Chapter 30: Wizard Tournament

5.1K 132 2
                                    

Gray's pov:

Nandito na kami sa field at hinihintay ang sasakyan namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila gumigising. Nag alala ako sa kanila lalong lalo na kay Eunice.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang karwahe na sasakyan namin patungong Magic Academia.

"Ok guys!! wala na ba kayong nakalimutan?? " sabi ni sensei Rhuko

Sumakay na kami lahat. Iniisip ko pa rin si Eunice. Gusto ko pag gumising siya nasa tabi niya ako. =_____= gagawin ko ang lahat para manalo sa laban.

*****

Naging ligtas naman ang byahe namin. Nasa Magic Academia na kami at hindi pa rin nagbabago ang design niya ganun pa din sa dati.

Nasa gymnasium na kami umupo na kami sa gilid at nakikinig sa opening ceremony. 

*****

Candice's pov:

Nakaupo lang kami dito habang nakikinig sa ceremony. Nag alala ako kay Eunice dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising. Napatingin ako kay Gray Dahil he's acting weird simula nung tinulungan niya sila Eunice sa Wild's Forest.
Minsan naiisip ko may gusto kaya si Gray kay Eunice?? Kasi kanina alam kong worried siya kay Eunice ngayon dahil hindi pa siya gumigising.  Hahaha inlababo na ang lolo niyo. Since dumating si Eunice sa grupo namin naging mabait na tong si Gray hahaha minsan nalang nagsusungit. Kung totoo man yung hinala ko ay boto ako sa kanila. Kasi habang tinitingnan ko sila may sparks eh hahaha. Lol :P

Kaya ssshh!! Lang tayo guys baka marinig ni Gray hahaha.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na ang opening ceremony kaya nagsimula na ang tournament.

Pangalawa kaming lalaban at ang makakalaban namin ay ang group Fairytail  Team ng Fairytale University.

Kaya kinakabahan na ako. Kahit pang apat na namin tong tournament. 1 lose 3 wins.

Yeah kahit pa sabihin pa nating malakas kami na grupo pero sa Yukio lang dahil may mas malakas pa samin sa ibang skwelahan.

Napabuntong hininga nalang ako. Sana gising na ngayon si Eunice. Tsk! Kainis talaga yung mga taga Bon na yan sarap gawing palaka. =______=

"Ok guys!!! Good morning and welcome guests!!!" Sigaw nung emcee.

Naghiyawan lang lahat ng nandito sa loob nabibingi na nga ako dahil sa ingay eh.

"Today we will start the tournament. But before we start we will first introduce the Judges " sabi nung emcee

Iniisa isa niyang iniintroduce ang mga judges pagkatapos nun ay nagsimula na ang tournament. Ang gymnasium na to ay covered ng invinsible barrier kaya lahat ng manood ay hindi matatamaan o masasaktan sa magaganap na laban. Ang unang grupong maglalaban ay ang Magicians Team from Magic Academia at ang Alchemist Team ng  Alchemy Institute

Pumasok na ang Team Magicians at ang Team Alchemist sa loob ng invinsible barrier. Malalakas din sila at matatalino pa  kaya hindi na ako magtataka kung hindi kami mananalo sa laban pero gagawin pa rin namin ang lahat para sa Yukio. 

Tumunog na ang bell hudyat na nagsimula na ang laban.   Unang umatake ay ang Alchemist nag summon sila ng isang Phoenix  at Ice bird.

"Wow" rinig kong sabi ni Jay

Kahit nga ako eh namangha sa galing ng Alchemist at Magicians. Naging mahirap ang laban ng dalawang skwelahan. Dahil pareho silang magagaling.

Napatingin ulit ako kay Gray.  Focus na focus siya sa panood ng laban pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag alala kay Eunice.  Kaming lahat nag alala kay Eunice dahil hindi pa lumalabas ang ability niya kaya hindi pa niya kayang ipagtanggol ang sarili niya lalong lalo na't taga Bon ang makakalaban niya.

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsWhere stories live. Discover now