Chapter 28

2.4K 96 59
                                    

Chapter 28.
Unfair.

• • •

Irene

MASAYA ako na pumasok sa mansyon namin. Sobrang saya ko dahil naging close ko agad-agad ang pamilya ni Seulgi. Madali silang makaclose dahil mabait sila pareho. Hindi na ako magtataka kung bakit ang bait-bait din ang girlfriend ko. May part din sa akin na malungkot dahil parang ang unfair sa part ni Seulgi. Ako, napakilala na nya ako. Pero sa pamilya ko, hindi ko pa sya napapakilala. Aaminin ko naman na natatakot ako. Hindi kasi basta-basta si Appa. Alam kong hindi nya kami matatanggap. At pag hindi nya kami natanggap, pwede nyang saktan si Seulgi o ang pamilya nito.

Ganun sya kasama at kalakas. Makapangyarihan sya. Mayaman sya, at kaya nyang gawin lahat. Yun ang kinakatakot ko.

“Unnie?” Mahinang sabi ni Yerim habang bumababa sya sa hagdan, maririnig mo ang tsinelas nya na matunog at bawat hakbang nya ay naririnig ‘ko. Napatingin ako sa kanya, medyo kumunot ang noo ‘ko nang makita ‘ko na mapula ang pisngi nya at halatang natatakot… para syang kinakabahan na ewan.

“Yerim? Anong meron?” Kunot noong tanong ‘ko sa kanya. “Bakit para kang sinam—”

“Bae Joohyun?!” Literal na nanlaki ang mga mata ‘ko nang makita ‘ko si Appa sa may hagdan. Anong ginagawa nya dito?

“A-appa…” Mahinang sabi ‘ko, unti-unti ‘kong narerealized ang lahat. Si Yerim, mukha syang sinampal. Mukha syang inaway. Si Appa nandyan lang. Galit ang itsura nya.

Ano bang nangyayari?

“Saan ka galing?!” Magkasalubong ang kilay nito kaya naman napatingin ako kay Yerim. Naiiyak na umiiling iling sya sa akin at yumuko nalang, what the hell is happening?

“Appa, kasama ‘ko lang po ang kaibig—”

“Kaibigan?! Kaibigan mo lang ba talaga o baka girlfriend mo na?!” Para akong nabingi nang sabihin nya ‘yan sa akin. A-alam na nya?

Unti-unti akong nanghina, ito na nga ang kinakatakot ‘ko.

Minsan na nga lang sya umuwi dito— ganito pa sya sa amin. Sure ako na sya ang nanakit kay Yerim. Ganyan talaga si Appa pag nagagalit sya. Malamang ay nagkasagutan sila kanina.

Wala na nga syang oras sa amin, nagagawa pa nya kaming saktan.

“Appa—”

“Explain mo ‘to sa akin!” Nagulat ako ng ihagis nya sa akin ang mga litrato— mga pictures kung saan magkayakap kami ni Seulgi, nagdedate kami, magkatabi kami sa bench, kumakain kami, at… naghahalikan kami.

“A-appa, let me exp—”

“Explain what?! ‘Yang kalokohan mo?! Hindi kita pinag-aral sa magandang school para lang maging ganyan ka! Nakakahiya ka! Ikaw pa mandin ang anak ‘ko, na may-ari ng school na pinapasukan mo! Tapos kalat na kalat na pala sa school nyo ang relasyon nyo?! Hindi ka na ba talaga nahiya?!” Galit na galit na sabi nya sa akin. Nakasuot pa sya ng pang-business nya, halatang kakagaling lang nya sa trabaho— tapos ganito pa, siguro kaya nga sya umuwi. Para dito.

The Popular Bae | seulreneWhere stories live. Discover now