🌸CHAPTER 10🌸

898 29 0
                                    

Chapter 10

Mystica Land

Napaluhod na lang sa batuhan si Marluxia. Punong-puno ng mga galos at sugat ang kanyang katawan. Mayroon din syang daplis ng pana sa kanyang balikat. Dumudugo ito at halos magkulay papel na sya.

Napangiwi sya nang hawakan nya ang parteng iyon ng katawan nya. Hindi na rin sya makapag-isip ng maayos. Nagpalinga-linga sya sa paligid. Nasa gitna na sya ngayon ng gubat pero alam nya na nasa lupain pa rin sila ng Mystica.

'Damn!' aniya nang makita nya ang dugo sa kanyang mga kamay.

Nag concentrate sya upang magamit ang kapangyarihan ng Evictus. Ngunit, hindi nya magawa. Kinapa nya ang kanyang leeg at tama nga sya. May nakalagay nga sa kanyang kwintas na pangontra upang hindi nya magamit ang paglaho.

'Walanghiya ka talaga,Zeus!' bulong nya. Kahit na nahihirapan sya ay pilit nyang itinayo ang kayang katawan.

'Hindi ako pwedeng bumalik sa Thaumaturgy Land. Paniguradong nandoon na si Zeus, He will be checking me there kung doon ba ako magtatago.' Isang pagkirot ng matindi na naman ang kanyang naramdaman. Mabilis nyang inihakbang ang mga paa na iika-ika.

Mahaba ang daan na kanyang binagtas. Lahat nang kanyang madaanan ay tila natutuyot. Ang mga halaman at bulaklak ay mga natuyot.

Hanggang sa natapat sya sa isang kweba.
Mabilis sya pumasok doon at tinungo ang kanyang pakay. At hindi nga sya nagkakamali. Nandoon si Hugo.

"Hugo," Napalingo sa kanyang ang aninong hugis-tao. Lumapit ito sa gawi nya at hinawakan sya sa braso. "Marluxia? Anong ginagawa mo rito? Mabuti't nakatakas ka," Naupos si Marluxia sa isang sofa. Napapikit sya nang mariin habang mabigat ang kanyang paghinga.

"Oo, pero hindi naging madali ang pagtakas ko. Eto't muntik na akong mapatay.

"Mainam at dito ka nagpunta. Mahiga ka na sa kwarto at gagamutin kita," Tumango lang sya rito at inalalayan sya papunta sa silid.

*-*

"Ang ibig mong sabihin nasa mundo ng mga tao ang anak ni Zeus na si Goddess?" tanong nya kay Hugo. Nalapatan na nito ang kanyang sugat at nagpapahinga na lamang sya.

"Oo, nagtagumpay ang ginawa mo kay Goddess na i-brain washed kaya nagrebelde. Natuto na syang pumatay kaya pinarusahan sya ng kanyang ama." Napatingin sa sa aninong hugis-tao. "Pinarusahan sya ni Zeus? Himala! Mahal na mahal ng Hari ang kanyang taga-pagmana ng trono. Paano nangyari iyon?"

Tumayo si Hugo at lumapit sa salamin na nasa isang gilid ng kwartong iyon. "Oo, at ang pagtapon sa mundo ng mga tao ang kanyang kaparusahan." itinaas nito ang kamay at itinapat sa bagay na nasa harapan nito. Lumabas ang kulay itim na usok at maya maya pa ay may imahe na naman ni Goddess sa salamin. "Hayan ang anak ni Zeus na si Goddess,"

"Isa syang alipin do'n? Wala ba syang kapangyarihan?" takang tanong nya.

Natawa nang mahina ang lalaki, "Hindi lang kapangyarihan ang nawala sa kanya. Maski ang kanyang ala-ala ay binawi ng mga admins ng Mystica." Nang marinig ni Marluxia ang balitang iyon ay nakaramdam sya nang labis-labis na kasiyahan. "Magandang balita iyan Hugo," at isang malakas na tawa ang kumawala sa kanya. "Mas maitutuloy ko na ang paghihiganti na dapat ko nang nagawa sa kanilang mag-ama."

"Tama ka dyan, binabantayan ko nga si Goddess upang h'wag nya magawa ang misyon nya."

"Misyon?" Taka na namang tamong nya.

"Oo. Kapag magawa nyang magbago at mahanap ang lalaking totoong nagmamahal sa kanya ay babalik na ang kanyang ala-ala at muli na syang makalabalik dito sa atin." Napa-isip na lamang si Marluxia.

PUNISHMENT OF GODDESS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon