🌸CHAPTER 27🌸

689 21 1
                                    

Chapter 27

AZALHEA's POV

INAYOS ko ang pagkakabutones ng uniform ni Evo saka marahan na ipinatong sa kaniyang dibdib ang mga kamay ko. Hindi siya nakatingin sa akin dahil inaayos naman niya ang kaniyang buhok at nasa salamin ang mga mata.

"Totoo ba na ex mo si...Goddess?" tanong ko. Natigilan naman siya sa pagsusuklay.

"Oo." Iyon lang ang sinabi niya bago inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya.

"Kaya naman pala ganoon ang reaksyon niya nung ipakilala mo ko. Pati 'yung mga tauhan mo rito sa restaurant mo'y nabigla," turan ko saka inirapan siya.

"Maraming mag-a-apply sa baba ngayon kaya mauuna na'ko." Paalam niya. "Huwag mo na ko hintayin kumain dahil pupunta pa akong ospital."

"At bakit mo kailangan pumunta ro'n?" inis na tanong ko.

"Tauhan ko si Goddess at obligasyon ko siya." Walang emosyon niyang sagot.

Umiling ako, "No. Dito ka lang. Sabay tayong kakain mamaya. Magpapaluto ako kay Aston."

Lumapit siya sa drawer nito saka kinuha ang pitaka. "Hindi na. Alis na ko."

Hinawakan ko siya sa braso saka nagsalita, "Niloko ka na ng niya, concern ka pa rin? Baka nakakalimutan mo...si Liam ang totoong mahal niya. Hindi ikaw." Matigas na bulong ko.

Tiningnan lang niya ko. Tikom ang bibig pero kitang-kita ko ang pagngalit ng bagang niya. "Hindi mo kailangan na ipamukha sa'kin iyan."

"Puwes, sabayan mo ko kumain mamaya." Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.

"Marami pa kong aasikasuhin." Tumalikod na siya. Hindi ko na ito pinigilan pa. Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Lumapit ako sa pinto at isinara iyon.

"Hugo," mahinang tawag ko. Ilang sandali lang ay nandito na nga ang hugis tao na anino. "Anong balita sa Mystica? Hinahanap na ba nila ko?"

"Hindi ko alam pero kilala ko ang nanay mo. Paniguradong hinahanap ka na no'n."

"Hayaan mo siya. Mas importanteng mapatay ko si Goddess," walang emosyon kong wika.

"Kumusta ba ang pang-aagaw mo sa nobyo ni Goddess? Mayabang 'yung isa na 'yon...lampa naman!" wika nito at sinundan pa ng nakakalokong tawa.

"Shut up, Hugo. Si Marluxia...nagawa na ba niya ang plano niya?" tanong ko habang hawak ang kwintas na suot ko. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin at tinitingnan ang repleksyon ko.

"Mamayang gabi niya gagawin ang pagsugod sa palasyo."

"Good. Mamaya ko rin gagawin ang plano ko kay Goddess. Hindi na ako makapaghintay pa na mawala siya sa buhay ko." Napangiti ako. Maisip ko pa lang na mabubura sa landas ko ang babaeng kinahuhumalingan ni Eros ay nagdidiwang na ang buo kong sistema. "Naka-confine siya sa ospital matapos mabagok ang ulo." Ngumisi pa ko, "Ang tanga."

"Sige, mauuna na ako. Baka hanapin ako ni Marluxia." Hindi na ako nakasagot dahil naglaho na siya kaagad pagkatapos maging usok.

--

Nakita ko na abala si Clover sa pag-seserve sa mga costumers. Ang iba pa nilang kasamahan ay busy din. Naglakad ako palapit sa office ni Evo at nang hindi ko ito makita roon ay lumapit ako kay Aston. "Where's Evo?" tanong ko.

Tiningnan muna niya ko saka luminga sa paligid. "Wala ba sa office niya?"

"Tatanungin ko ba siya sa'yo kung sakaling nakita ko sa siya ro'n?" singhal ko sa kaniya.

PUNISHMENT OF GODDESS (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon