Chapter 2

42 0 0
                                    

Kinaumagahan pagkatapos ng klase ko sa buong umaga'y agad na akong nagtungo sa pastoral center kong saan ako nanunuluyan. Pahiga-higa muna pagkadating ko habang iniisip ang magiging lakad namin ni cherry.

Ilang minuto'y nagtext na ako sa kanya.

"ate, na saan ka na? Tutuloy ka ba sa lakad natin? "

"opo naman kuya, miss na kaya kita. " agad naman niyang reply.

Di na ako mapakali ng mabasa ko na ang text niya.  Pabalik-balik na ako sa paglakad sa sala papuntang shower room di alam ang gagawin.

Di kalaunan ay nakapagpasya na rin akong maligo. Pagkatapos makaligo ay agad naman akong nagbihis.  Nakahodie lang at jeans ganyan naman ang usual kong suot kapag may palihim na lakad.

"Saan ba ang lakad mo ngayon Fred? " tanong ng kasamahan ko.
"Diyan lang sa tabi-tabi magmumalling. "

"aba may naaamoy akong kakaiba. "

"hahahaha tahimik ka lang brad. "

Pagkatapos kung magbihis ay agad na akong bumaba at dumiritso sa fastfood para makapagtake-out ng pagkain at pumunta na ng babaan ng bus para doon na mag-antay kay cherry.

"ang tagal naman ata nyang dumating, hahay nako napakaayaw ko pa namang maghintay. "

"sorry kuya medyo natagalan ako.  Kanina ka pa ba naghihintay? "

Isang pamilyar na boses ang narinig ko buhat sa likuran.

Agad ko namang hinarap kong saan nanggagaling yong tinig.  At sa sobrang saya ko'y agad ko siyang niyakap buhat narin sa pananabik.

"oh anu ate punta na tayo sa lugar na nais nating pasyalan? "

"sige kuya.  Sabay biso sa akin at bumulong ng i love you".

Agad naman akong pumara ng masasakyan namin para sa aming pupuntahan.

Pagkarating namin ay agad naman kamin gumala, naglilibot-libot sa paligid. Magkahawak kamay na naglalakad parang walang iniisip na pangambang may makakita sa amin na nakakilala sa kung ano ako at sino ako. Wari nami'y walang ibang tao sa paligid.

Amin ang pagkakataon nato,  amin ang oras at panahon ngayon kaya wala kaming inaalala kundi ang tuwa ng siya'y aking makasama.

Paminsan-minsan napabulong ako sa sarili. "sana'y ganito na lang kami palagi. Malaya sa mga matang mapanghusga. Ang sarap kaya niyang tingnang nakangiti. "😞 hay...

"teka ate,  maupo muna tayo. Hahanap muna ako ng mapagsisilungan." Palinga-linga naman ako para makahanap ng maupoan.

"hayon ate, doon tayo. " sabay hawak sa balikat nya. Kain muna tayo ate, may tinik-out akong pagkain dito ate oh heto ate. " sabay abot sa pagkain na nakasilid sa lalagyan.

"teka muna ate bago ko makalimutan may ibibigay akong regalo sayo, pero ipangako mo muna na bubuksan mo lang ito sa linggo exactly april 26 ate hap. "

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pananabik at pagtataka.

"teka mo muna ate may bibilhin muna ako saglit lang ako hap h'wag kang madaya wag mong buksan yang regalo ko sayo. "

"hehehe i can't promise that kuya. "

"ate naman. Hahay"

"o sya-sya na nga di na." may ngiti pa sya sa akin.

"alam ko yang ngiting yan. "

"oo na sige na kuya. "

At umalis ako saglit. Ngunit pagbalik ko'y nagtaka ako bat mangiyak-ngiyak ang mga mata nya.

"bakit ganyan ang itsura mo ate? May problema ba ate? Sabihin mo lang. " suno-sunod na tanong ko sa kanya. Di ko alam ang gagawin, natataranta na ako di parin nagbabago ang mood niya.

I AM YOURS ( DIVINE LOVE 2)Where stories live. Discover now