Chapter 10

3.8K 156 50
                                    

GABI NA NANG MAKALABAS SI MARGAUX mula sa villa at makaakyat sa burol. It was a bad morning followed by an even worse day. Tinaob na niya lahat ng puwede niyang pagtaguan ng gamit, pero hindi man lang niya nakita ang kaniyang phone.

Okay lang sana 'yon, eh. Puwede naman niyang utusan ang mga katulong nila na ibili siya ng bago. Kaso nga lang ay may hinihintay siyang tawag. Paano kung mahipan ng masamang hangin ang kaniyang ama at biglang matutong mag-dial?

'Ano ba namang kamalasan ito?' Margaux rolled her eyes before dropping her bag on the ground. Malamig naman sa kinaroroonan niya, pero ang ulo niya mainit pa rin.

Ilang buntong-hininga ang kaniyang ginawa. Pamayamaya pa ay padabog niyang hinugot ang kaniyang ipod, portable speaker, at isang bote ng Carlo Rossi mula sa kaniyang backpack. She arranged all of them on top of the wooden table there. Pagkatapos ay dagli niyang sinuyod ng tingin ang paligid. Mga puno at ang kaniyang abandonadong treehouse lang ang nakita niya.

Wala naman sigurong mabubulahaw na engkanto rito kung magbe-vent out siya ng inis, 'di ba? More so, wala naman sigurong ubod ng guwapong lalaking bigla na lang susulpot doon at makikipaglamasan ng boobs sa kaniya.

'Gosh! move on!' Gigil na binuksan niya ang bote ng alak at tinungga. Umangat din ang isa pang kamay niya para pisil-pisilin ang magkabila niyang dibdib. Medyo masakit pa. It was like her breasts could still remember how the brute played with them.

Binaba niya ang iniinom at galit na pinagpipindot ang mga buton ng speaker. Some seconds more, and her mother's favorite music filled the place.

She walked on her tiptoes and arched both of her arms delicately. Her slender body took the perfect posture of her mother: stomach in, chest out, one leg forward, and chin up. She then hardened her face the same way her mother would. Pagkatapos niyon ay mabibilis ang mga pagkilos na sinabayan niya ang musikang bumabasag sa katahimikan ng buong lugar.

It was a sonata composed by her father. His first and last composition na sa pagkakaalala niya ay sinulat nito ilang taon matapos itong ikasal sa kaniyang mama.

It was an angst ridden rhythm: mabilis, masalimuot, at magulo. Its beat was a total irony of its very sweet title—Sa Aking Pinakamamahal. O gaya ng mismong pagkakasulat nito sa lumang notebook nito—'Alla mia Amata'.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang musikang sinulat ng kaniyang ama para sa kaniyang Mama Alicia. Halos wasakin nito ang piano, na tila galit na galit ito habang tumitipa. It was 'Alla mia Amata', right? Not war music. Hindi dapat ganito kasalimuot ang mga nota nito. Every note of that sonata was livid. It wasn't even close to a love song at all.

Pati ang pagsasayaw sa saliw nito ay hindi maihahantulad sa pagmamahal. Mahirap sabayan ang gaslaw at bilis ng tunog nito. But then, that was what dancers were supposed to do, and Margaux was able to follow the beat. She was graceful and stunning with every turn and stomp.

Nasa gitna siya nang mabilis na pagsasayaw nang bigla siyang mapahinto. Her gaze caught a tree nearby and she suddenly felt weird. Shoot! Bakit parang may nanonood sa kaniya mula sa likod niyon?

'Stop scaring yourself.' Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Wala naman siyang stalker, at sa pagkakaalam niya ay wala rin silang mga tauhan na nagagawi sa lugar na 'yon. The hill she was on was a bit secluded. Mas maraming magagandang parte ang villa para pagpahingahan ng mga tauhan nila.

With that in mind, Margaux decided to end her routine and walk back to her things. Nagmamadali niyang niligpit ang mga gamit niya at sinukbit ang kaniyang backpack. The last thing she grabbed was her bottle of wine. Binitbit niya na lang 'yon, bago siya lumakad palapit sa lumang tree house.

Dangerous Temptation - PublishedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum