Chapter 28: Strength Serum

5K 139 0
                                    

3rd persons pov:

Maagang nagising si Gray. Dahil exam na nila ngayon. Nag ayos siya at lumabas.
Nag review muna siya ng mga ilang minuto at pumasok na sa classroom niya. Hindi magkaklase sila Gray, Jackielyn, Candice, Jay, Eunice at Micoh dahil iba iba ang sections nila sa advance level.

Hindi nahirapan si Gray sa exam. Samantalang si Eunice ay medyo nahirapan. Pagkatapos ng exam nila. Ay pumunta sa Mizu Room si Gray at saktong nandoon din sina Micoh, Jay, Jackielyn at Candice nagkwekwentuhan pero wala si Eunice. Ng mapansin nila si Gray ay natahimik sila.

"Guys. May sasabihin ako sa inyo." Sabi ni Gray sabay upo sa sofa.

Napaupo naman sila ng maayos. Dahil alam nilang seryosong pag uusap ito. Nagbitaw ng malalim na buntong hininga si Gray. Hindi na niya kayang itago ang nakita niya kahapon. Dahil hindi niya ito makalimutan. At isa pa kaibigan din naman niya ito kaya may tiwala siya sa kanila.

"Ano yun Gray??" Pagtatanong ni Jay.

"Ano kasi. May nakita akong Okami kagabi sa Wild's forest" sabi ni Gray.

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Gray. Hindi sila makapaniwala. Baka niloloko o nagbibiro lang si Gray pero alam naman nilang hindi siya nagbibiro.

"S..sure ka pre??" Gulat na sabi ni Micoh.

"Baka nagbibiro ka lang Gray huh. " gulat din na sabi ni Candice.

"Hindi ako nagbibiro nakita ko talaga kagabi. "

"Di ba Matagal ng walang Okami simula nung namatay ang last Sheimi yung asawa't anak ng president" pagtatakang sagot ni Jackielyn

"Unless kung.... " sabi ni Jay

"Unless kung ano??" Sabi ni Candice.

"Unless kung may nabuhay pang Sheimi Warrior" sagot ni Candice.

Nanlaki naman ang mga mata nila.

"Totoo yun Candice" napatingin si Candice kay Gray. Na hanggang ngayon ay gulat na gulat.

"Ba..bakit?" pagtatakang tanong ni Candice.

"Nakita ko sa dalawa kong mata. Ang babaeng Sheimi Warrior. Nakahiga siya sa Okami niya " pagpaliwanag ni Gray.

"Babae?? Nakita mo ba kung ano ang hitsura niya??" Sabi ni Micoh.

"Hindi nga eh kasi napakadilim kaya nahihirapan akong kilalanin ang babaeng yun"

"So kung totoo nga ibig sabihin siya nalang ang natitirang Sheimi. " pagpaliwanag ni Jackielyn.

Napatango lang si Gray . Biglang nagpop out sa utak ni Gray yung Babae at ang Okami.

"Sasabihin ba natin sa mga prof dito??" Pagtatanong ni Jay.

"Wag muna. " sabi ni Gray.

"Mukhang dito nag aaral ang babaeng yun " pagpaliwanag ni Candice

"Pano mo naman nasabi??" Pagtatakang tanong ni Micoh.

"Eh kasi. Dapat nagtatago na siya ngayon dahil alam niyang maraming maghahanap sa kanya lalo na't siya nalang ang natitirang Sheimi. " pagpaliwanag ni Candice

"Hindi kaya siya ang anak ni Sensei Ochimaru??" Gulat na sabi ni Jay

"Impossible naman diba patay na ang anak ni Sensei. " pagpaliwanag ko.

"Hindi tayo nakakasiguro malay natin hindi pa pala patay. " pagpaliwanag ni Jay.

"Pwede din namang napadpad lang siya dito diba dahil wala na siyang pamilya at lumaking ulila. At siya nalang ang natira dahil nakapagtago siya. " pagpaliwanag ni Jackielyn.

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsWhere stories live. Discover now