ZOMBIE: 4

2.3K 92 5
                                    


Nagising kaming lahat dahil sa pagkalabog ng pintuan. Nagsama sama kaming lahat.

"Sila Matt ba yun?!" Sabi ni Rica. Buhay na buhay. Magkasama silang lima at parang nagmamadali kaya pinagbuksan ni John.

"Oh my god! Girl we're safe!" Sabi ni Matt. Yung bading naming classmate kasama si Rayne, Corrine, Christian at Shaina.

"Pano kayo nakaligtas?" Tanong ni Gab.



"Pagtapos naming magstay sa isang bus, nawalan kasi yun ng gas kaya naghanap kami ng masasakyan and buti nalang!" Sabi ni Shaina.


"Tara na, larga na" sabi ko. Nung papaandarin na ni Jet yung sasakyan, hindi na ito gumagana.

"Wow! Pati din pala ito walang gas!" Sabi ni Corrine.

"Tara, maghanap tayo ng gas. Sinong sasama?" Tanong ko.

"Ayoko girl" sabi ni Matt.

"Wala tayong sandata" sabi naman ni Addie.

"Claire, Mariz, Krezza, Edlyn, and Rica, alam kong dala nyo yung kits nyo. Sama tayo" sabi ko at nilabas yung maliit na knife pero mahaba.

"Buti pa kayo dala nyo." Bulong ni Rayne.

"Sama din ako!" Sabi ni Ex.

"Ako din" -Leo

"Yep. Kailangan nyo ako" sabi ni Jethro at naglabas din ng Kit.

Naghanda kami ng mga gamit at dala ko sa bulsa ko yung baril. Hindi nila alam to dahil baka mag-agawan at hindi magamit ng maayos.

"Kailangan din pala natin ng mga kahoy para magawa natin ng maayos yung mga kit natin. Hindi sasapat tong handy knife na to. Dapat gawin nating glaive at pahabain" suggest ni Mariz kaya tumango kami


"Shh.." senyas ni Leo kaya napatingin kami sa harap. Merong palakad lakad na zombie kaya nagtago kami.

"Isa lang yan. Kaya naman ata nating patayin yan?" Tanong ko.

"Hindi yan. Wag tayong padalos dalos.  Maliit lang tong dala natin" sabi naman ni Edlyn. Tama naman sya.

Dahan dahan kaming naglakad dahil paalis na sya. Nung nakita namin ang sign ng isang pa-gas-an, nagmadali na kaming kumuha. Si Leo, Ex at Jethro ang kumuha ng maliit na drum ng gas. Kaya naman sya ng isang kamay kaya tig dadalawa sila bale anim. Kami naman ay pumasok sa convenience store sa katabi at kumuha na ng mga kailangan.



"Tangina sakto. Dito nalang kaya tayo?" Sabi ni Claire. Kahit ako gusto kong dito nalang magtago. Magstay kaming lahat dito kahit sa bus kami tumira kaso di safe.


Kumuha kami ng tig dalawang sako bag na parang pangpamili? Yung parang lagayan ng damit ng mga probinsyano na pupunta sa manila. Ganun.


Si Edlyn sa health care kahit sinabi kong may dala kaming lahat na first aid kits pero kailangan pa din daw. Kasama naman sa kinuha nya sa likod ng counter yung mga lighter, posporo at iba pang nandun like dyaryo at magazines.



Si Claire at Mariz, sa mga inumin. Binuksan nila lahat ng ref at kinuha ang mga nandun pwera sa beers.


Si Krezza ang nagpasok ng mga gamit sa bag nya tulad ng tsinelas, suklay, panyo, gas mask, mga school supplies, scotchtape, mga paper cup, alcohol, basta lahat ng gamit dun ay sinilid niya. Ang mahal kaya ng tsinelas dito. 120 pero kung bibili ka lang sa bangketa ay nasa 35 lang. Tapos merong pang underwear na lalaki at pang babae at may tshirt din. Buti nalang laging handa ang convenience store. Kaya nga convenience eh.




Pwede na kaming sabihan ng magnanakaw pero wala na kaming pake-alam. Teka, wala na bang nagtatrabaho dito?


Kami naman ni Rica sa mga pagkain. Biscuits, delata, mga tinapay at kahit chips.



"Guys.. tingnan nyo!" Sabi ni Edlyn at may nakuha syang tatlong box galing sa drawer.

"What the eff.."


"Pati yung pera kunin na." Sabi ni Claire.

"Desusi sya at malamang, nasa cashier ang susi. Kung nasan man sya, pasensya na" dinala namin yung tatlong box na nakita ni Edlyn at sabay sabay kaming lumabas ng mahina kasama yung mga lalaki. Mabigat pero kailangang tiisin.





"Malapit na dali" sabi ko.

"Ayy!" Napatingin kaming lahat kay Claire dahil napigtas ang isang handle ng sako bag nya no choice kaya hihilain nya kaso wrong timing. May papalapit na!


"No.. no im sorry guys.. " sabi ni Claire na pinipilit hilain yung sako bag na puro inumin. Malapit na yung zombie samin.


"Ito sayo. Akin na yan" sabi ni Jethro. Binigay nya kay Claire yung dalawang gas at sya ang pumasan ng sako bag saka tumakbo. Nagpahuli din si Edlyn  na may dalang kutsilyo at bumantay kay Jethro. Malaki naman kasi katawan niya.






Pagdating namin sa loob ng bus ay nagsitayuan sila na tuwang tuwa samantalang si Claire ay umiyak.


"Shh.. okay na" sabi ko sa kanya.

"Saan kayo nakakuha nito?!" Sabi ni Shaina.

"Sa convenience store sa tabi ng gas station. Kinuha na namin lahat"

"Dapat pala sumama kami! Baka may natira pa dun!" Sabi ni Renz.

"Kung sumama kayo, mas delikado. Maya maya na tayo maglagay ng gas. May nakakarinig satin" sabi ni Ex.


After kong magpamigay ng pandesal, by 12 pm ay lumabas si John para maglagay ng gas. Sya lang yun dahil alam naman daw nya. Pagtapos nun ay umalis na kami sa lugar na yun.


"Buksan natin tong box" sabi ni Edlyn na tumabi sakin na nakaupo na rin sa lapag.

Kinuha ko yung maliit kong pin sa bag at tinusok sa susian sakto namang bumukas iyon at nagulat kaming lahat.

"Ayos!" Sabi ni Gab.

Isang baril ang nasa loob at dalawang magazine. (Yung lagayan ng bala) at isang knife sa pinaka loob.

"Siguro pang selfdefense nila to sa tuwing may manghohold-up" sabi ko.

"Akin yung isang baril" sabi ni Sherwin at kinuha iyon. Binigay naman kay Addie yung isang kutsilyo at pinabigay sa ibang walang gamit. Yung nakuha nilang kahoy, pinagkabit namin yung kutsilyo sa pinakadulo gamit ang packing tape at yun, naging glaive na sya.

Para kahit malayo palang yung zombie, mapapatay na namin sila. Wala naman kasi kaming itak, espada or katana. Pwera kung makakita kami.



Zombie Apocalypse: Fieldtrip(#wattys2017)Where stories live. Discover now