Chapter 4

6.5K 215 94
                                    


FROM: margaux.montenegro@gy.com
TO: alejandro.montenegro@montcorp.com
SUBJECT: NASAAN KA?

Papa,

Kumustaka? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Maayos na 'yong lalaking pinadala mo rito sa bahay, pero hindi pa gumigising. Nagdeliryo siya kagabi. Kung ano-anong sinasabi, pero wala naman akong naintindihan. Inaasikaso naman siya ni Doktora Lazaro araw - araw, kaso hindi siya naihatid ng mga tauhan mo kagabi. Umapaw kasi 'yong ilog dahil sa lakas ng ulan kaya lumubog 'yong tulay. Bumaba rin naman 'yong lagnat niya pasado alas-tres ng madaling araw, pagkatapos ko siyang bigyan ng sponge bath-
.
.
.

MARGAUX'S FINGERS FROZE from typing. Sandali siyang natulala sa dalawang huling salitang kaniyang tinipa. Nang makabawi ay sunod-sunod niyang pinindot ang backspace ng kaniyang laptop bago muling nag-type ng:

... bigyan ng spongebath ni Alberta.

Pagkatapos ay palihim na sinipat niya ang matandang babaeng nagtitimpla ng kape sa kitchen counter. Ilang ulit muna siyang umiling bago pinagpatuloy ang pagta-type.

'Damn it. I shouldn't have done that. Dapat inutusan ko na lang si Nana Berta. I should have not touched him!' Balisang sinara ni Margaux ang kaniyang laptop nang mapagtantong nakalimutan na niya ang binabalita niya sa kaniyang ama.

Iritable na siya nang abutin ang tasa ng kape sa lamesa. Alam niyang mainit iyon pero tinungga niya pa rin. Napaso siya sa ginawa niya, pero feeling niya, deserve niya 'yon. Mali naman kasi talaga ang ginawa niya sa kanilang bisita.

Her sin happened at around one in the morning. She was just passing by the guest rooms when she heard him groaning in pain. Tuloy ay naisipan niyang pumasok sa loob ng kuwarto nito para silipin ito.

'Don't go there,' Margaux reminded herself before taking another sip of coffee. It was hard to forget how soft his hair was against her fingers when she checked his temperature. Wala itong kamalay-malay nang mataranta siya at hatakin ang kumot nito para sana maginhawahan ito. Malay niya ba namang wala pala itong suot na kahit-ano sa ilalim ng comforter? Nakita niya tuloy ang tinatagong 'armas' nito.

'Utang na loob naman—'

"Margaux, may sakit ka ba?"

Boses ni Alberta ang pumutol sa kaniyang iniisip. Nang mag-angat siya ng tingin ay kasalo na niya ito sa mesa habang gumagawa ito ng sandwich. "Bakit namumula ka?"

"Wala po." She choked on her own words. Paano niya ba naman kasi aaminin dito na habang kumakain sila ay may ibang bagay na kinakain ang malikot na isip niya?

'That was big.'

"Margaux?"

'I haven't seen anyone else's, but...'

"Nakikinig ka ba?"

'Shocks! Halos katulad na 'yon ng mga artista sa porn videos na pinanood sa akin ni Jenny! He is impressively endowed...'

"Ay diyaskeng bata 'to! Hoy!"

Napaigtad si Margaux nang sumigaw si Alberta. Kanina pa ba siya kinakausap nito? Shit. She couldn't even tell. "M-may sinasabi ka ba?"

"Sabi ko tumawag ang Don."

"Si Papa?" Kumunot ang kaniyang noo.

"Oo, kakasabi ko lang, 'di ba?" Nalukot lalo ang mukha ni Alberta. "Nagtanong lang ang papa mo kung kumusta na 'yong pasyente natin. Ang sabi ko, nasalinan na ulit ng dugo, pero hindi pa gumigising—"

Dangerous Temptation - PublishedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora