🌸PROLOGUE🌸

4.8K 77 23
                                    

PROLOGUE

"BITIWAN NINYO 'ko!" Pagpupumiglas ni Goddess sa dalawang kawal na mahigpit siyang hawak-hawak sa kaniyang mga braso. Tiningnan niya rin nang masama ang mga ito.

"Mahal na prinsesa, h'wag na kayo lumaban kundi ay kami ang mananagot sa mahal na hari," sabat ng isang matandang lalaki na nagsisilbing kanang kamay ng kaniyang ama.

"Wala akong pakialam! Bitawan ninyo sabi ako, e. Bakit ba takot na takot kayo sa Papa ko?" tanong ni Goddess.

Hindi na lamang kumibo ang matanda at sumenyas na lamang sa dalawang kawal na may tangan sa dalaga.

Huminto sila sa tapat ng isang malaking pinto na may disenyong mga bulaklak at mga dahon. Kumatok muna ito ng tatlong beses bago maingat na binuksan at naunang pumasok.

Mayamaya pa ay nagsalita ito, "Pumasok na kayo."

Kahit na naiirita sa mga kawal ay nagpatianod na lamang si Goddesa para huwag makaladkad ng mga ito.

"Mahal na hari, narito na po si Prinsesa Goddess," sambit ng lalaking may edad.

Noon lamang napansin ni Goddess na hindi lamang ang kaniyang amang hari ang naroon sa opisina nito. Pati ang ilan sa mga matataas na opisyales ng buong kalupaan ng Mystica ay kasama nito at mukhang nasa gitna sila ng pagpupulong.

"Papa, can you tell to your shits slaves to let go my arms? Konting-konti na lang talaga papatayin ko na ang mga 'to!" bulyaw niya sa kaniyang ama.

Nanatili lang na nakamata sa kanila ang lahat.

Tiningnan niya ang ama ngunit nang ito ay kaniyang matititigan ay tila may kakaiba rito. Ang mga mata nito ay tila kinakausap siya. Mababanaag ang kalungkutan sa mga mata nito na labis pinagtaka niya.

"Bakit gan'yan ang tingin mo, papa? What's wrong?" tanong niya rito.

"Goddess, nakarating sa amin ang ginawa mo'ng pagpaslang na naman sa isang tagasilbi mo," sabat ng kaniyang step-mom na si Martha. Tumaas ang kilay niya at pinilit na magpumiglas ngunit nabigo ang dalaga.

"And so? E, sa tatanga-tanga ang mga ina-aasigned ninyo sa akin!" Sinamaan pa niya ng tingin ang madrasta.

"Pero hindi sapat na dahilan iyon para patayin mo sila, anak," sabi ng kaniyang ama na si Zeus.

Dahan-dahan na naglakad ito pa-ikot upang mapalapit sa kaniya. "Anak, hindi ko alam kung bakit ka nagkaganiyan. Binigay ko naman lahat ng gusto mo at kailangan mo," turan nito sa kaniya. Hindi nakatakas sa pandinig ng lahat ang pagkabasag ng boses nito.

"Enough with your dramas. Bitawan ninyo na lang kasi ako't pakawalan. Just. Let. Me. Go."

Nag-iwas siya ng tingin sa ama. Ayaw niyang pag-usapan ang naging dahilan kung bakit naging brutal at masama siyang prinsesa.

Maayos naman kasi ang lahat. Noong panahon na buhay pa ang kaniyang ina, masaya sila at puno ng pagmamahalan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ito at maging asawa ng papa niya ang matalik na kaibigan nitong si Martha.

Maganda naman ang pakikitungo ng tita Martha niya
— noong una. Ngunit lumabas rin ang pangit na ugali nito nang magsimulang turuan siya ng kaniyang ama kung paano magpatakbo ng buong kaharian ng Mystica.

Ganoon na lang din ang pinagbago ni Goddess sa kaniyang sarili. Nag-umpisa siyang maging sakit sa ulo ng kaniyang ama, naging pala-away at siya pa mismo ang nagsisimula ng mga gulo.

Noong una ay mga ganoon na bagay lang pero lalong lumala nang matuto siyang pumatay. Sa simula ay mga hayop ang pinagdidiskitahan ng dalaga pero nitong mga nakalipas na mga araw ay ang mga tagasunod at tagasilbi na.

"H'wag ka'ng mag-alala. Pakakawalan ka rin nila," turan ng hari na si Zeus sa anak bago siya talikuran.

Hinintay niyang bitawan siya ng mga kawal ngunit lumipas na ang ilang sandali ay hawak pa rin siya ng mga ito.

"Bitawan ninyo na ako! Hindi ako magkakamaling patayin kayong dalawa!"

Tila hindi naman natinag ang mga may hawak sa kaniya ngunit bakas sa mga mata nito ang takot.

"Simulan ninyo na," rinig niyang utos ng ama niya na hindi man lang lumingon sa kaniyang gawi.

Nakatayo na ito sa may bintana kung saan matatanaw ang buong nasasakupan. Ang buong atensyon nito ay nasa labas ng Palasyo.

"A-anong sisimulan? Papa, w-what do you mean?" tanong ni Goddess.

Nagsisimula ng magkarambola ang loob ng kaniyang tiyan. Namumuo na rin ang pawis sa kaniyang noo at ang kabog ng dibdib niya ay palakas na nang palakas.

Napansin ni Goddess na pinalibutan siya ng mga opisyales. Nakasoot ang mga kulay asul na tela n animo mga toga. Lahat ay may hawak na mga libro na hindi pamilyar sa kaniyang mga mata.

Nagsimulang magsalita ang mga ito sa dayalektong hindi niya maitindihan.

Nagtataka siyang lumingon sa sahig na kinatatayuan. Ang dalawang kawal na may hawak sa kanya kanina ay bumitiw na. Ang kulay kayumanggi na sahig ay naging kulay puti na. May liwanag na nanggagaling buhat sa ilalim nito.

"P-papa… anong n-nangyayari?"

Nagsisimula na siyang maghisterikal.

"Bilang isang prinsesa na matigas ang ulo't pasaway, ikaw ay pinaparusahan ng buong Kaharian ng Mystica, sampu ng mga opisyales kasama na ang mahal na hari na iyong ama, ikaw —Prinsesa Goddess ay ipinatatapon sa mundo ng mga mortal.

PUNISHMENT OF GODDESS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon