Chapter 08

10.9K 132 11
                                    

**************************************************************

Grey ended up dropping me off sa apartment ko kagabi. Hanggang ngayon eh hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng mga nangyari kagabi sa studio... Ang damit ni Grey... Ang stiff neck ko... Si Mia...

As I sip my Mocha Frap na Starbucks (Bonggabells sa kasosyalan), I reminisce everything na nangyari kagabi.

I also remember the words that Grey told me last night.

"No, I'm dead serious. YOU ARE BEAUTIFUL, Charmaine."

Kyaaaah!

Dahil sa mga words niyang yun, hindi tuloy ako nakatulog kagabi! Pero bukod sa sinabi niyang iyon, naguguluhan pa rin ako dun sa huling sainabi niya sa'ken kagabi bago siya umalis.

"Ow, don't worry, ipapahatid ko na to bukas na bukas din. Saka I better get ready kase I'm sure na hindi na maganda ang mangyayari bukas with her around."

Okay, I have a feeling na si Mia ang tinutukoy niya sa "HER" sa sentence niya. Kaso ang hindi ko ma gets eh kung anong ibig niyang sabihin sa "hindi magandang pangyayari" na part. Is Mia going to transform into a dragon? Mage-end of the world ba? Parang pati tuloy ako ako eh kinakabahan na!

Pero bakit naman ako kinakabahan? Maybe I should just call Grey. I let go of my starbucks and immediately grabbed my phone from my bag. Agad kong hinanap ang name ni Grey sa contacts list and press dial.

RING RING

Walang sumasagot... nagri-ring lang. I press dial again.

RING RING

Shete, wala pa rin! Naku! What if may nangyari nang masama kay Grey? What if pinadukot siya ni Mia? Tapos pina-salvage? Tapos pinugutan? Tapos pinatapon sa ilog Pasig? Tapos after a few weeks saka pa makikita ang bangkay? Tapos a-attend ako sa burol niya? Tapos mumultuhin niya ako kase hindi ako nagpagpag? Tapos ba't ang OA ng imagination ko?

"Baka tulog pa yun!" I tell myself.

Baka nga tulog pa siya. I mean, mejo late na rin naman kaming nakauwi kagabi kase nagpalipas oras pa kami sa roadside hill kagabi.

"Tama, baka yun nga." I tell myself again.

I continue to sip my Starbucks ng biglang dumating sa desk ko si sir Holden.

"Sanders!" sigaw niya.

"Hoy Sanders! Ay este sir! Ano yun?" nagulat ako.

Mukhang nagtatakbo si sir Holden ah! May hawak hawak siyang tabloid. Parang hinihingal siya... I wonder why.

"Basahin mo itong nasa tabloid! Heto oh!" sabi niya sabay abot.

Tiningnan ko ang laman ng tabloid. Teka, litrato 'yan ni Grey ah! Binasa ko ang headline:

"Racer Grey Philipps Shouted at Actress GF Mia Rodriguez"

"Wha?!? Hindi naman ito totoo ah!" sabi ko.

"Kaya nga. Basahin mo 'yang statement ni Mia." Sabi ni sir sabay turo ng isang paragraph.

"Bumisita lang ako kagabi sa photo shoot niya para mangumusta but he was with his non-showbiz third party na inaway ako.

Hindi ako lumaban pero bigla na lang akong sinigawan ni Grey."

What the—?!? Puro naman kasinungalingan iyang pinagsasabi ni Mia! Gumagawa lang siya ng mga fake na kwento!

Oo, sumigaw nga si Grey kagabi, pero hindi dahil nag-away ako-err, I'm sure na ako ang tinutukoy na third party sa statement niya.

"So si Mia pala talaga ang nagpapakalat ng maling information! Grey is right after all!" sabi ko kay sir.

15 Shades of GreyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora