ZOMBIE: 10

849 29 2
                                    

Si Shaina ang unang nakagat ng zombie. Hinanda na namin yung mga sandata namin dahil alam namin. Alam namin ang mangyayari. Sorry, Shaina.

Ilang segundo lang ay nag iba na ang kulay ng mata nya. Naging isa na sya.

"Go kill her!" Sigaw ni Addie dahil sa takot na kami ang susugurin nya dahil kami ang una nyang nakita. Sa isang iglap, binaril sya sa ulo ni Jet at agad din syang tumumba. Lahat ay pinagbabaril namin at yung ibang walang baril, ay tumutusok ng ulo ofcourse.

Patakbo na kami sa labas dahil sa dami ng pasunod samin. Si Jhamz ang nahuhuli siguro dahil may bitbit na syang baril, may katana pa.

"Guys tulong!" Sigaw nya kaya binagalan ko yung takbo ko tsaka ni Mariz. Pagkakuha ko ng dala nyang katana, tinisod nya si Mariz dahilan para madapa saka nya binilisan yung takbo nya.

"Takbo! Dali tayo ka jan!" Sabi ko pero hindi na sya makatayo. Napansin kong pabalik si Jethro at binuhat si Mariz at dahil malaki nga ang katawan nya ay kinaya nya ito saka kami tumakbo. Habang tumatakbo ay bumabaril din ako para tamaan sila.

Pagbalik sa bus ay hindi na kami makaandar. Nakaharang na sila at yung iba ay umaakyat na sa bubong.

"Kada araw, tumataas ng tumataas yung lakas ng rabies nila. What the eff. Kakayanin ba natin to?" Tanong ni Lanie.

"Namatay si Shaina." Sabi naman ni Jet.

"Malamang. Ang talab ng gamot na ginawa natin ay 24 hours bago tumalab. Alam nating lahat yun!" Sabi ni Corrine.

"Yes. Mali tayo" sabi naman ni Ex.

"Kailangan na nating maglagay as soon as possible." Sabi naman ni Renz.

"Pano na to?! Nababasag na nila yung salamin!" Nagpapanic na sabi ni Charles.

"Try nyo! Jet ikaw ang mag drive! Hahanda namin yung pagpatay sa kanila" sabi ni Claire saka pinaandar ni Jet yung sasakyan. Unti unting umandar pero hindi makapatay dahil sa madami nga ang nakaharang.

"Anong gagawin natin?!" Nagpapanic na rin na sabi ni Edlyn.

"Wait, we need a phone." Sabi ko kaya napakunot sila ng noo. Tiningnan ko yung phone na bigay sakin ng matanda kanina at umiling. Mas kailangan ko to.

Binalik ko yung phone na yun sa bulsa ko at kasama yung number.

"Why?!" Tanong ni Addie.

"Basta. I need phone! Yung malakas ang ringtone ulit!" Sabi ko saka may nagabot sakin ng phone. Kahit na 10% nalang, pinatugtog ko pa din at hinagis ko sa malayo. Yung iba narinig nila kaya nagsilapitan sila dun.

"Yung kinuha mong lighter sa store, Edlyn akin na. And yung gas sa may likod dali. Tsaka yung glaive" sumunod naman sila sa sinabi ko. Habang nagkukumpulan yung mga zombie, unti unti nang nababawasan yung nasa harapan. Tinanggal ko yung kutsilyo sa dulo nun at sinindihan ng lighter. Binuksan ko din yung ibang gas sabay tinapon sa kanila kaya yung iba ay nabasa. Yung iba ay tumapon sa lapag. Yung iba naman ay nakasara pa kaya pagsumindi yun, mas malakas.

Sa tulong ng glaive at ng apoy, naabot ng kahoy yung gas at bigla nalang itong lumiyab.

"Paandarin na!" Sabi ni Charles kaya binilisan ni Jet yung patakbo hanggang sa nagliyab na lahat. Buti nalang di namin ginamit yung gas na yun.

"Ang genius" sabi ni Jhamz.

"Ikaw lang naman hindi" sagot ni Jethro kaya nagulat ang lahat. Siguro kasi di nila alam yung nangyari.

"Anong problema mo sakin?" Tanong nyang mataray kaya pinigilan ko siya at pinaupo nalang pero ayaw nyang magpapigil.

"Problema ko sayo? Ang selfish mo. Tayo tayo nalang nandito gusto mo pang may mamatay."

"Teka anong pinaguusapan nyo?" Tanong ni Charles.

"Wag na guys, tapos na" sabi naman ni Mariz na kagagaling lang sa iyak sa sobrang takot sa nangyari kanina.

"Sabihin nyo naman!" Pagtataas ng boses ni Krezza.

"Hindi kasi ganito yunㅡ" pinutol ni Jhamz yung sasabihin ko dahil tumayo sya.

"Pinatid ko sya. Kasi ako ang nahuhuli eh. Kaya pinatid ko sya para hindi ako makagat. Gets nyo?" Sabi niya pa.

"My god Jhamz! Tayo tayo nalang magkakasamaㅡargh!" Sabi ni Claire.

"Tama na guys. Baka mamaya magturingan tayo ng magkakaaway dito" sabi ni Ex kaya tumahimik nalang kaming lahat.

Pagtingin ko sa bintana, mejo malayo dito ay may lugar na umuusok. May sunog ba dun? O may nagpapausok lang talaga?

Naginject narin kaming lahat at 10 nalang ang natira. Sampung syringe.

"Guys, pano na to? Anong magagawa ng sampung to?" Sabi ni Lanie.

"Wala na tayong magagawa, ayan lang nagkasya sa lahat." Dugtong ni Leo.

"Sobrang sakit na ng ulo ko" sabi ni Ex na tumabi sakin. Kinuha ko yung bag ko at binigyan sya ng paracetamol. Pagtanggap nya, nakita ko yung parang butas sa kamay nya.

"A-Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Natusok lang ako sa sobrang madali kanina. Wag kang matakot, di ako magiging zombie"

"Syempre matatakot ako. Aba! Ako pa ang katabi mo so ako ang una mong makakagat!"

"Hahahaha. Hindi yan. Gamutin mo nalang"

Kinuha ko yung betadine pagtapos nilagay sa bulak saka pinahid sa kamay nya. Tapos nilagyan ng bandage kasi di kaya ng band aid sa laki.

"punta kaya tayo dun guys? Tutal wala na tayong next na pupuntahan" sabi ko kaya tumango sila.

"Ang galing no? May leadership ka talaga. Gaya ng ginagawa natin tuwing may groupings" tinaasan ko sya ng kilay.

"Lahat naman tayo may leadership. Angas nga eh" sabi ko at tumingin nalang sa bintana.

Pagdating namin, para syang mansion na bakal lahat. Para mas magets nyo, para syang pabrika kasi may mga usok na lumalabas.

Hininto namin yung bus at pinagmasdan muna yung mansion.

"Pano kung.. hulihin nila tayo tapos hindi na tayo palabasin pa? Pano kung ikulong nila tayo at pagexperimentuhan?" Tanong ni Mariz.

"Masyado kang nanunuod ng palabas. Siguro naman parang evacuation yan" sabi naman ni Jet.

Saka ko naalala, ang sabi sa letter, na evacuate na daw sila mama. Baka naman nanjan sila?

Pumasok kami dun at kung ano ano ang chineck sa amin. Mata, katawan. Pinahubad pa yung jacket ko para daw sigurado saka kami pinasok.

"Can we ask, what is this?" Tanong ni Corrine.

"What's your name first." Matapang din na sabi ng isang nagdadala samin sa loob.

"Corrine Insauriga"

"Ohh.. insauriga's daughter! Follow me" lahat naman kami ay sumunod.

"Ako na magdadala nyan" napatingin ako kay Leo na kinuha yung malaki kong bag na may mga laman ng gamit ko.

~~~

Hello everyone! I'm back po and salamat sa mga nag antay ng update kahit after a year hehe, mejo busy sa school as a college student, pero I swear magiging maganda yung takbo ng story. I love you all! God bless❤️

Zombie Apocalypse: Fieldtrip(#wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon