Chapter 32: Big Trouble

4.6K 125 1
                                    

Eunice pov:

Kasama ko si Kyle ngayon para magikot ikot dito sa campus. Back to normal nanaman ang lahat. Wala kasi kaming pasok ngayon kaya napag isipan naming maglakwatsa nalang muna.

"Uhm Eunice gusto mo ba ng makakain o maiinum kanina pa kasi tayo paikot ikot dito eh??" Pagtatanong sakin ni Kyle.

Huminto muna kami saglit.

"Uhm maiinum nalang. Hehe kanina pa kasi ako nauuhaw eh."

"Ahh si-sige. Dito ka nalang muna. Bibili lang ako sa canteen" sabi niya at umalis na ito.

Minsan talaga napapansin ko na may pagkaweird side din itong si Kyle. Ang hirap eh explain pero feel ko lang. umupo muna ako sa isang bench at nagmumuni muni.

*boggggssssshhhh

Bigla nalang may sumabog sa isang corner ng gate ng Yukio.malapit sa bench na kinauupuan ko . At dahil sa kalakasan ng pagsabog ay tumilapon ako.

Maraming galos ang natamo sa mukha ko pero hindi naman ito malala.

Nagsitakbuhan lahat ng estyudante malapit dun sa pagsabog.
Nahihirapan akong tumayo.

"Eunice!!!" Sigaw ni Kyle at tumungo sakin para tulungan akong tumayo.

"O..okay ka lang??" Pag alala niyang tanong.

Tumango lang ako sa kanya. Kainis ang sakit ng mga sugat ko.

"Sino ba ang lokong tao na naglagay ng pasabog??!!" Sabi ko

Dumating na ang mga sensei at pinuntahan ang gate.

Inalalayan akong umupo ni Kyle sa isang puno. Napatingin ako sa kanya. At may bahid na kalungkutan ang expression niya ngayon. 

"May problema ba Kyle??" Pagtatanong ko sa kanya.

"H-hah?? W-wala nag alala lang ako sayo. Pasensya na kung matagal akong nakabalik. " sabi niya.

"Ano ka ba ok lang ako noh!! Malayo lang ito sa bituka. " pagbibiro ko sa kanya.

Feeling ko parang may problema tong isang to.  Pero baka mali siguro ang panghihinala ko sa lalaking ito.

"Lahat ng estyudante ay bumalik na sa inyong mga silid!!" Sigaw nung isang lalaking sensei

Ginamit ng ibang sensei ang water ability nila para patayin ang usok at apoy.

Pumunta kami sa Clinic para gamutin yung mga sugat ko.

"Mag pahinga ka muna Miss dahil masyadong nagkaroon ka ng maraming sugat. " sabi nung Nurse.

"Sige po" tipid ko sabi humiga muna ako sa kama.

Lumabas pa kasi sandali si Kyle para ipagpaalam niya sila Candice sa nangyari.

" Eunice!!!" Sigaw nung bruha.

Sa boses pa lang alam ko na.

"Ok lang??" Pag alala tanong niya.

"Oo" sabi ko sa kanya.

Pumasok naman si Gray na ang daming pawis sa kanyang leeg at noo san kaya naggaling tong kupal nato??
At parang galing hinabol ng isang halimaw.

"O-ok ka lang??" Pag alalang tanong ni Gray.

"Oo ok lang ako " sabi ko sa kanya 

"May narinig kaming pagsabog kanina sa likod ng campus anong nangyari?? Sino ang may gawa??" Tanong ni Candice.

"Hindi ko alam kung sino ang may gawa.  Unexpected kasi yung pagsabog. "

"Sino kaya ang taong may gawa nun. " Candice

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon