Chapter 22

3K 121 11
                                    

AN: Miss ko na yung panahong pink at yellow pa lang ang kulay ng hair nilang dalawa.

Chapter 22.
Sick.

• • •

SINABIHAN ko sila Manang na ako na ang magluluto ng soup para kay Irene. Gusto ko kasing ako ang magaalaga sa kanya. Soup lang naman ito kaya madaling lutuin.

Nandito ako sa kusina at naghihiwa ng isasahog sa soup na gagawin ko. Masyado pa ngang mahaba ang naging pagtatalo namin bago ko sya mapapayag na kumain.

"Babe, kailangan mong kumain." Seryosong sabi ko sa kanya, nakaupo ako sa kama habang nakahiga naman sya. Hinihimas himas ko pa ang buhok nya habang sinasabi yun.

Umiling naman sya na parang bata at nagpout, "Nope. I don't want." Lumapit sya ng kaunti sa akin at niyakap ako, sumubsob sya sa tyan ko kaya napabuntong hininga ako.

"But you need to eat, Babe." Malambing na sabi ko at binigyan ng light kisses ng noo nya. Napasinghap naman sya ng kaunti pero hindi pa din sya dumidilat mula sa pagkakapikit nya.

"But what if ayoko?"
Ayan, napakatigas talaga ng ulo minsan nitong si Irene.

I sternly looked at her, "Isa."

"Dalawa." She said, mocking at me.

Eto na naman sya sa pagiging pasaway.

Napairap ako, "Irene." Seryosong sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Maganda." Dugtong naman nya kaya napakamot ako sa kilay ko. Maaga ka talagang tatanda kung ganito si Irene kakulit. May times talaga na ganito sya. Being a stubborn kid.

"Irene, aalis talaga ako dito pag hindi ka kumain." Seryosong sabi ko sa kanya.

Napapout naman sya at nagangat ng tingin sa akin, para talaga syang bata na inagawan ng candy sa itsura nya. "Gagawin mo talaga 'yan?"

"Yup," Tumango ako. Pero syempre, hindi ko sya kayang iwan lalo na pag ganito ang kalagayan nya. Panakot ko lang sa kanya 'yun dahil gusto kong kumain sya. Mas lalo kasi syang magkakasakit pag walang laman at tyan nya. Kailangan hindi sya gutom para makainom ng gamot. "Iiwan kita kung hindi ka magiging good girl."

The Popular Bae | seulreneWhere stories live. Discover now