🌸CHAPTER 25🌸

637 20 0
                                    

Chapter 25

MYSTICA LAND

MARLUXIA's POV

"Ang saya niyang panoorin. Ang tanga lang niya," wika ko habang prenteng nakaupo sa silya at marahan na sumisimsim ng alak sa kopita. "Akalain mong maiisip pa pala ni Vee ang ganitong bagay?" Hindi ako makapaniwala. Aaminin ko. Humahanga ako sa batang iyon.

"Hindi siya sa Vee, Marluxia. Siya si Azalhea." Pagtatama sa akin ni Hugo. Nakatayo siya habang ang atensyon ay nasa malaking salamin. "Tandaan mo ang pagkakaiba nilang dalawa."

Sininghalan ko ko, "Wala akong pakielam. Vee o Azalhea man ang pangalan niya, isa pa rin siyang baliw!" Sinundan ko iyon ng nakakalokong tawa.

Oo. Si Vee at Azalhea ay iisa. Pero may kakaibang sakit ang dalaga. Pabago-bago ang ugali nito. Magkaiba ang katangian ng dalawang namumuhay sa pagkatao niya.

Hindi namin alam kung alam ito mismo ng dalaga at ng pamilya niya pero kami ni Hugo at kaagad itong natuklasan.

"Kahit ako man ay humahanga sa kaniyang ginagawa. Matalino ang batang iyon," ani Hugo bago naglaho. Ilang sandali pa ay nasa aking tabi na ito. "Sana lang ay magtagumpay siya sa kaniyang plano," saka ngimisi.

"Magagawa lang niya 'yon kung walang sasagabal." Kumuha pa akong muli ng alak at nagsalin sa kopita.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Bumalik na raw ang pinsan ni Goddess na si Noreen. Ayon sa pagkukuwento ni Azalhea ay si Noreen ang tumatayong tagapangalaga nito," wika ko habang nakatingin sa salamin. "Alam nating pareho na si Noreen ang pinapadala sa iba't ibang kaharian upang makipag-usap para magkaroon ng pagkakasunduan ang mga ito at ang Mystica."

"A, oo. Alam ko naman ang bagay na 'yan. Kahit nga ang lupain mong Thaumaturgy ay napapayag na nilang maging kaalyansa,"

Naikuyom ko ang aking mga palad. "Dahil wala namang kuwenta si Martha. Inagaw na nga niya sa akin si Zeus, pati ba naman ang nasasakupan ko'y kinuha pq niya." Galit na galit ko siyang tiningnan.

Tumawa ito nang nakakaloko bago nagsalita. "Relax, Marluxia. Pwede mo namang bawiin ang lahat nang nawala sa'yo."

"Alam ko. At hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon." Tumayo ako at lumapit sa isang kabinet kung saan nakatago ang isang mahiwagang libro. Kung nasaan nakasulat ang iba't ibang klase majika at pati na rin ang mga lason na maaaring kumitil ng buhay nila Zeus. "Konting-tiyaga pa, maaaral ko na lahat nang ito."

Napangiti na lang ako nang marinig ang mahinang palakpak ni Hugo.

~*~

CLOVER's POV

KAHAPON pa namin napapansin ang pagbabago sa pagkatao ni Goddess. Ang dating masiyahan at palatawa na babae ay ngayon tila isa ng estranghera sa amin. Malamig pa siya sa yelo. Walang imik at palaging nagsosolo.

Si Chef Evo naman ay naging mailap na rin sa amin. Ang dating boss na dating nakikisalamuha sa aming mga empleyado niya ay kaniya na ngayong sinusungitan. Palagi rin niya kasama ang babaeng pinakilala niyang girlfriend nito.

"Kakain na," sigaw ni Aston. In general ang hiyaw niyang iyon pero bukod tanging si Goddess lang ang hindi tumalima. Nanatili lang siya sa ginagawang pagpupunas. "Hoy," tawag pansin sa akin ni Aston. Tiningnan ko naman siya nang may pagtataka.

"Bakit?"

"Baka gusto mong ayain si Goddess? May sakit iyan hanggang ngayon pero hindi umiinom ng gamot at maski pagkain ay dinededma. Todo trabaho pa. Sabihin mo uso ang pahinga," litanya niya.

Napakamot ako sa'king ulo. Labis akong naaawa sa kalagayan ni Goddess.

"Goddess," tawag ko sa kaniya. Saglit siyang lumingon sa akin at ngumiti. Pilit at hindi umabot sa mga mata.

"Bakit? May kailangan ba kayo?" Walang emosyon ang kaniyang mukha.

"K-kasi kakain na tayo, kagabi ka pa hindi kumakain," wika ko. "Tama na iyang kakalinis mo. Pwede ka na manalamin sa sobrang linis ng mesang iyan," dugtong ko pa.

"Wala naman akong gana."

"Iinom ka pa ng gamot kaya please," pamimilit ko. Hinawakan ko pa siya sa braso saka inalis sa kamay niya ang hawak na basahan.

"Mauna na kayo...susunod na lang ako," turan nito saka muling hinawakan ang basahan at tinuloy ang ginagawa kanina.

Magsasalita pa sana ako nang makita ko sa gilid ng mga mata ko si Chef na lumabas mula sa office nito. Bahagya pa itong natigilan nang mapansin ang itsura ni Goddess.

Maputla.

Haggard.

At halatanga may dinaramdam.

"Sige. Basta kapag gutom ka na, kumain ka na ha? Maawa ka sa sarili mo. Hindi ka gagaling kung ganiyanang gagawin mo." Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ni Chef.

Tumalikod ako sa kaniya nang wala akong narinig na sagot. Sakto naman na nasa harap ko na si Chef at titig na titig sa kaibigan ko.

Gustuhin ko man na kiligin sa paraan ng pagtingin niya kay Goddess ay mas gusto ko siyang batukan dahil sa ginawa niya kahapon.

"Anong problema?" tanong ni Chef Evo na kay Goddess pa rin ang mga mata.

Tila wala namang narinig ito. Sige lang ang punas sa mga mesa at silya.

"Ano kako ang problema?" Nagulantang naman ako sa pag-ulit ng tanong ni Chef.

"A-ayaw pong kumain, e," mahina kong wika.

"Bakit?"

"M-may sakit kasi si--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang humandusay sa sahig si Goddess.

"Godddess!" Sabay-sabay kami nila Chef Evo na lumapit sa kaniya.

"Chef, si Goddess!" Natataranta kong sabi. Malakas na ang kabog ng puso ko lalo na nang makita kong may dugo ang bandang likurang ng ulo nito.

"Shit!" Mahinang mura ni Chef. Binuhat niya kaagad si Goddess saka mabilis na binuhat at sinakay sa kotse.

--

PUNISHMENT OF GODDESS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon