ZOMBIE: 15

896 19 3
                                    


"Julia! Sasama kaba sa amin? Bibili kaming iced coffee" masayang sabi ni Addie sa akin pagkatapos ng class namin. Kasama niya si Claire, Mariz, Jhamz, at Rica.

"Hindi na teh! Tag tipid ako ngayon dahil may bibilhin ako." Sagot ko sa kanila na ikinatango nila. Anniversary kasi nila Mama bukas so kailangan ko sila bilhan ng regalo. On my way na sa mall para bumili manlang ng ibibigay sa kanila kahit di ko alam kung ano. What about hmm.. couple watch? Sasakto naman ata tong pera para dun.

"Uy, san punta mo?"

Napatingin ako sa gilid ko at si Leo nga.

"Mall. May bibilhin ako para kila mama at papa." Sagot ko sa kanya
"Ah, sabay na tayo? Magkikita kami ng girlfriend ko sa mall eh." Sabi niya naman kaya tumango na ako. Madami kaming napagusapan ni Leo habang nasa byahe kami kaya mejo gumaan ang loob ko sa kanya. Kinuwento nya rin yung about sa Girlfriend niya.

"Ano name ng girlfriend mo?"

"Mary. Nagkakilala kami sa isang hmm... restaurant" natawa ako sa sinabi niya. Restaurant? Ako pa lolokohin niya hahahaha.

"Ang sabi mo nakilala mo sa bar tapos restaurant? Ewan ko sayo." Natawa din siya sa sinabi ko at pagkarating namin sa mall, agad ding sumalubong sa kanya yung babaeng maputi, mejo bata ang itsura at payat.

"hi baby" sabi nito sa kanya kaya mejo lumayo ako. Cringe.

"Si Julia, classmate ko. Julia, si Mary, girlfriend ko." Nakipag shake hands ako at nagpaalam na sa kanila para bilhin yung gusto kong gamit. Pagkabili ko ay di na rin ako nagtagal pa dun dahil umuwi na ako. Nandoon na si papa at si mama na naghahanda ng pagkain.

"Ang aga mo ata?" Tanong ni mama.

"Ma! Happy anniversary sa inyo, surprise!" Sabi ko at binigay sa kanila yung binili ko. "Wow! Ang ganda nito!" Sabi ni mama at niyakap nila akong dalawa at syempre yumakap ako pabalik. "Salamat anak".

Ilang araw ang nakalipas at nagiging mas close kami ng mga kaibigan ko. I know naman na pansalamantala lang itong friendship namin dahil college student kami at walang block section samin. One day maghihiwa hiwalay din kami at magkakaroon ng sariling mundo.

"Hoy Ex! Sumama kana manunuod kami ng movie!" Aya ni Claire kay Ex na kasalukuyang kausap si Edlyn.

"Bat si Ex lang? Sama kami!" Sabi naman ni Krezza kaya tumango ang lahat. Nanuod kaming movie ng zombie land dahil mejo exciting yung palabas at syempre, hindi namin gusto ang romance.

"Guys paano pag nagkaroon ng zombies sa bansa natin?" Tanong ni Rayne.

"Duh! Edi magtatago tayo sa iisang bahay" sagot ni Jethro.

"Magtutulungan." Sagot naman ni Renz.

"At di mag iiwanan" singit ni Charles.

"Ang drama nyo! As if namang magkakaroon talaga ng zombies dito no. Kahit kelan never sumagi sa isip ko na magkaka zombies dito dahil imposible naman talaga. Kung mangyayari man yun, magsasarili ako. Like.. tatago ako sa isang bahay na puno ng groceries at weapons." Sabi ni Shaina na tumatawa pa.

"Ako? I will sacrifice myself para lang maligtas yung taong mahalaga sakin" sabi ni Leo at napangiwi kaming lahat sa sinabi niya.

"Julia? Bat tulala ka?— Julia? Julia!"

Napashake ako ng ulo dahil sa alaalang pumasok sa isip ko.

"Huh?"

"kanina pa kami nagsasalita about sa kukuhanin nating pagkain, ano bang iniisip mo jan?" Sabi ni Krezza.

"Ah? Wala, pagod lang"

On our way para maghanap ng convenience store. Maliit lang na sasakyan yung dala namin ni Krezza, Jethro, Jet, at Jhamz. Kami yung nagprisinta na kumuha ng makakain sa market or convenience store na mahahanap namin. Basta kung saan nandun lahat ng kailangan namin. Oo nga pala, kagabi din ay nilibing na si Leo sa likod ng bahay ng daddy ni Corrine. Meron silang garden sa likod ng bahay nila na napapalibutan ng walls at may mga puno sa gilid. Kanina lang ay napagpasyahan namin na maghiwa hiwalay para maghanap ng mga kailangan namin. Sila Edlyn ay nagpunta naman sa lugar kung saan may makikita silang damit o kahit ano pa.

"Eto, tingnan natin. Hinto mo Jet" sabi ni jhamz kaya huminto si Jet. Napahinto kami sa isang drugstore dahil nanatili itong bukas at gulo gulo na yung tindahan. Nakadamit na rin kami ng ilang patong ng jacket para kahit papano ay di manlang makalmot o makagat ng zombie. Marami din kaming baril na dala dala.

Pumasok kami at siniguradong walang ingay at walang zombie. Nagkanya kanya na kaming lagay sa bag na dala namin ng iba't ibang gamot. Halos kinalbo na nga namin yung tindahan e kahit ano pa ay kinuha namin.

"Huy Krezza ano yan?" Biro ko sa kanya nung pati condom ay kinuha niya.

"Protection" natawa ako ng mahina sa sinabi niya at pinalo siya.

"Protection sa virus ang kailangan natin. Hindi sa kung ano" sabi ko sa kanya pero inubos niya pa rin iyon at nilagay sa bag. "We never know" nagkibit balikat nalang ako at tinapos ang kailangan tapusin. Pagbalik namin sa sasakyan ay biglang ayaw na nito magstart.

"Seryoso ka ba jan Jet?" Tanong ni Jethro.

"Oo pre, lagot tayo nito"

Ilang oras ay naghintay kami. Sinubukang tumawag pero mukhang wala talaga.

"Kailangan natin magpalipas ng gabi sa tindahan na yun."

"Jet hindi pwede! Alam mo namang kailangan nila tayo dun at delikado tayo dito!" Pagkataranta ni Jhamz. Di ko na rin alam yung gagawin ko kaya natataranta na rin ako. Nanginginig na ako sa takot. nakarinig kami ng footsteps sa paligid kaya tumahimik kaming lahat. Malamig na pawis yung lumalabas sa akin at ramdam ko na rin yung pagkatakot naming lahat. Napatingin kami sa gilid namin kung saan may mga babaeng naka jacket din at mag malalaking baril. Napatingin sa gawi namin yung isa kaya nagulat kami. tao pa sila.


Lumabas ako para sundan sila sa loob ng butika at pagpasok ko ay agad nila akong tinutukan ng baril kaya napataas ako ng kamay.

"Sino ka??" Tanong ng isang babae na matangkad.

"Wait guys, hindi pa ako nahahawaan ng virus. Kailangan lang namin ng tulong niyo." Sabi ko kaya kumunot ang noo nila. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya lalo nilang tinutok ang baril sa amin.

"Hindi gumagana yung sasakyan namin. Kailangan naming makabalik sa mansyon."

Natawa silang tatlo sa sinabi ko.

"mansyon? Nanloloko kaba?" Tanong naman ng isa.

"no, nagsstay kami ngayon sa mansyon. Guys kung tutulungan nyo kami ay pwede kayong tumuloy dun. may doctor dun at kami, the med students" sabi ko.


"med students? ilabas nyo lahat ng gamot na kinuha nyo. kundi papatayin namin kayo or ipapakain namin kayo" nanlaki ang mata namin sa sinabi ng babae.


"ibigay nyo na guys, baka mas kailangan nila" sabi ni Krezza sa likod.

kinuha ni Jet at Jethro yung dalawang bag ng gamot. buti at dalawa lang ang kinuha nila—

"bakit dalawa lang yan?! lahat!" wala kaming nagawa dahil nakatutok ang baril nila sa amin. hindi rin kami makakatakas dahil wala nga kaming sasakyan.


"sumunod kayo samin" sabi nito. hindi sana kami susunod kung hindi lang kami hinawakan ng iba niyang kasama.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Leave a vote and comment!❤️

Zombie Apocalypse: Fieldtrip(#wattys2017)Where stories live. Discover now