Chapter 3

4.4K 182 160
                                    

Chapter 3.
This is it.

“Hoy, Seulgi!”

Napatingin ako sa tumawag at grupo pala nila Bogum ang tumawag sakin.

Park Bogum. Popular din. Basketball player kasi. Gwapo at Mayaman. Pero masama ang ugali.

Lagi nalang nya ko binubully. Wala lang naman talaga sakin ang pamamahiya nya, sanay na naman ako. Pero minsan kasi, nakakabelow the belt na. Nakakainis na. Nakakapikon na. Lalo na at paulit ulit nalang. Feeling nila hindi ako nasasaktan. Na kahit paulit ulit nila akong pagtripan, okay lang.

“Ano?” Tanong ko.

“Bakit sumasama ka kay Irene ha? Anong karapatan mong dumikit dikit kay Irene?”

Eto na naman tayo. Kaya ayokong dumidikit sa mga popular eh, napapahamak ako lalo. Pero anong magagawa ko? Eh si Irene yun eh. Yung matagal ko ng gusto. Yung hindi ko matanggihan lalo na pag nagpapacute sya.

“Bakit? Ano bang pake mo?” Matapang na sagot ko. Ang tapang ko ngayon, shet. Nakalimutan kong kasama nga pala ni Bogum yung dalawa nyang bugok na kaibigan. Yung kaibigan nyang ewan ko ba kung jejemon, gangster o ano.

“Aba!” Napatingin sya sa mga kaibigan nya at ngumisi. “Ang tapang mo ngayon ha!”

”Hindi na 'ko natatakot sa inyo.” Madiin na sabi ko. Kailangan kong maging matapang. Hindi na ko dapat magpa-api sa Bogum na 'to.

“Ang tapang mo talaga ha!” Bigla nya akong sinuntok kaya naman napaupo ako sa sahig. May mga napahinto at napatingin samin. May mga napagasp naman nung makita nila ang nangyari at may mga nag bulungan.

Napahawak ako sa bibig ko na nagdudugo na. Ang dami ng dugo! Gosh. Napakuyom ko ang kamao ko. Ang bakla naman ng lalaking to. Pati babae, sinasaktan. Hindi nya kinatapang o kinacool ang pananakit nya sakin o sa iba pang babae.

“Bogum! Stop it!” Napatigil ang ingay sa corridor ng biglang may sumigaw. Napatingin kami sa sumigaw. And it’s Irene.

Tumayo ako habang nakahawak pa din sa bibig ko. Pati ang kamay ko, marami ng dugo.

“Ano bang nangyayari dito ha, Bogum?!” Matalim ang tingin ni Irene kay Bogum. Para bang kaya na nyang sapakin si Bogum anytime. Ngayon ko lang nakita na ganito ang ekspresyon ni Irene. Madalas kasi ay nakangiti sya, at maamo ang mukha.

Napatingin naman ako kay Bogum. Nakita kong nakatingin ito kay Irene at mukhang nagpapaawa pa. Mukha syang aso na nagpapaawa pero hindi sya cute ah. Sya yung tipo ng aso na panget at hindi naliligo.

“Si Seulgi kasi… ang kapal ng mukha. Sinabi  ba naman sakin na kayo na daw! Hindi na nahiya. Kaya ayan, nasuntok ko.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang pala siraulo ang lalaking to, sinungaling pa!

Napatingin naman sakin si Irene at napailing nalang ako habang nakahawak sa bibig ko. Hindi naman ako umaasa na mas paniniwalaan ako ni Irene kesa kay Bogum eh. Sino nga ba naman ako diba?

Nagulat ako ng hawakan ni Irene ang  libreng kamay ‘ko. “Oh eh ano naman? Totoo naman ang sinasabi nya ah. Kami naman talaga. Wala kang karapatang saktan ang girlfriend ko. Asahan mo na bukas, wala ka na sa school na to.”
Sabi ni Irene at hinatak na ko. Iniwan namin ang mga tao dun na nagtataka.

Kahit ako naman, nagtataka. Anong girlfriend? Ah! Para siguro masagip lang ako. Kaya nya siguro ginawa yun, para naman tigilan na ko nila Bogum. Iyon lang. Wala ng iba pa.

The Popular Bae | seulreneWhere stories live. Discover now