana nya ang phone nang ito naman ang tumawag sa kanya.

"Bakit ka napatawag, Honey Pie?"

"Honey Pie? Bigwas sa panga, gusto mo?"

"Hahaha! Practice lang yon! So bakit ka nga napatawag?"

Kahit boses ay may kayabangan pa rin!

"Hindi ako sang-ayon sa ibang mga nakalista," kalmado nyang saad.

"Okay. Alin-alin don? Wag mong sabihin na yong "bawal ma-in love sakin" ang di mo sinasang-ayunan huh. Hahaha."

"Woohhh. Angas! Sarap manapak! Mangarap ka ng dilat men. Di kita papatulan! Yong number two ng do's, di ako sang-ayon don."

"Huh, paano makukumbinsi yon kung di tayo maghahalikan?"

"Okay. Pero sa pisngi lang. Sa ibang parte, may additional na bayad. Dagdag na 5,000 kapag sa lips."

"Haha! Okay. Pero unli yon huh? Tapos ang usapan!"

"Once a month lang pwedeng mangyari yon!" tutol nya.

"No! Every time na nandyan si Paloma! Di ka na lugi don. Bukod sa di ako bad breath, malaki pa dagdag sa kita mo. 5,000, saan ka pupulot non? Isa pa, di naman mauubos yang lips mo."

"Pag-iisipan ko. Yong bawal pumunta sa bahay mo. Asa ka naman na papayag akong magpadala dyan sa inyo!"

"Kasama yon. Paano kung biglang pumunta rito si Paloma. Ang kulit pa naman non. Kailangan mong pumunta rito."

"Yong parating yumakap, gagawin ko lang kapag sinabi mo ha. Kasi sabi mo sa number eight, bawal kang hawakan nang walang permiso."

"Okay. Pero kapag sinabi kong hawakan mo ko sa parteng sasabihin ko, kailangan mong gawin."

"Okay. Pero maliban sa maselan na parte huh."

"Sure ka, ayaw mong hawakan?" nahihimigan nya ng pagngisi ang lalaki sa kabilang linya. Manyak talaga! Banas!

"Asa! Cash mo ko bayaran huh, kinsenas katapusan. Okey. Bye!"

"Wait lang! Yong number ten, yon ang pinaka-importante sa lahat ha. Bawal ka magkagusto sakin."

"Wahahaha! Patawa ka! May iba nang laman ang puso ko men." Pero wala naman talaga. Sabay off nya ng telepono. Tila nalungkot sya sa ideya na bawal ma-in love kay Adam. Ipinagkibit balikat nya na lamang. Eh di bawal! Akala mo naman kung sinong gwapo... eh gwapo naman talaga.

<<<<<>>>>>

Hapon na nang maka-receive si Georgina na kailangan nilang magkita ni Adam dahil magba-bar daw ito at siguradong nandoon si Paloma. Sumunod na lamang daw sya sa bar nang alas-otso ng gabi. Ang lintik na yon, di man lang nag-offer na sunduin sya eh may sasakyan naman. Napapaisip tuloy sya kung bakit pumayag sya sa ganoong trabaho, kung trabaho nga bang matatawag yon. Bali-baligtarin man ang mundo ay panloloko ang tawag doon, dahil niloloko nila si Paloma na wala namang ibang ginawa kundi mahalin lang si Adam, si Adam na malamang ay hindi si Paloma ang kasama noong mga panahon na tumawag sya na tila may kaulayaw na babae. Dapat ba nya talagang tulungan ang isang yon? Para kasing may mali... o mali naman talaga.

Dala ng matinding konsensya ay napag-isip-isip nya na huminto na sa kanyang ginagawa. Babae rin sya. At kung sa kanya man gawin iyon ay labis din syang masasaktan. Last na 'to. Pupunta sya bar at personal na sasabihin kay Adam na gusto na nyang tumigil at maghanap na lamang ng ibang gagawing kakuntsaba. Mahirap na, digital na ang karma. Baka masampulan pa sya.

Mag-aalas-osto pa lang ay handa na sya. Inilabas pa nya sa baul ang mga natatago nyang miniskirt at tank top na matagal nang binili ng kanyang ina ngunit ngayon pa lamang nya gagamitin. Bahagya lang din ang inilagay nyang make-up sa mukha, dahil ang totoo ay di naman sya marunong magmake-up. Mahirap nang mapasobra, baka magmukha pa syang multo o kaya eh hostes kapag napakapal. Bahagya ring naka-wavy ang mahaba nyang buhok. Itinakas nya lamang naman ang rollers ng kanyang ina na kapag natunugan na wala sa kabinet nito ay siguradong giyera sa buong bahay. Ang pabebe nyang nanay, di makalabas nang di kulot ang buhok. Hello. Uso na po ang curling iron! Wapak na wapak na sya ayon sa huling sulyap nya sa salamin.

Eksaktong 8:15, nasa tapat na sya ng bar na sinasabi ni Adam. Eksaktong 8:15 din nang maranasan nya ang kanyang unang halik, dahil hayon ang lintik na lalaki, kumakagat, sumisipsip, ginagalugad ang kabuuan ng kanyang kawawang bibig. Lipstick kong pink, kumusta ka naman?!!!

<<<<<>>>>>

Liked the story? Please don't forget to Follow Me, Comment and Vote :)

ARRESTED LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon