ZOMBIE: 5

2.2K 85 0
                                    


"Malapit na tayo sa syudad. Magready kayo dahil ngayon palang naaamoy ko na sila." Sabi ni Jet.

"So guys, nung kumukuha kayo ay may napagtanto kami tungkol sa mga zombie at sa tulong na rin nila Matt" sabi ni Jhamela.

"Ano yun?"

"Hindi sila typical na zombies na parang cannibal na kumakain ng mga lamang loob. Ayon sa kanilang observation, kinakagat lang nito ang maamoy nyang tao o makita nya. Kagat lang ha. Pero sobrang kung kumalat yung virus. Hindi nila ito kinakain"

"Are you sure Kaye? Look at them" sa di kalayuan, nakita namin ang isang zombie na may kinakain. No! Sa tingin ko hindi yun lamang loob ng tao.

"Kung ang virus nila ay nanggaling sa hayop, then hindi nga sila kumakain ng lamang loob Charles. Look at them, they're eating that dog. Hindi tao ang kinakain nila." Paliwanag ni Kaye.

"Andito na tayo, please, kung aalis kayo, sana bumalik kayo ng maayos. Bumalik kayo ng ligtas." Sabi ni Lanie kaya tumango kami.

Lumabas ako ng bus. Maayos ayos pa yung daan pero wala ng tao. Parang walang nangyaring pag-atake dito. Meron lang ibang tumatakbo pero malayo sila kaya hindi ako nakikita. Napalingon ako sa mga tao sa bus. Yung ibang bumaba din ay humiwalay ng daan pero ang iba ay nagpaiwan.

Tumakbo ako sa papunta sa bahay at nakapatay ang ilaw nito kaya pumasok ako ng gate at nilock agad. Wala talagang tao dito sa lugar namin. Why? Kahit nga zombie wala.

"Ma? Pa?" Tanong ko papasok ng bahay pero walang tao kaya umakyat ako ng kwarto at kumatok pero wala ring tao kaya nagsimula na akong kabahan. Napatingin ako sa isang papel na nasa kama nila kaya kaagad kong kinuha yun.

"Our dear princess,
Kung binabasa mo to, i just want to inform you na nasa ligtas na lugar kami. We can't call you kasi baka mapahamak ka. Stay alive okay? Nagiwan ang papa mo ng mga armas sa drawer sa ilalim ng kama. Yung mga damit mo din ay nakaready if you need some. Naka evacuate na kami at kahit ayaw namin ay kailangan sundin. I don't know kung saan kami dadalhin ng mga sundalo but as long as im with your papa, im safe. We're safe. Itetest pa ng ilang doctors kung bakit nangyari yun. I love you anak"

"Don't worry mom and dad, i'll stay alive." Kinuha ko yung sinasabing armas na iniwan ni papa at yung damit. Actually puro jacket sya at sweater. Tapos kinuha ko na din lahat ng kakailanganin namin tulad ng foods, blanket, unan na rin, at nagulat ako dahil may isang mahabang ice pick sa lamesa. I can't say na sword to or katana kasi pabilog so i called it ice pick.

Mabilis akong nakabalik sa bus at nakitang madami na din silang dala.

"Nakita mo mga magulang mo?" Tanong ni Ex sakin dahil sabay kaming nakabalik.

"Hindi. Pero may letter sila. Ito oh"

"Wait.. pareho oh. Ganun din ang iniwan nila sa kwarto nila."

"Ang weird naman Ex. Bakit pareho? Don't tell me pareho din ng nakasulat?" Tanong ko habang binabasa nya at tumingin sya sakin saka tumango.

"Ano talaga nangyari? Nasaan talaga sila?" Sabi ko at napahawak sa ulo ko. Hindi talaga sila safe kung ganun? Ano ba talaga. Ang gulo.. lalo akong naguluhan.

"Okay lang yan. Magtiwala lang tayo sa kanila. Wala na bang kulang? Let's go to Corrine's home" sabi niya.

Oo nga pala, pupunta kami sa bahay nila Corrine dahil madami silang laboratory apparatus. Malalaman namin ang pinanggalingan ng lahat kung papatay kami ng zombie at makukuha namin yung dugo.

"Daan muna tayo sa maraming zombie tapos ay papatay tayo ng isa kaya kailangang magingat sa pagpatay dahil baka atakihin naman tayo bigla." Suggest ni Addie.

"Roger" sabi naman ni Sherwin kaya pinaandar ni John yung sasakyan kasi pagod na si Jet. Pagdating namin sa highway, andun na. Tinalo pa nila ang mga sasakyan sa dami nila.

"Oh shit kinakabahan ako ah." Sabi ni Gab.

"Pano na? Wala tayong maayos na plano at maingay ang bus kung sasagasaan lang natin sila." Sabi ni Nadia kaya nagisip muna kami ng pwedeng plano na gagana naman. Nakakaloka.

"Sinong may baril?" Tanong nila kaya nagtaas ako ng kamay. Madami na din kaming nagtaas ng kamay dahil sa mga nakuhang baril namin sa mga bahay. Sabi ko nga eh, magkakapareho ng sulat na naiwan sa higaan, at pareho ng may iniwang armas. So anong meaning nun?

"Kita nyo yung speaker na yun?" Tanong ni Mariz.

"Yeah." Sagot naming lahat.

"Kailangan nating makapagingay para madistract sila tapos, ilan ba papatayin natin?"

"Mahirap ata yang sinasabi mo. Hindi natin kayang magpunta dun sa mismong lugar na napagsesetup-an ng audio." Sagot naman ni Charles.

"Yeah. Pano kaya kung wait, akin na cellphone nyo. Yung may malakas na ringtone" sabi ni Matt kaya lahat kami tumingin sa phone namin. Unang binigay ni Kaye yung phone nya at pinatugtog ni Matt ng malakas pero mahina talaga kasi malolowbatt na. Ganun din lahat ng phone namin.


"Guys what if ibato natin yung bakal na meron tayo? Hindi ko naman sinasabing lahat. Sinasabi ko lang yung sasakto lang sa ingay pag binato." Suggest ni Andrea kaya napatingin ako sa ice pick na nandito. No. Kailangan namin to. Mas madaling pumatay pag ito ang gamit.


"Ah alam ko na, ito oh" sabi ni Claire at inabot yung bote ng vitamilk na ubos na kaya tinry. Unang try ay isa lang ang nakarinig kaya isa lang ang lumapit.

"Yan sige pa" sabi ko. Lahat kami kumuha ng bote na nainom na namin saka sabay sabay binato and good thing narinig nila at sumugod sila dun.

"Ayun oh, kita mo yung babaeng yun? Nagiisa lang sya so sya na ang target" sabi ni Christian kaya tumango kami. Pinaandar ni John ng mahina yung sasakyan kaya nung natapat sa babae, bumaba si Leo at Kaye saka pinagtulungan yung zombie.


"Oh shit may patakbo dalian nyo!" Sabi ni Gab. May isa kasing patakbo at yung mga zombie ay malapit nang makahalata.

Bumaba ako dala yung icepick para tulungan sila kasi hindi nila mappatay yun sa isang kahoy lang.

Zombie Apocalypse: Fieldtrip(#wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon