Chapter 42

2.7K 141 82
                                    

Chapter 42.
Closer.

***

"MAGPAHINGA ka muna." Mahinang sabi nya habang yakap-yakap ko sya sa bewang nya at sya naman ay nakayakap sa leeg ko. Hindi ko man sya nakikita, alam kong nakangiti sya. Same old Irene. "Gabing-gabi na, nagtatrabaho ka pa din." Sabi nya sa akin and I chuckled. Kumalas na ako sa yakap pero nakahawak pa din ang kamay ko sa bewang nya at sya sa leeg ko. Hindi ko din talaga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin ang kahihiyang ito pero masaya ako dahil niyakap nya din ako pabalik. Namiss ko talaga sya. Gustong-gusto ko sabihin sa kanya na mahal ko pa rin sya pero hindi ko pa ata kaya.

"Kailangan ko din kasi 'to next week kaya nagmamadali na ako." Sabi ko naman habang nakatitig sa kanya. Magulo ang sitwasyon namin. Wala namang kami, awkward kami kailan lang. Pero ngayon, kung makayakap kami sa isa't isa parang mag-eend of the world na. Malakas talaga ang epekto nya sa akin hanggang ngayon at sya pa din talaga ang nakakakontrol sa bilis at bagal ng tibok ng puso 'ko. "Ikaw? Gabi ka na din umuwi. Delikado." Sabi ko naman.

She giggled, "May driver naman ako." Kung hindi lang sana tayo naghiwalay, hatid-sundo na kita ngayon. "At isa pa, ganitong oras talaga ako umuuwi. Since may inaasikaso din sa hospital." Sabi nya at ngumiti na naman. Nginitian ko din sya pabalik dahil ang ganda-ganda nya talaga. "Pero wala sya ngayon."

"Inumin mo na 'yang kape mo." Mahinang sabi nya sa akin kaya naman natauhan ako mula sa pagkakatitig sa kanya. Napatingin ako sa kape na binigay nya at binalik ulit ang tingin sa kanya.

"Thank you ulit." Sabi ko naman sabay kalas sa kanya. Inalis na din nya ang kamay nya sa leeg ko at umupo sa couch dito sa office ko.

"You're always come, bear." She giggled, inikot nya ang tingin nya sa office ko at napapatango, "Your office is pretty big." Komento nya at ginala ang tingin nya. Napansin ko na natigilan sya at napako ang tingin nya sa isang bagay kaya naman napatingin din ako sa tinititigan nya. Namula naman ako dahil nailagay ko nga pala 'yang frame dito sa office ko nung isang araw lang.

Picture naming dalawa.

Pansin ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nya at humarap sya sa akin, "Picture talaga natin, huh?" She chuckled kaya naman mas lalo akong namula at tumalikod nalang sa kanya. Bakit naman kasi nilagay ko pa 'yan dito at nakita nya pa talaga. Baka isipin nya, patay na patay ako sa kanya

Bakit hindi ba? Talaga naman ah.

"H-hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya at bumalik na sa pagtatype ko sa laptop ko. Nakaupo lang sya sa couch at hindi ko sya tinitignan dahil alam kong tinititigan nya ako.

"Hindi mo na ba ako gustong makasama?" At pagtingin 'ko sa kanya, nakita ko na nakanguso sya kaya naman may kung ano na naman sa puso ko. Lumambot na naman ako dahil sa kacute-an nya.

"G-gusto." Namumulang sabi ko kaya naman kita ko ang pagngiti nya. Gosh. "Pero late na. Dapat nakauwi ka na ngayong oras na 'to." Sabi ko naman sa kanya.

Hindi sya sumagot kaya naman pinagpatuloy ko ang pagtype. Kinuha ko ang kape na binigay nya at iinumin na sana nang bigla akong may mapansin. May note pala na nakadikit.

A cup of coffee for a beautiful bear like you.

I chuckled. Ang cute ng pagkakasulat nya. At alam kong sya ang nagsulat nito. Ganun pa din ang handwriting nya. Cute pa din ng penmanship.

Napatingin ako sa kanya at may kung anong nakapagpalambot na naman ng puso ko nang makita kong nakapikit sya habang nakasandal sa couch. Mukhang antok na sya.

Napabuntong hininga ako at tinitignan ang laptop at papeles na nasa mesa ko. Bukas ko na nga lang gagawin 'tong mga to. Tutal mas importante naman ang babaeng to.

Lumapit ako sa babaeng kasalukuyang natutulog ngayon sa couch ko. Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan muna ang mukha nya. Napapangiti ako dahil mas lalo talaga syang gumanda. 'Yung mukha nya, mas nagmatured pero baby face pa din. Yung ganung tipo ba. Yung labi nya, mapula pa din. Simple lang sya pero ang ganda nya talaga.

Mahal ko pa talaga sya.

"Irene." Sabi ko at mahinang tinatapik ang mukha nya. Gustong-gusto ko pa syang titigan pero gusto ko na makauwi na sya para tuloy-tuloy na ang pahinga nya. "Gumising ka na." Sabi ko sa kanya.

Unti-unti namang dumilat ang mata nya at tumingin sa akin, ang cute nya gumising. Parang kinikilala nya pa ako at nang magsink-in sa kanya kung sino ako at kung nasaan sya ngayon, napaayos sya ng upo at humikab.

"Bakit?" Tanong nya habang kinukusot ang mata nya. Napangiti naman ako dahil para talaga syang bata.

"Ihahatid na kita." Sabi ko naman sa kanya, nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

"I-ihahatid mo ako?" Tanong nya sa akin. Naninigurado pa sya kaya naman tumango ako. Hindi ko din alam kung anong sumapi sa akin. Gusto ko lang syang ihatid. Gusto ko lang… at hindi ko alam kung bakit ko gusto. Siguro dahil gusto ko pang makasama sya?

Napangiti naman sya at tumango sa akin, "Pero paano ang kotse ko?"

"Daanan mo nalang bukas dito." Tumingin ako sa kanya, "Isa pa yon. Mag-isa ka lang. Delikado na at inaantok ka pa." Sabi ko. Ayoko lang naman na mapahamak sya.

Ngumiti sya sa akin, "Sige." Kita ko na masaya sya kaya naman napangiti na din ako. Hay, Irene. Nababaliw na naman ako ng dahil sayo.

"Tara na." Tumayo na ako at hinawakan ang kamay nya. Hindi naman na sya nagprotesta at tumayo na din. Sabay kaming naglakad papalabas ng office. Nakangiti naman ako dahil masaya ako at malapit na naman sya sa akin.

Hindi ko inaakala na mangyayari ulit 'to.

Handa na talaga akong kalimutan sya noon. Akala ko na okay na ako. Na hindi na ako apektado. Pero eto ako ngayon, nababaliw na naman sa mga simpleng bagay na ginagawa nya. Kinikilig sa mga sweet na ginagawa nya sa akin at napapasaya tuwing malapit sya sa akin.

Hindi naman siguro masama kung bubuksan ko ulit ang puso ko para sa kanya, diba? Tutal mahal ko pa rin naman sya— mula noon, hanggang ngayon, sya pa din talaga.

Pinisil ko ang kamay nya na hawak ko kaya naman napatingin sya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nginitian sya. Ngumiti din sya at pinisil din ang kamay 'ko.

Masaya ako na mapalapit ulit sayo.

***

Ang lakas ng ulan dito. Dyan ba sa inyo? Keep safe everyone. ♡ Yung kiss ko pala?

The Popular Bae | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon