Chapter 11

4.1K 182 60
                                    

MARGAUX'S BACK BOUNCED against her bed after she made that free fall. Sandali siyang nakipagtitigan sa kisame bago dismayadong napabuntong-hininga.

'Bakit kaya wala?' naguguluhang tanong niya sa sarili.

Her day was spent surfing all the social media sites she knew. Ganoon pa man ay ni kalahating mukha ni Rome ay wala siyang nakita. Wala sa mga accounts ng business partners nila at mas lalong wala naman sa official business site nila ang identity nito.

'Kung hindi namin siya empleyado, sino siya?' She pursed her lips and rolled to her belly. Tiningnan niya ulit ang kaniyang laptop at sinimulang tumipa. She hit the search button, and got even more frustrated when the web page loaded with hundreds of random faces. Katulad ng mga nauna ay wala pa rin ni isang detalye lumabas tungkol kay Rome. 'This is so pathetic. Ni hindi ko alam ang apelyido niya.'

"Miss Margaux, may bisita po kayo." Boses ng isa sa mga katulong nila ang tuluyang nagpasimangot kay Margaux.

Halos padausdusin niya ang sarili sa kama para lang makababa. Kailangan niya pa bang isigaw sa mga ito na huwag siyang gambalain dahil busy siya? Alam niyang gabi na, pero abala nga siya sa paghahanap ng detalye tungkol sa kanilang bisita, 'di ba?

Naglakad siya papunta sa pintuan at padabog na binuksan 'yon. Napasinghap pa ang katulong nila nang mabungaran ang nakasimangot niyang mukha. Margaux arched her eyebrows while eyeing the maid. Na-gets naman nito ang ibig niyang sabihin at biglang nagyuko.

"G-Greg daw po."

"Greg?"

"O-opo—Ay!"

Hindi pinansin ni Margaux ang pagtili ng katulong nang aksidente niya itong mabangga. Her heart was beating fast, at hindi magpapatalo roon ang bilis ng kaniyang takbo. Abot-abot ang tanong niya sa sarili habang nilalagpasan ang mga sunod-sunod na kuwarto roon.

'Anong ginagawa ni Greg dito? Paano niya nalaman na―'

"Aray!" napaigik siya nang biglang siyang mabunggo ng kung ano at mawalan ng panimbang. Malapit na siya sa grand staircase nang pasalampak na mapaupo siya sa sahig.

Her fall hurt like a bitch. Damang-dama niya ang sakit sa kaniyang pang-upo, pero nang maalala niya si Greg ay nagmamadaling tumayo siya ulit at umakmang tatakbo.

"Cara." Then, there was that familiar voice that stopped her from moving. Napaangat siya ng tingin at agad na nalito nang makilala ang kaniyang kaharap.

"Rome." She blinked her eyes repeatedly. "S-Sandali. Anong ginagawa mo rito?"

The brute didn't reply and just stared at her. Malamlam ang mga mata nito dahil limang araw na rin itong inaapoy ng lagnat. The new doctor sent by her papa advised Rome to stay in bed until next week. Kinailangan kasing tahiin ulit ang sugat nito nang dumugo 'yon. Catching her from that fall took its toll on him. Halatang nanghihina pa ito at pinilit lang ang sariling tumayo.

"Sorry na, okay?" She sighed in remorse. Pagkatapos ay aburidong napakamot siya sa kaniyang pisngi sa kawalan ng masabi. "Sabi ng doktor sa kuwarto ka lang, 'di ba? Anong ginagawa mo sa labas?"

"May basura sa lobby." Binalewala nito ang pagtatanong niya. Umakma si Margaux na lalagpasan ang binata, pero bigla nitong hinaklit ang kaniyang braso at pinigil siya sa pag-alis. "Bakit nagpapunta ka ng basura rito?"

Hindi alam ni Margaux kung ano ang unang nagpatigalgal sa kaniya. Ang sinabi ba nito? O ang napansin niyang pagbabago ng mga mata nito? Pamilyar siya sa terminong, 'nag-aapoy sa galit ang tingin'. However, ito ang unang beses niyang nakakita ng mga matang 'dumilim at nagyelo sa galit'.

Dangerous Temptation - PublishedWhere stories live. Discover now